Ang Kayarian ng Salita ay may apat (4) na uri o porma. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Payak
2. Maylapi
3. Inuulit
4. Tambalan
- Payak -
binubuo ng salitang-ugat lamang at walang kasamang panlapi at hindi rin
nagkakaroon ng pag-uulit.
Mga Halimbawa:
saya dumi grasa
bahay biktima bilog
- Maylapi
- binubuo ng panlapi at
salitang-ugat.
Mga Halimbawa:
ma+saya= masaya
ma+dumi= madumi
ma+bilog = mabilog
lista+han = listahan
- Inuulit
- Salitang binubuo ng pag-uulit ng
isang bahagi ng salita o ng buong salita.
Mga Halimbawa:
bahay-bahayan tuyong-tuyo buong-buo
4. Tambalan -Salitang binubuo sa
pamamagitan pagsasama o pagtatambal ng dalawang salita upang makabuo ng isang
tambalang salita.
Tandaan:
A. Minsan, nananatili ang ang
kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal
Mga Halimbawa:
dalaga + bukid = dalagang bukid è isang
dalagang nakatira sa bukid o taga bukid
balik + bayan = balikbayan è
isang taong muling bumalik sa sariling bayan
B. May pagkakataon ding nawawala
na ang orihinal na kahulugan ng dalawang salita at isang bagong salita na ang
nabubuo mula sa mga ito.
Mga Halimbawa:
tainga + kawali = taingang-kawali è
nagbibingi-bingihan
bahag + hari = bahaghari è
arko na may iba’t ibang kulay sa himpapawid na madalas na nakikita pagkatapos
ng ulan