"IBA'T IBANG PINAGMULAN NG WIKA (TEORYA)"
Wednesday, February 17, 2021
Iba't Ibang Teorya sa Pinagmulan ng Wika
Wednesday, February 10, 2021
Ang Salawikain, Mga Halimbawa, at Kahulugan Nito
Ano ang Salawikain?
Ang salawikain o proverb sa Ingles ay matalinhagang pahayag na karaniwan ay may sukat at tugma. Ito ay kadalasang ipinahahayag ng mga matatanda upang mangaral, magpayo, at ituwid ang mga kabataang naliligaw ng landas o sumasalungat sa kagandahang-asal bilang Pilipino.
Anu-ano ang mga halimbawa ng mga salawikain?
1. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Mercy is in God, work is in man.
Ang pagpapala at awa ay manggagaling sa Diyos subali't kailangan mo pa ring kumilos dahil hindi lahat ng kumakatok ay pinapapasok, at hindi lahat ng humihingi ay binibigyan. Gawin mo rin ang iyong tungkulin bilang tao upang makamit mo ang iyong inaasam. Huwag laging iasa sa Diyos ang iyong ikabubuhay. Hindi sapat ang panalangin lang at pangangarap.
2. Daig ng maagap ang masipag. Promptness overcomes diligence or hardworking.
May pagkakataon na nadadaig ng isang maagap na tao ang isang masipag na nilalang sapagka't kahit sobrang sipag ang isang tao kung laging huli naman sa trabaho ay mauungusan siya ng isang maagap. Makakahuli ng mas maraming isda ang isang taong maagang pumalaot kaysa isang mangingisdang sobra ang sipag sa panghuhuli ng isda. Dahil dito, kailangang maging maagap o madiskarte ang isang masipag na tao sa mga oportunidad. Huwag palampasin ang pagkakataon.
3. Kung ano ang itinanim, siyang aanihin. You reap what you sow.
Ang nais ipakahulugan ng salawikaing ito ay kung ano ang ipinakikitang asal sa ating kapuwa ay kadalasang iyon din ang ibabalik nilang pagtrato sa atin. Gayunman, may pagkakataong kabaligtaran ang nangyayari. May lumalabas na traydor o ahas na kaibigan subali't hindi batayan ito upang iwasan natin ang laging maging mabuti sa kapwa.
Monday, January 18, 2021
Kayarian ng Salita
Ang Kayarian ng Salita ay may apat (4) na uri o porma. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Payak
2. Maylapi
3. Inuulit
4. Tambalan
- Payak -
binubuo ng salitang-ugat lamang at walang kasamang panlapi at hindi rin
nagkakaroon ng pag-uulit.
Mga Halimbawa:
saya dumi grasa
bahay biktima bilog
- Maylapi
- binubuo ng panlapi at
salitang-ugat.
Mga Halimbawa:
ma+saya= masaya
ma+dumi= madumi
ma+bilog = mabilog
lista+han = listahan
- Inuulit
- Salitang binubuo ng pag-uulit ng
isang bahagi ng salita o ng buong salita.
Mga Halimbawa:
bahay-bahayan tuyong-tuyo buong-buo
4. Tambalan -Salitang binubuo sa
pamamagitan pagsasama o pagtatambal ng dalawang salita upang makabuo ng isang
tambalang salita.
Tandaan:
A. Minsan, nananatili ang ang
kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal
Mga Halimbawa:
dalaga + bukid = dalagang bukid è isang
dalagang nakatira sa bukid o taga bukid
balik + bayan = balikbayan è
isang taong muling bumalik sa sariling bayan
B. May pagkakataon ding nawawala
na ang orihinal na kahulugan ng dalawang salita at isang bagong salita na ang
nabubuo mula sa mga ito.
Mga Halimbawa:
tainga + kawali = taingang-kawali è
nagbibingi-bingihan
bahag + hari = bahaghari è
arko na may iba’t ibang kulay sa himpapawid na madalas na nakikita pagkatapos
ng ulan
Thursday, January 14, 2021
BAHAGI NG MAIKLING KUWENTO
Ano ang maikling kuwento?
Ang maikling kuwento o short story sa wikang Ingles ay isang anyo ng panitikang nagsasalaysay sa madali, maikli, at masining na paraan. Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento, ito ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay. Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.
Anu-ano ang mga bahagi ng maikling-kwento?
