Showing posts with label BAHAGI NG PANANALITA - ANG PANG-UKOL (PREPOSITION). Show all posts
Showing posts with label BAHAGI NG PANANALITA - ANG PANG-UKOL (PREPOSITION). Show all posts

Monday, September 26, 2011

BAHAGI NG PANANALITA - ANG PANG-UKOL (PREPOSITION)

Ang Pang-ukol (Preposition) ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, ari, balak o layon.

Dalawang Pangkat ng Pang-ukol

A. Ginagamit bilang pangngalang pambalana (common noun) - mga pantukoy na ang layon, gawa, kilos o ari ay para sa lahat o balana.

Mga  Halimbawa:
1. Ang tema ng talakayan ay ukol sa kahalagahan ng edukasyon.
2. Ang mga donasyong ibinigay ng mga pulitiko ay para sa mga nasunugan.

3. Ang mga piling guro ay binigyan ng parangal.
4. Laban sa pamahalaan ang kanilang isinusulat.
5. Ang mga aklat na ito ay para sa batang-lansangan.

B. Ginagamit na pantukoy sa ngalan ng tanging tao - mga pantukoy na ang layon, gawa, kilos o ari ay para sa tanging ngalan ng tao.

Mga Halimbawa:
1. Ang librong kanyang binabasa ay ukol kay Imelda Marcos.

2.Para kay Nilo ang asong ito.
3. Ayon kay Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

4. Ang kanilang tinatalakay ay tungkol kay Juan.
5. Hinggil kay Willie ang kanilang pinag-uusapan.

Iba Pang Uri ng Pang-ukol
1. sa , sa mga
2. ng, ng mga
3. ni, nina
4. kay, kina
5. sa, kay
5. nang may
6. alinsunod
7. para sa, para kay
8. hinggil sa, hinggil kay
9. ayon sa, ayon kay
10. nang wala