Ang inuman ay isang pangngalan (noun) samantalang maaaring pandiwa (verb) o pangngalan ang inumin. Dahil dito, ang inuman ay tumutukoy sa isang bagay o pangyayari samantalang maaring nagpapahayag naman ng kilos o pagkilos ang inumin o pwede rin namang tumutukoy sa isang bagay.
Mga Halimbawa
1. Nauuhaw si Pedro. Bigyan mo siya ng inumin. (tubig, softdrinks, etc.)
2. Inumin (Drink) mo ang tabletang ito nang bumuti ang iyong pakiramdam.
3. Kaarawan ni Luis ngayon. Tiyak na may inuman (drinking spree) at inumin (liquor, alak, beer, serbesa,atbp).
(Imahe mula sa http://alternativelearningsystem.blogspot.com/2017/06/tila-nakalimutan-na-ni-kalihim-leonor.html)
4. Kumuha ka ng inuman (cup, glass, tasa, baso) para pagsalinan nitong malamig na softdrink.5. Lagyan mo ng inumin ang inuman.