Ang maikling kuwento ay may limang (5) pangunahing bahagi. Ito ay ang mga sumususunod:
1. SIMULA - Napakahalaga ng bahaing ito sapagka't dito nakasalaysay ang kawilihan ng mga mambabasa kung dapat bang ipagpatuloy ang pagbabasa ng kuwento o hindi. Ito ay karaniwang nakapupukaw ng atensyon o nakakatawag ng pansin sa mga mambabasa. Kapag hindi nakamit ng simula ang kanyang layunin, nawawalan ng saysay ang maikling kuwento dahil hindi na malalaman pa ng mambabasa ang iba pang bahagi nito. Sa wikang Ingles ang simula ay tinatawag na "inroduction" o "exposition".
2. TUNGGALIAN - Sa bahaging ito ng maikling kuwento nakikita ang suliranin sa kuwento, kung sino ang mga bida at kontrabida, at kung ano ang problemang dapat bigyan ng solusyon. Ang tunggalian ay may apat (4) na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan.Ang bahaging ito ay tinatawag na "Rising action" o "rise" sa wikang Ingles.
3. KASUKDULAN - Dito unti-unting nabibigyang solusyon ang suliranin, kung magtatagumpay ba ang paunahing tauhan o hindi. Ang bahaging ito ay kapanapanabik dahil kadalasan ay napupukaw rito ang matinding damdamin ng mambabasa, na maaaring tuwa o lungkot, takot at pangamba. Ito ay tinatawag na "climax" sa Ingles.
4. KAKALASAN - Sa bahaging ito ay unti-unti nang bumababa ang emosyon ng mambabasa. Dito rin makikita ang pagbibigay solusyon sa isang suliranin o problemang kinaharap ng mga bida o kasawian sa kanyang inaasam. Ang kakalasan ang nagbibigay tulay sa wakas. Ito ay tinatawag na "denouement" o "falling action" sa wikang Ingles.
5. WAKAS - Ito ang katapusan ng kuwento kung saan nakasaad ang panghuling mensahe ng kuwento, lantad man o tago.
Thursday, December 3, 2020
Wastong Gamit ng Tuldok-kuwit o Semi-colon
Ang tuldok-kuwit o semi-colon sa Ingles ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig.
Ginagamit ang tuldok-kuwit sa:
A. Pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig.
Mga halimbawa:
1. May mga taong gumagamit ng payong upang hindi mabasa sa ulan; ang ilan naman ay nagsusuot ng kapote.
2. Magaling umawit si Jose; sa pagsayaw naman mahusay ang kakambal niyang si Lito.
B. Sa unahan ng mga salita at pariralang tulad halimbawa ng, gaya ng, paris ng, tulad ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.
Mga halimbawa:
1. Maraming masusustansyang bungang-kahoy ang hindi alam ng mga kabataan sa ngayon; tulad halimbawa ng mabolo, anonas, at garamay.
2. Maraming pinamiling paninda ang Nanay sa Divisoria; tulad ng mga kulambo, punda ng unan, kumot, at iba pa.
May mga artikulo sa Filipino ang nagsasabing maaaring gamitin ang tuldok-kuwit sa halip na tutuldok (colon) sa bating panimula sa isang liham-pangangalakal (business letter) subali’t hindi ko ito inirerekomenda dahil taliwas ito sa tuntunin sa wikang Ingles.
Tuesday, November 24, 2020
Wednesday, September 30, 2020
MGA TUNTUNIN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
Bahagi na ng isang mag-aaral ang sumulat ng isang sanaysay o essay. Hindi masasabing isang mag-aaral ang isang nilalang kung hindi siya nakasulat ng isa mang sanaysay, maikli man ito o mahaba. Upang makasulat ng isang magandang sulatin o sanaysay, dapat tandaan at sundin ang mga tuntunin nito.
MGA TUNTUNIN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
I. Panimula/Introduksyon
- Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang
tinitingnan at binabasa ng mga mambabasa. Nararapat na ito ay nakapupukaw ng atensyon
upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda.
Mga Paraan ng
pagsulat ng Panimula
1. Pasaklaw na
Pahayag – Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit
na detalye.
Halimbawa:
Tatlong katao ang nasawi at pito pa ang
malubhang nasugatan sa isang banggaan ng trak at kotse sa panulukan ng Kalye
Ibarra at Crispin sa Lungsod ng Navotas kahapon, ika-18 ng Oktubre, 1988.
