Showing posts with label location focus. Show all posts
Showing posts with label location focus. Show all posts

Saturday, October 14, 2017

Mga Pokus ng Pandiwa (Verbal Focus)

Mga Pokus ng Pandiwa
(Verbal Focus)

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
(Focus is the term used to show the semantic relationship of the verb to the subject or doer in a sentence. It is shown by the affixes in the verb.)


I. Aktor-pokus o pokus sa tagaganap  (Actor-focus verb)
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sino?".
(The subject or the doer is the focus of the verb used in the sentence and it answers the question “WHO?”)
Upang madaling matandaan, ang aktor-pokus o pokus sa tagaganap na pandiwa ay kalimitang ginagamitan ng mga unlaping MAG, NAG, MA, NA, UM at gitlaping UM.
(The actor-focus verb is usually begins with the prefix such as MAG, MANG, MA and infix UM.)
Mga Halimbawa:
A. Unlaping MAG, NAG, MA, NA  
1. Maglilinis ng bahay si Anna bukas. (Sino ang maglilinis ng bahay bukas?)
2. Ang Nanay ay naglaba ng mga kurtina noong isang araw. (Sino ang naglaba ...?)
3. Ang aking mga kaibigan ay maliligo sa sapa sa Lunes. (Sino ang maliligo...?)
4. Nanood ng sine si Myla sa SM. (Sino ang nanood...?)
B. Unlapi at Gitlaping UM
1. Bumili ng rosas si Maria. (Sino ang bumili ng rosas?)
2. Si Natoy ay pumunta ng palengke. (Sino ang pumunta...?)
3. Tumakbo ang matandang lalaki. (Sino ang tumakbo...?)
4. Kumain si Juan ng mangga. (Sino ang kumain...?)
5. Umalis ng bahay si Kuya. (Sino ang umalis...?)
6. Si G. Dela Cruz ay umapela sa Korte Suprema. (Sino ang umapela...?)

II. Pokus sa layon    (Object-focus verb)

Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "ano?".
Kalimitang ang pandiwa ay kinapapalooban ng mga panlaping IN, I, AN, NA. Dapat tandaan na ang panlaping IN na makikita sa pandiwa ang nag-iisang HULAPI na pokus sa layon.
 (The direct object is the focus of the verb in the sentence and it answers the question “WHAT?”. The verb is usually affix with IN, I, AN, MA. Please note that the verb with suffix IN is ALWAYS object-focus verb.)
Mga Halimbawa
A. Hulaping IN
1. Kainin mo ang itlog.   (Ano ang kainin?)
2. Lutuin mo ang gulay sa bilao. (Ano ang lutuin?)
3. Akyatin mo ang Bundok Banahaw. (Ano ang akyatin?)
B. Gitlaping IN
1. Binili ni Jose ang sapatos. (Ano ang binili?)
2. Tinali ni Pedro ang kalabaw. (Ano ang tinali?)
3. Kinain ni Kikay ang lumpiya. (Ano ang kinain?)
C. Unlaping I
1. Iluto mo ang alimango. (Ano ang iluto?)
2. Itago mo ang mga sulat. (Ano ang itago?)
3. Isara ninyo ang pinto. (Ano ang isara?)
D. Hulaping AN
1. Buksan mo ang bintana. (Ano ang buksan?)
2. Takpan mo ang pagkain sa mesa. (Ano ang takpan?)
3. Labhan ninyo ang mga pantalon. (Ano ang labhan?)
E. Unlaping NA
1. Nakita ni Rosa ang nawawalang aso.
2. Naamoy ni Ricardo ang masarap na putahe.
3. Napansin ko ang bagong payong ni Leslie.
4. Nalaman niya ang tirahan nina Blanca.
5. Narinig namin ang magandang boses ni Petra.

III. Lokatibong pokus o pokus sa ganapan     (Location/locative - focus)
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "saan?".
Kalimitang ginagamit ang mga panlaping (pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an, pinag/an, in/an) sa salitang-ugat ng pandiwa.
(The emphasis of the verb is on the location/direction in the sentence. It usually answers the question “WHERE?” The affixes (pag-/-an, -an/-han, ma-/-an, pang-/-an, mapag-/-an) is often used in the root word of the verb.)

Mga Halimbawa:
1. Pinagdausan ng kasal ang bagong simbahan.
2. Pinuntahan ni Tatay ang bagong gawang bahay ni Kuya.
3. Mapagdarausan ng lamay ang kapilya.
4. Pinag-umpukan ang silong ng bahay ni Ate.

IV. Benepaktibong pokus o pokus sa tagatanggap   (Benefactor-focus)

Ang simuno o paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay karaniwang sumasagot sa tanong na "para kanino?". Ang mga panlaping  (i- , -in , ipang- , ipag-) ang kalimitang ginagamit. Ito ay ang indirect object sa wikang Ingles.

Mga Halimbawa:

1. Kami ay ipinagluto ni Ate ng masarap na tsamporado.
2. Ibinili ni Gloria ng tinapay ang Lola.
3. Si Tiyo Poldo ay ipinagsibak ng kahoy ni Kuya Lauro.
4. Tinahi niya ng pantalon si Lolo.

V. instrumentong pokus o pokus sa gamit   (Instrumental-focus)

Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?" Kalimitang ginagamit ang mga panlaping  (ipang- , maipang-)

Mga Halimbawa
1. Ang bagong biling hurno ang ipinagluto ni Mang Manolo ng masarap na tinapay.
2. Ipinampunas ni Marco sa mukha ang ang aking regalong bimpo.
3. Ang mahabang kawit ang ipinanungkit niya ng buko.
4. Ipinanghambalos niya ang hawak na bat sa taong umaakyat ng pader.


VI. Kosatibong pokus o pokus sa sanhi (Causative-focus)

Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Iti ay sumasagot sa tanong na "bakit?" Kalimitang ginagamit ang mga panlaping  (i- , ika- , ikina-)

Mga  Halimbawa
1. Ikinagalak namin ang inyong pagtatanim sa aming paaralan.
2. Ikinainis ni Maribeth ang pambubuska ni Mario sa kanya.
3. Ikinalungkot ng mga mamamayan ang biglaang pagkamatay ng kanilang punong-bayan.
4. Ikinaiyak ng mga manonood ang pagkabaliw ng bidang babae.


VII. Pokus sa direksyon (Direction-focus)

Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?" Kalimitang ginagamit ang mga panlaping (-an , -han , -in , -hin) sa ganitong mga pagkakataon. Pag-aralan ang pagkakaiba nito sa location/locative –focus)

Mga Halimbawa
1. Pinadalhan niya ng mga bulaklak ang kasintahan.
2. Pinuntahan ng mga pulis ang ilog upang mangalap ng ebidensya.
3. Sinulatan niya ang punong-guro.
4. Pinasyalan ni Alpha ang bahay-ampunan.