May mga tuntuning sinusunod sa pagrereispel ng wikang banyaga - Ingles man, Español, o iba pa - sa Filipino.
(Image from https://www.wonderopolis.org)
1. Huwag magreispel kapag:
a. Kakatwa o kakatawa ang anyo
b. Higit na mahirap basahin kaysa orihinal
c. Nasisira ang kabuluhang kultural
d. Higit nang popular ang anyo sa orihinal
b. Higit na mahirap basahin kaysa orihinal
c. Nasisira ang kabuluhang kultural
d. Higit nang popular ang anyo sa orihinal
Mga Halimbawa
carbon dioxide vs karbon day-oksayd
baguette vs baget
feng shui vs fung soy
habeas corpus vs habyas korpus
bouquet vs bukey
pizza vs pitsa
wifi vs wayfay
Makabubuting isulat na lamang ang ispeling nito sa wikang banyaga kaysa isulat sa Filipino.
2. Sa panghihiram ng salita, Español muna bago Ingles
Higit na umaalinsunod ang wikang Español sa bigkas at baybay na Filipino kaysa Ingles.
Mga Halimbawa
bagahe (bagaje) vs bageyds (baggage)
birtud (virtud) vs virtyu (virtue)
isla (isla) vs ayland (island)
imahen (imagen) vs imeyd (image)
sopistikado (sofisticado) vs sofistikeyted (sophisticated)
3. Mag-ingat sa mga salitang hindi Español at hindi rin Ingles at hindi matukoy ang pinagmulan
Mga Halimbawa
aspekto at hindi aspeto
imahen at hindi imahe
kontemporaneo at hindi kontemporaryo
endoso at hindi endorse
4. Pasók ang SK at ST kapag nasa dulo ng salita
Mga Halimbawa
desk disk
test kóntest
pest post
cost kiosk
5. Kapag ang SK o ST ay nasa unahan o gitna ng salita, madalas itong nahahati.
Mga Halimbawa
schedule ==> is-ked-yul (iskedyul)
scholar ==> is-ko-lar (iskolar)
style ==> is-tayl (istayl)
stop ==> is-tap (istap)
6. Walâng KT
Mga Halimbawa
ábstrak (abstract)
ádik (addict)
konék (connect)
korék (correct )
sabjek (subject)
Mga Halimbawa ng Ispeling sa Filipino ng mga salitang dayuhan:
chart tsart
taxi taksi
stand by istámbay
schedule iskédyul
police pulís
boxing bóksing
recess risés
grocery gróserí
underpass ánderpás
highway háywey
traffic trápik
graduate grádweyt
corny kórni
armalite ármaláyt
--o0o--
Sanggunian:
Komisyon Sa Wikang Filipino (KWF)