2. Tanong na
Retorikal – isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang sagot
sa sanaysay at para isipin niya.
Halimbawa:
Ano ang kaligayahan?
3. Paglalarawan –
pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa
Halimbawa:
Makapal ang pulbo sa kanyang mukha, namumula
sa galit ang lipstik sa kanyang makapal na labi, at malalantik ang mga pekeng
pilik na nakakabit sa kanyang pilikmata.
4. Sipi – isang
kopya galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo
at iba pang sanaysay.
Halimbawa:
Ayon kay dating Pangulong Ferdinand E.
Marcos: “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan!”.
5. Makatawag Pansing
Pangungusap – isang pangungusap na makakakuha ng atensyon ng nagbabasa.
Halimbawa:
Malapit na ang katapusan ng mundo.
6. Kasabihan –
isang kasabihan na makakapagbigay ng maikling ekplenasyon ng iyong sanaysay.
Halimbawa:
“Daig ng maagap ang masipag,” ito ang
pinatunayan ni Rommel.
7. Salaysay –
isang ekplenasyon ng iyong sanaysay.
Halimbawa:
Kuro-kuro lamang at opinyon ng may-akda ang
mga pahayag sa ibaba.
II. Katawan - dito
nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito ng sanaysay ay
makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntosukol sa tema at nilalaman ng
sanaysay. Dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang
maunawaan ito nang maigi ng mambabasa.
Mga Paraan ng
pagsulat ng katawan
1. Pakronolohikal
– nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari.
Halimbawa:
Nasa
elementarya pa lamang si Dindo ay kinakitaan na ng talino sa pag-aaral.
Hindi
na ikinagulat ng kanyang mga kamag-aral at guro ng tanghaliang “Valedictorian”
si Dindo nang magtapos sa high school.
Laging
nasa Dean’s List ang pangalan ni Dindo habang nag-aaral ng abogasya sa
Unibersidad ng Pilipinas.
Nanguna
si Dindo sa mga kumuha ng bar ng taong iyon.
2. Paanggulo – Pinapakita
ang bawat anggulo o”side” ng paksa.
Halimbawa:
“Kanin hindi buhangin!” ang sigaw ng
Makabayan Bloc ng House of Representatives sa rehabilitasyon ng Manila Bay na
isinasagawa ng DENR.
Sinabi naman ni Roy A. Cimatu, kalihim
ng DENR, ang nakapondo na ang paglalagay ng dolomite o puting buhangin sa
dalampasigan ng Manila Bay noon pang isang taon.
Ayon naman kay Leonor Briones, kalihim
ng Kagawaran ng Edukasyon, mas mainam kung ginamit sa pag-aaral ang nasabing
pondo ngayong pandemya.
3. Paghahambing –
Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo atbp. ng isang paksa.
Halimbawa:
Mainam ang bahay kubong gawa sa pawid at
kawayan dahil nagbibigay ito ng natural na lamig at hangin sa mainit na
panahon. Gayunman, sa panahong malakas ang ulan at hangin, ang bahay na bato at
yero ay hindi agad naigugupo ng masungit na panahon.
4. Papayak o
Pasalimuot – nakaayos sa paraang simple hanggang komplikado at 'vice versa”.
III. Wakas/Konklusyon-
dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay. Sa
bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay
ng sanaysay
Mga Paraan ng
pagsulat ng Wakas
1. Tuwirang Pagsabi
– mensahe ng sanaysay.
Halimbawa:
Hindi mapapasubali na “Daig ng maagap ang
masipag.”
2. Panlahat na
Pahayag – pinakaimportanteng detalye ng sanaysay.
Halimbawa:
Hindi mahalaga kung iba’t iba man ang ating
pananaw sa isang paksa. Ang importante ay marunong tayong rumespeto sa opinyon
ng iba.
3. Pagtatanong –
winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang retorikal na tanong.
Halimbawa:
Ikaw, ano ang magagawa mo sa iyong Inang
Bayan?
4. Pagbubuod – ang
summary o buod ng iyong sanaysay.
Halimbawa:
Hindi lamang puso ang dapat pairalin sa pag-ibig; katuwang din nito ang isip.
