Bahagi na ng isang mag-aaral ang sumulat ng isang sanaysay o essay. Hindi masasabing isang mag-aaral ang isang nilalang kung hindi siya nakasulat ng isa mang sanaysay, maikli man ito o mahaba. Upang makasulat ng isang magandang sulatin o sanaysay, dapat tandaan at sundin ang mga tuntunin nito.
MGA TUNTUNIN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
I. Panimula/Introduksyon
- Ito ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang
tinitingnan at binabasa ng mga mambabasa. Nararapat na ito ay nakapupukaw ng atensyon
upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda.
Mga Paraan ng
pagsulat ng Panimula
1. Pasaklaw na
Pahayag – Inuuna ang pinakamahalagang impormasyon hanggang sa mga maliliit
na detalye.
Halimbawa:
Tatlong katao ang nasawi at pito pa ang
malubhang nasugatan sa isang banggaan ng trak at kotse sa panulukan ng Kalye
Ibarra at Crispin sa Lungsod ng Navotas kahapon, ika-18 ng Oktubre, 1988.
2. Tanong na
Retorikal – isang tanong na tinatanong ang nagbabasa para hanapin ang sagot
sa sanaysay at para isipin niya.
Halimbawa:
Ano ang kaligayahan?
3. Paglalarawan –
pagbibigay linaw at deskripsyon sa paksa
Halimbawa:
Makapal ang pulbo sa kanyang mukha, namumula
sa galit ang lipstik sa kanyang makapal na labi, at malalantik ang mga pekeng
pilik na nakakabit sa kanyang pilikmata.
4. Sipi – isang
kopya galing sa ibang mga literaturang gawa gaya ng libro, artikulo
at iba pang sanaysay.
Halimbawa:
Ayon kay dating Pangulong Ferdinand E.
Marcos: “Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan!”.
5. Makatawag Pansing
Pangungusap – isang pangungusap na makakakuha ng atensyon ng nagbabasa.
Halimbawa:
Malapit na ang katapusan ng mundo.
6. Kasabihan –
isang kasabihan na makakapagbigay ng maikling ekplenasyon ng iyong sanaysay.
Halimbawa:
“Daig ng maagap ang masipag,” ito ang
pinatunayan ni Rommel.
7. Salaysay –
isang ekplenasyon ng iyong sanaysay.
Halimbawa:
Kuro-kuro lamang at opinyon ng may-akda ang
mga pahayag sa ibaba.
II. Katawan - dito
nakalagay ang lahat ng mga ideya at pahayag. Sa bahaging ito ng sanaysay ay
makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntosukol sa tema at nilalaman ng
sanaysay. Dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang
maunawaan ito nang maigi ng mambabasa.
Mga Paraan ng
pagsulat ng katawan
1. Pakronolohikal
– nakaayos ayon sa panahon ng pangyayari.
Halimbawa:
Nasa
elementarya pa lamang si Dindo ay kinakitaan na ng talino sa pag-aaral.
Hindi
na ikinagulat ng kanyang mga kamag-aral at guro ng tanghaliang “Valedictorian”
si Dindo nang magtapos sa high school.
Laging
nasa Dean’s List ang pangalan ni Dindo habang nag-aaral ng abogasya sa
Unibersidad ng Pilipinas.
Nanguna
si Dindo sa mga kumuha ng bar ng taong iyon.
2. Paanggulo – Pinapakita
ang bawat anggulo o”side” ng paksa.
Halimbawa:
“Kanin hindi buhangin!” ang sigaw ng
Makabayan Bloc ng House of Representatives sa rehabilitasyon ng Manila Bay na
isinasagawa ng DENR.
Sinabi naman ni Roy A. Cimatu, kalihim
ng DENR, ang nakapondo na ang paglalagay ng dolomite o puting buhangin sa
dalampasigan ng Manila Bay noon pang isang taon.
Ayon naman kay Leonor Briones, kalihim
ng Kagawaran ng Edukasyon, mas mainam kung ginamit sa pag-aaral ang nasabing
pondo ngayong pandemya.
3. Paghahambing –
Pagkukumpara ng dalawang problema, anggulo atbp. ng isang paksa.
Halimbawa:
Mainam ang bahay kubong gawa sa pawid at
kawayan dahil nagbibigay ito ng natural na lamig at hangin sa mainit na
panahon. Gayunman, sa panahong malakas ang ulan at hangin, ang bahay na bato at
yero ay hindi agad naigugupo ng masungit na panahon.
4. Papayak o
Pasalimuot – nakaayos sa paraang simple hanggang komplikado at 'vice versa”.
III. Wakas/Konklusyon-
dito nakalagay ang iyong pangwakas na salita o ang buod sa sanaysay. Sa
bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay
ng sanaysay
Mga Paraan ng
pagsulat ng Wakas
1. Tuwirang Pagsabi
– mensahe ng sanaysay.
Halimbawa:
Hindi mapapasubali na “Daig ng maagap ang
masipag.”
2. Panlahat na
Pahayag – pinakaimportanteng detalye ng sanaysay.
Halimbawa:
Hindi mahalaga kung iba’t iba man ang ating
pananaw sa isang paksa. Ang importante ay marunong tayong rumespeto sa opinyon
ng iba.
3. Pagtatanong –
winawakas ang sanaysay sa pamamagitan ng isang retorikal na tanong.
Halimbawa:
Ikaw, ano ang magagawa mo sa iyong Inang
Bayan?
4. Pagbubuod – ang
summary o buod ng iyong sanaysay.
Halimbawa:
Hindi lamang puso ang dapat pairalin sa pag-ibig; katuwang din nito ang isip.
(Hangoi at Sinipi mula sa http://www.academia.edu/31342239/MGA_TUNTUNIN_SA_PAGSULAT_NG_SANAYSAY
No comments:
Post a Comment