Showing posts with label Wastong Gamit ng Hagdan at Hagdanan. Show all posts
Showing posts with label Wastong Gamit ng Hagdan at Hagdanan. Show all posts

Wednesday, September 19, 2018

Hagdan at Hagdanan: Kung di at Kundi

WASTONG GAMIT

A. HAGDAN at HAGDANAN

Ang HAGDAN o stairs sa wikang Ingles ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. 
Ang HAGDANAN o  stairway sa wikang Ingles ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.

Mga Halimbawa

1. Magdahan-dahan ka sa pag-akyat sa HAGDAN.
2. Gawa sa narra ang kanilang HAGDAN.
3. Huwag kayong maglaro sa HAGDAN dahil ito ay madulas.
4. Naayon lamang na ilagay ang HAGDANAN katapat ng pintuan.

5. Maaari bang lagyan ng paikot na HAGDAN ang inyong ginawang HAGDANAN?



B. KUNG DI at KUNDI

            Nanggaling ang KUNG DI sa salitang “kung hindi” o if not sa Ingles; ang ibig sabihin naman ng KUNDI sa wikang Ingles ay except.

Mga Halimbawa

1. Pupunta sana ang nanay sa palengke KUNG DI umulan.
2. KUNG DI dumating si Alicia ay pupunta na sana kami sa bukid.
3. Aalis na sana si Pedro KUNG DI dumating ang kanyang barkada.
4. Hindi maaaring panoorin ang palabas na ito KUNDI yaong may idad 18 pataas lamang.
5. Walang maaaring pumasok sa sayawan KUNDI yaong may mga tiket lamang