Ang ABAKADA
Ang abakadang Pilipino ay binubuo ng dalawampung (20) titik. Ito ay ang mga sumusunod:
Malaking Titik (Capital Letter)A B K D E G H I L M N NG O P R S T U W Y
Maliit na Titik (Small Letter)a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y
Ang mga patinig (vowel) ay lima:
a e i o u
Samantalang ang mga katinig(consonant) ay 15 :
b k d g h l m n ng p r s t w y
(Salin mula sa
http://www.tagaloglang.com/)
Kasaysayan ng Abakadang Pilipino
Bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas noong ika 16 na siglo, and mga katutubong Flipino ay gumagamit na ng panulat na tinatawag na
baybayin o
alibata. Ang mga Kastila ang nagdala ng mga Kanluraning titik sa Pilipinas.
Noong1930s, ang kilalang iskolar na si Lope K. Santos ang bumuo ng isang abakada na kinabibilangan ng mga tunog mula sa wikang Tagalog. Ito ay binubuo ng 20 titik na kinapapalooban ng 5 patinig at 15 katinig.
Noong 1976, ang Kagawaran ng Pagtuturo, Kutura at Isports ( Department of Education, Culture and Sports (DECS)) ng Pilipinas ay nagpalabas ng rebisadong Alpabetong Filipino na may dagdag na mga titik na:
c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, and z.Ito ay tinatawag na
Pinagyamang Alpabeto (Enriched Alphabet).
Ang Alpabetong Filipino na binubuo ng 28 titik ( 20 titik mula sa lumang abakada at 8 mula sa titik kastila) na ginagamit sa pagtuturo sa ngayon ay sinimulan noong 1987 sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Corazon Aquino. Ito ay tintawag na
Makabagong Alpabetong Filipino (Modern Filipino Alphabet). Ang mga titik na ito ay ang mga sumusunod:
a b c d e f g h i j k l m n n o p q r s t u v w x y z