(Hangoi at Sinipi mula sa http://www.academia.edu/31342239/MGA_TUNTUNIN_SA_PAGSULAT_NG_SANAYSAYSaturday, August 8, 2020
Idyoma o Sawikain at Mga Halimbawa
Ano ang idyoma o sawikain?
Ayon sa Wikipedia, ang isang idyoma o sawikain ay “isang
pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal” o literal. Ito ay
nangangahulugan na “hindi binubuo ng
tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo”. “Ito ay di-tuwirang
pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar”.
Mga Halimbawa ng Idyoma
1. namamangka sa dalawang ilog = sabay na
nanliligaw sa
dalawang babae
Dahil sa pamamangka sa dalawang ilog kung
kaya’t nabasted si Mario.
2. kutis-porselana = makinis ang balat
Laging nakukuhang modelo ng mga sikat na sabon sa
mukha si Anna dahil sa taglay niyang kutis-porselana.
3. balat-sibuyas = maramdamin
4. anak-dalita = mahirap
Ang kanyang pagiging anak-dalita ang
naging hamon ni Arnulfo na mag-aral na
mabuti upang matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.
5. alilang-kanin = utusang walang suweldo, pagkain lang
Napilitang pumasok na alilang-kanin si
Maricel noong siya ay bagong salta sa Maynila.
Marami sa mga pulitiko ang balik-harap kaya hindi umuunlad ang isang lugar.
7. bungang-tulog = panaginip
Gayon na lamang ang pasasalamat ni Arnold dahil ang kanyang naranasang dalamhati ay bungang-tulog lamang.
8. dalawa ang bibig = mabunganga; madaldal
Kaya laging napapaaway si Aling
Barang sa kanilang barangay ay dahil dalawa ang kanyang bibig.
Laging taya si Bornok sa taguan dahil tagong bayawak ang kanyang ginagawa.
Laging tinutukso ng mga kalaro si Intoy dahil siya ay putok sa buho.
Tutol si Aling Elena sa manliligaw ng anak dahil bukod sa tamad, ito ay nagbibilang ng poste.
Magmula nang nawalan ng pagkakakitaan, walang araw na hindi nagbibibilang ng poste si Mang Gusting.
24. usad pagong = mabagal kumilos
Naiinis kay Adelfa ang kanyang mga
kapatid dahil madalas ay nahuhuli sila sa pagpasok sa paaralan dahil siya ay usad pagong.
Bihira mong maaabutan si Nickolo sa
kanilang bahay dahil makati ang paa ng binatilyo.
26. may bulsa sa balat
= kuripot i
Kung minsan, hindi naman kapintasan
ang may bulsa sa balat.
27. alog na ang baba = matanda na
Hindi maiwasan ni Abigail ang
mangiti habang pinagmamasdan ang pagtatanim ng mga gulay ng kanyang ina kahit alog na
ang baba nito.
28. alimuom = baho
Nagsampa ng kaso sa barangay si Aling Lucy
laban kay Aling Nita dahil ipinamamalita ng huli ang alimuom ng una
sa ibang tao.
29. pantay ang mga paa = patay na i
Labis ang pighati ni Gng. Ramos
dahil kahit pantay ang mga paa ng kanyang kapatid ay hindi niya
mapuntahan ito dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine.
30. pagkagat ng dilim = pagsapit ng gabi; paglubog ng araw
Sanay nang makita ng taga-Ilaya ang
anino ni Celia sa burol tuwing pagkagat ng dilim habang
hinihintay niya ang pagdating ni Delfin gayong limang taon nang patay ang
kasintahan.
Iba pang Halimbawa ng Sawikain at Kahulugan
1. nagmumurang kamatis(kamyas)= matandang nag-aayos binata o dalaga
3. ningas-kugon = panandalian lamang
4. makapal ang mukha = hindi marunong mahiya
5. panis ang laway = hindi palakibo; masyadong tahimik
6. bahag ang buntot = duwag
7. ikurus sa kamay = tandaan
8. bukas ang palad = matulungin
9. kapilas ng buhay = asawa
10. basag ang pula = luko-luko
11. ibaon sa hukay = kalimutan
12. mapurol ang utak = mahina
sa larangan ng
pag-iisip o mabagal mag-isip
13. maitim ang budhi = tuso
14. pusong bakal = di marunong magpatawad, matigas na kalooban
15. may gintong kutsara sa bibig =
mula ipinanganak ay mayaman
16. nakalutang sa ulap = masaya




