Ang Pang-uri – ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay katangian sa isang pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
1. Matamis ang inihaing mangga ni Aling Ising.
2. Napakaganda nga ng bistidang iyan!
3. Siya ay higit na matalino kaysa sa kanyang kuya.
5. Libu-libong tao ang dumalo sa welga.
Uri ng Pang-uri
Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay – nagbibigay ng simple o payak na paglalarawan.
Halimbawa:
a. Si Amelia ay maganda.
c. Ang ilong niya ay matangos.
2. Pahambing – naglalarawan sa dalawang pangngalan o tinutukoy, maaaring pareho o ang isa ay nakahihigit ang katangian.
Halimbawa:
a. Si Alma ay higit na maganda kaysa kay Amelia.
b. Mas mabango ang sampaguita kaysa rosas.
c. Higit na matangos ng ilong ko kaysa kanya.
3. Pasukdol – pagbibigay ng sukdulang paglalarawan o katangiang nakahihigit sa lahat.Ang panghahambing ay higit sa dalawa.
Halimbawa:
a. Pinakamaganda si Anna sa kanilang lahat.
b. Para sa kanya, ang ilang-ilang ang pinakamabango sa tatlong bulaklak na nasa mesa.
c. Walang pasubali, ang ilong ni Kiray ang pinakamatangos sa buong klase.