Showing posts with label wastong gamit kapag at kung. Show all posts
Showing posts with label wastong gamit kapag at kung. Show all posts

Friday, March 5, 2021

Wastong Gamit: Kung at Kapag

KAPAG ang ginagamit kung  TIYAK ang kalagayan ng isang pahayag. Ito ay katumbas ng WHEN sa English bilang pang-abay (adverb)  at pangatnig (conjunction).

 Halimbawa: 

1. Si Marilou ay umuuwi ng probinsya kapag araw ng Pista ng Sto. Rosario ng kanilang bayan.

2. Laging magsuot ng seat belt kapag ikaw ang nakatokang magmaneho ng kotse.

3. Kapag araw ng Linggo nagsisimba si Abigail.

4. Tawagan mo ako kapag ikaw ay dumating na sa inyong bahay.

5. Sa tuwina ay nakatatanggap ng regalo si Timtam galing sa kanyang ninong kapag siya ay nagdaraos ng kanyang kaarawan.

KUNG naman ang gamit kung DI-TIYAK ang kalagayan ng isang pahayag. Ito ay katumbas ng IF sa English bilang pangatnig (conjunction).

Halimbawa:

1. Hindi matutuloy ang ating excursion kung uulan bukas.

2. Si Gng. Ramos ay alinlangan kung sa Martes o Biyernes ang dating ng kanyang anak.

3. Kung ikaw ay magagawi sa palengke ay ibili mo ako ng isang kilong galunggong.

4. Kung itutuloy niya ang demanda o hindi ay hindi pa napagdedesisyonan ni Maricar.

5. Sumige ka kung sa palagay mo ay tumpak ang iyong gagawin.