Kabanata 1 - Isang Pagtitipon
Magtatapos ang buwan ng
Oktubre nang magpatawg ng Isang marangyang salu-salo sii Don Santiago de los
Santos na mas kilala na si Kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang
bahay na nasa Kalye Anloague (na ngayo'y Kalye Juan Luna) na karatig ng Ilog Binundok.
Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynil kung kaya’t hindi
magkamayaw ang ilan kung ano ang isusuot.
Dagsa ang panauhin ng gabing
iyin. Hiwalay ang mga kababaihan at kalalakihan. Punong abala sa pagsalubong at
pag-istima ang matandang-dalagang pinsan ng kapitan na si Tiya Isabel. Kabilang
sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Padre Sibyla, isang Dominiko at ang
kura paroko ng Binundok, si Padre Damaso, ang matabil na paring Pransiskano, at
dalawang paisano.
Nagkaroon ng mainitang
usapan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng tabako. Nailabas ni
Padre Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo kung
kaya‟t iniba ni Padre Sibyla ang usapan, dahil na rin sa isang indiyo ang
may-ari ng bahay. Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni
Padre Damaso pagkatapos ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko
ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang hari ay hindi dapat manghimasok sa
pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe. Pero ito ay tinuligsa ng Tinyente ng
Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan Heneral sapagkat ito ang
kinatawan ng Hari sa bansa.
Ipinaliwanag pa ng tinyente
ang dahilan ng pagkakalipat ni Padre Damaso. Siya ang nag-utos na hukayin at
ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang erehe
ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang ginawa ay itinuturing sa
isang kabuktutan ng Kapitan Heneral na may malinis na puso. Iniutos niya ang paglilipat sa ibang parokya ni Padre Damaso
bilang parusa.
Matapos ang kanyang
paliwanag ay Iniwanan na ng Tinyente ang umpukan, Sinikap ni Padre Sibyla na
pakalmahin ang loob ni Padre Damaso. Maya-maya ay nagsidatingan ang iba pang
mga bisita. Kabilang dito ang mag-asawang sina Doktor. de EspadaƱa, isang
Kasgtilang pilay at ang asawa nitong Pilipina na si Donya Victorina, na taglay
ang kulot na buhok.
Natuon ang usapan sa
pagkakadiskubre ng pulbura hanggang dumating si Kapitan Tiago kasama ang isang
magiting na binata.