Wednesday, March 3, 2021

PAYAK, TAMBALAN, AT HUGNAYANG PANGUNGUSAP

Payak, Tambalan, at Hugnayang Pangungusap at Mga Halimbawa Nito

Tulad ng simuno at panaguri, may tatlong uri ng pangungusap. Ito ay maaaring payak, tambalan, o hugnayan.

I. Payak na Pangungusap (Simple Sentence)        

            Ang payak na pangungusap ay binubuo lamang na isang sugnay na makapag-iisa. Ang sugnay na makapag-iisa (independent clause) ay grupo ng mga salitang nagtutulung-tulong at naglalaman ng simuno (subject) at panaguri (predicate). Maaari itong makatayong mag-isa o kaya’y maintindihan nang walang kakailanganing tulong.

Halimbawa:

A. Malaki ang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa.

            Sugnay na makapag-iisa: Malaki ang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa.  (Sinasabi ang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya)

            Simuno: COVID-19

            Panaguri: Malaki ang pinsala sa ekonomiya ng bansa

B. Dadalo ka ba ng reunion?

            Sugnay na nakapag-iisa: Dadalo ka ba sa reunion? (Tinatanong kung dadalo o hindi sa reunion)

            Simuno: ka

            Panaguri: Dadalo ba sa reunion

II. Tambalang Pangungusap (Compound Sentence)

Ang tambalang pangungusap ay may dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa. Pinagdurugtong ang mga ito ng mga pangatnig (conjunction)  tulad ng: at , ngunit , datapwat, pero, subalit, kaya, o, ni. Mauunawaan natin ang mga sugnay kahit sila ay paghiwalayin pa dahil buo na ang kanilang diwa o isa ng ganap na pangungusap.

Halimbawa:

A. Nagtungo sa kusina si Marta at siya ay naghugas ng mga pinagkainan.

  Mga Sugnay na Makapag-iisa:

                        1. Nagtungo s a kusina si Marta

                        2. siya ay naghugas ng mga pinagkainan

            Pangatnig na Ginamit: at

B. Gustong pumasok sa trabaho ni Emily, subali’t siya ay nilalagnat.

            Mga Sugnay na Makapag-iisa:

                        1. Gustong pumasok sa trabaho ni Emily

                        2. siya ay nilalagnat

            Pangatnig na Ginamit: subali’t        

III. Hugnayang Pangungusap (Complex Sentence)     

Ang hugnayang pangungusap ay may isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa. Ang sugnay na di makapag-iisa ay hindi maaaring tumayo nang mag-isa dahil hindi ito mauunawan o walang buong diwa. Kailangang may kakabit itong sugnay na makapag-iisa upang maintindihan. Ito ay kadalasang nagsisimula sa pangatnig na habang, upang, bago, kaysa, dahil, pagkatapos, kahit na, paano, kung, kaysa, na, hanggang, nang, kung saan,  kapag.

Halimbawa:

         A. Upang magtiwala ang mga mamamayan sa bisa ng bakuna laban sa COVID-19, kailangang manguna sa pagbabakuna ang mga lider ng bansa

            Sugnay na Makapag-iisa: kailangang manguna sa pagbabakuna ang mga lider ng bansa. (Mauunawaan kahit mag-isa dahil buo na ang diwa nito o ganap nang isang pangungusap.)

            Sugnay na Di Makapag-iisa: Upang magtiwala ang mga mamamayan sa bisa ng bakuna laban sa COVID-19 (Hindi lubos na mauunawaan kung tatayong mag-isa.

            B.  Pagkatapos ng junior high school, nag-aral sa TESDA si Nilo kaysa pumasok sa kolehiyo.

            Sugnay na Makapag-iisa: nag-aral sa TESDA si Nilo

            Sugnay na Di Makapag-iisa: (1) Pagkatapos ng junior high school; (2) kaysa pumasok sa kolehiyo.

Paano matutukoy kung ang isang pangungusap ay tambalan o hugnayan?

            Tandaan lamang na ang tambalang pangungusap ay may 2 buong diwa o dalawang pangungusap na kinabitan lamang ng isang pangatnig. Nauunawaan ang 2 sugnay kahit wala ang pangatnig. Ibig sabihin, ang bawa’t sugnay ay buo ang diwa at nauunawaan nang lubusan.  Sa hugnayang pangungusap, hindi kumpleto ang diwa o hindi lubos na mauunawan ang sugnay na nagsisimula sa pangatnig o iyong sugnay na di makapag-iisa.

16 comments:

Mobile App Development said...

Mobile app development, one of the first things you need to figure out is the monetization strategy. Build mobile app that will bring you maximum ROI. With mobile app development solutions, you’ll confidently increase your profit. Visit our website and estimate your project.

Unknown said...

hi

Anonymous said...

XD

Anonymous said...

dikjcrfcokljved

Anonymous said...

Hi

Anonymous said...

very good

Anonymous said...

Thank you for your informative lesson. Continue sharing important ideas.

Anonymous said...

Ok

Anonymous said...

Taena nyo

Anonymous said...

Hindi ko na gets

Anonymous said...

Paturo

Anonymous said...

Patricia mallari

Anonymous said...

Sa Pasay city may baklang nagngangalang Alan Xeasar

Anonymous said...

8i...k..j. Innib9h3d2s&6,_3"*s4🇪🇷☺️☺️😂😄😂☺️😂☺️🇪🇷😂😁🇪🇷😁☺️😭😭🇪🇪☺️😭😭😁😭😁😭😁😭😁😭☺️😁😁😭😶‍🌫️🕟 ft665Welcome to Gboard clipboard, any text you copy will be saved here.

Anonymous said...

hshiabhbakbdhbcjbsdjhsv hahahahahhahahahahahha one piece papopoppop titiititisitii


Anonymous said...

naunsa naman ning mga comment