Showing posts with label Ortograpiyang Filipino. Show all posts
Showing posts with label Ortograpiyang Filipino. Show all posts

Wednesday, March 10, 2021

Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Pambansa - Mga Grafema

         Ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ay bumalangkas ng Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Pambansa upang maging gabay ng mga guro, mag-aaral, dalubhasa sa wika at mga mananaliksik. 

Ano ang ortograpiya?

        Ayon sa Wikipedia, ang ortograpiya ay isang hanay ng mga kombensyon para sa pagsulat ng isang wika. Kasama rito ang mga pamantayan ng pagbaybay, hyphenation o paggamit ng gitling, pag-capitalize o pagsulat sa malaking titik, mga word break o paghihiwalay o pagpapantig ng mga salita, diin, at bantas.

Nasa ibaba ang ilan sa mga tuntuning ortograpiya ng wikang Filipino:

Mga Grafema (Grapheme)

        Ang grafema ang pinakamaliit na yunit o bahagi ng sistema sa pagsulat. Sa ortograpiyang Filipino, ito ay binubuo ng:

1. Titik o Letra

        a. May dalawampu't walong (28) titik o letra ang wikang Filipino o Alpabetong/Abakadan Pilipino. Dalawampu (20) sa mga ito ay katutubong titik:

        An       Bb       Kk       Dd       Ee  

        Gg       Hh       Ii         Ll         Mm 

        Nn       Ngng   Oo       Pp        Rr 

        Ss        Tt        Uu       Ww       Yy

        b. Walo (8) naman ang hiram o banyagang titik. Ito ay ang mga sumusunod:

        Cc       Ff        Jj       Ññ

        Qq       Vv      Xx      Zz

        c. Ang mga titik ay binabasa o binibigkas sa tunog Ingles, maliban sa Ññ (enye) na mula sa wikang Espanyol.

(Sinipi mula sa https://samutsamot.com)

2. Di-titik

        Ito ay binubuo ng tuldik (accent) at bantas (punctuation mark).

        a. Tuldik o Asento - gabay  sa paraan ng pagbigkas ng mga salita.

        b. Bantas - kumakatawan sa mga patlang at himig ng pagsasalita sa pagitan ng mga titik at pantig (syllable).

======

Pinagmulan/Source: Komisyon ng Wikang Filipino

https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/Ortograpiyang_Pambansa_2.pdf