MGA URI NG TAYUTAY ((Kinds of Figure of Speech)
Maraming uri ang tayutay. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagtutulad o Simili (Simile) - Isang uri ng paghahambing o pagkukumpara ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga salitang KATULAD, TULAD, GAYA NG, TILA, PARANG, atbp.
Mga Halimbawa
a. Ang mga mata mo ay tila perlas ng silangan.
b. Ang pag-awit mo ay tulad ng himig ng mga anghel sa langit.
(Imahe mula sa https://www.thermofisher.com/blog/polymers2plastics/sample-prep-tips-for-determination-of-phthalate-esters-in-soft-drinks/)
c. Parang bote ng koka-kola ang hugis ng iyong katawan.
2. Pagwawangis (Metaphor) - paghahambing ng dalawang bagay na hindi ginagamitan ng mga salitang katulad, tulad, gaya ng, tila, parang, atbp.
Mga Halimbawa
a. Ang kanyang ina ang bituing tanglaw sa kanyang buhay.
b. Namumulang makopa ang pisngi ng sanggol.
(Imahe mula sa https://nl.pinterest.com/pin/485403666061496072/)
c. Malasutla ang iyong kutis.3. Pagmamalabis (Hyberbole) - sadyang pinalalabisan o kinukulangan ang isang kalagayan, pangyayari o bagay.
Mga Halimbawa
a. Bumaha sa buong paligid nang siya ay umiyak.
b. Mala-impyerno ang init ng panahon.
c. Nakakatunaw ang kanyang pagtingin.
(Imahe mula sa http://www.newsflash.org/2004/02/hl/hl113132.htm)
d. Buto't balat na lamang nang siya ay matagpuan.4. Pagbibigay ng Katauhan o Pagsasatao (Personification) - pagbibigay katangian ng tao sa isang bagay na walang buhay.
Mga Halimbawa
a. Humihiyaw ang mga kawayan sa lakas ng hangin.
b. Nag-aawitan ang mga palaka sa gitna ng ulan.
c. Ang mga palay ay sumasayaw sa ihip ng hangin.
5. Pag-uyam (Irony) - paggamit ng mga salitang kapuri-puri subali't kabaliktaran naman ang nais ipagkahulugan.
Mga Halimbawa
(Imahe mula sa https://www.pinterest.com/pin/332351647472467750/)
a. Kay-ayos ng iyong buhok. Magandang pang-isis ng kawali.b. Napakaganda ng boses ni Maria. Hinihiwang yero ang kapara.
c. Kaykinis ng mukha ni Pedro. Konting uka pa at buwan na ang kawangis.
6. Pagtawag (Apostrophe) - madamdamin na pagtawag sa isang nilalang o bagay na tutuo o imahinasyon lamang na kalimitan ay nagsisimula sa O, o Oh at madalas na ginagamit sa prosa o tula at drama.
Mga Halimbawa
a. O, Bathalang Mahal! Nawa'y siya ay Iyong kupkupin.
b. O, bituing marikit! Tanglawan mo ang gabing pusikit.
c. O, tukso! Layuan mo ako.
7. Pag-uulit (Alliteration) - pag-uulit ng isang salita o parirala sa loob ng isang pangungusap, taludtod o talata.
Mga Halimbawa
a. Masama ang gumamit ng droga. Masama dahil nakakasira ng isip. Masama dahil pamilya ay nasisira.
b. Pag-ibig ang nagbigay pag-asa; pag-ibig ang bumuhay; pag-ibig pa rin ang pumatay.
(Imahe mula sa http://www.mango.org/en/About-Mangos)
c. Paborito niya ang mangga; manggang-hinog, manggang-hilaw, at kahit na anong uri ng mangga.8. Pagtatanong (Rhetorical Question) - pagpapayag sa pamamagitan ng pagtatanong na hindi naghihintay ng kasagutan. Ang tanong ay maaaring may kasagutan o wala. Maaaring ang tanong ay alam na ang sagot subali't inilagay upang bigyang diin ang isang pahayag, damdamin o pangyayari.
Mga Halimbawa
a. Bakit nagkaganito ang bayang ito?
b. Hagupit ng kalikasan o kasakiman ng tao?
c. Ikaw ba ang sinasabing magliligtas sa lahat ng tao?
9. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) - pagbanggit ng isang bahagi upang tukuyin ang kabuuan o pagpapahayag ng kabuuan upang tukuyin ang isang bahagi.
Mga Halimbawa
a. Binili mo na yata ang buong palengke?
(Imahe mula sa https://www.stratco.com.au/home/products/home-improvement-product-template/?product=3095&)
b. Malapit na ako. Kita ko na ang aming palupo.c. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo rito.
10. Paghihimig (Onomatopoeia) - paggamit ng mga salitang kasingtunog ng kahulugan.
Mga Halimbawa
a. Naglalagablab ang init ng panahon.
(Imahe mula sa http://missoptimism.deviantart.com/art/Tiktilaok-306418965)
b. Tiktilaok!c. Umarangkada na ang bagong biling sportscar ni Mario.
11. Pagtatambis (Oxymoron) - paglalagay o pagsasama ng dalawang bagay o salita na magkasalungat ang kahulugan.
Mga Halimbawa
(Imahe mula sa http://www.goodhousekeeping.com/life/inspirational-stories/news/g3772/2016-olympic-winners-crying/)
a. Masaya siyang umiiyak nang manalo sa timpalak.b. Ikaw na ang matalinong-bobo!
c. Matamis na maasim ang manibalang na mangga.
d. Nakabibingi ang katahimikan.
e. Minsan, kailangan mong mawala para makita.
12. Kabaliktaran (Antithesis) - pagsasama ng dalawang ideya, damdamin, salita, parirala at pangungusap na kabaliktaran ang kahulugan.
Mga Halimbawa
a. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
b. Isang hakbang ng nilalang, malayong lundag sa sangkatauhan.
c. Umiiyak man ang langit, nagbubunyi naman sa lupa.
d. Marami ang matutuwa sa iyong paglisan.
13. Pagtanggi (Litotes) - pagpapahayag ng pagsalungat o hindi tuwirang pangsang-ayon subali't ito ay pakunwari o paimbabaw lamang, o paglalagay ng dalawang negatibong pananaw para ipamalas ang positibong ideya.
Mga Halimbawa
a. Hindi maliit na halaga ang isang milyong piso.
b. Ayokong isipin mo na tutol ako sa pag-aasawa mo. Nais ko lamang na magtapos ka muna ng pag-aaral.
(Imahe mula sa http://global.rakuten.com/en/store/roupas-m-m/item/uf15-4006/?s-id=borderless_recommend_item_zh-cn)
c. Hindi naman masikip sa iyo ang iyong bagong damit.