Ang pantig o syllable sa wikang Ingles ay isang yunit ng tunog na binubuo ng isang pantig (vowel) o kambal-patinig at isa o mahigit pang katinig (consonant).
Ang pagpapantig (syllabication) ay isang paraan ng paghati sa isang salita alinsunod sa mga pantig na ipinambuo rito.
Mga Kayarian ng Pantig at Mga Halimbawa
1. Patinig = P
Mga Halimbawa:
a●a ; o●o
2. Katinig-Patinig = KP
Mga Halimbawa:
ku●bo; pa●ko; ya●ya
3. Patinig-Katinig = PK
Mga Halimbawa:
ok●ok; ik●ik
4. Katinig-Patinig-Katinig = KPK
Mga Halimbawa:
pit●pit; bak●bak; nog●nog; pak●pak
5. Katinig-Katinig-Patining = KKP
Mga Halimbawa:
pla●pla; cha●cha
6. Patinig-Katinig-Katinig = PKK
Mga Halimbawa:
arm; urn; act; ohm; arc; ugh
7. Katinig-Patinig-Katinig-Katinig = KPKK
Mga Halimbawa:
germ; dorm; horn; firm
8. Katinig-Katinig-Patinig-Katinig = KKPK
Mga Halimbawa:
flan; tram; drum; pram; trak
9. Katinig-Katinig-Patinig-Katinig-Katinig = KKPKK
Mga Halimbawa:
tsart; frank; trunk; brush
Mga Tuntunin sa Pagpapantig ng mga Salita
1. Kapag may magkasunod na katinig (consonant) sa loob ng isang salita, ang una ay isinasama sa sinundang patinig (vowel) at ang ikalawa ay isinasama sa kasunod na pantig.
Mga Halimbawa:
pansit = pan●sit
tambol = tam●bol
espesyal = es●pes●yal
pulbos = pul●bos
dakma = dak●ma
Gayunman, karaniwan, kung hiram mula sa EspaƱol ang mga digrapo (digraph = a combination of two letters representing one sound) gaya ng BR, TR, KR, etc. magkasama ito sa isang pantig
at hindi pinaghihiwalay.
Mga Halimbawa:
okra = o●kra
sobre = so●bre
libro = li●bro
litro = li●tro
kulebra = ku●le●bra
letse = le●tse
libre = li●bre
pitso = pi●tso
2. Kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay sumasama sa sinundang patinig at ang ikatlo ay napupunta sa kasunod
na pantig.
Mga Halimbawa:
inspirasyon = ins●pi●ras●yon
eksperto = eks●per●to
engkanto = eng●kan●to
transfer = trans●fer
Subali't, Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay sinusundan ng alinman sa BL, BR, DR, PL, at TR, ang unang katinig ay isinasama sa unang patinig at ang sumunod na dalawang katinig ay napupunta sa kasunod na pantig.
Mga Halimbawa:
timbre = tim●bre
templo = tem●plo
sentro = sen●tro
alambre = a●lam●bre
ultra = ul●tra
alpombra =al●pom●bra
3. Pantig na Inuulit
Kapag nagsisimula ang salita sa kambal-katinig o kumpol-katinig (consonant cluster), ang katinig at patinig lamang ang inuulit.
Mga Halimbawa:
plano ==> mag●pa●pla●no
trabaho ==> mag●ta●tra●ba●ho
close ==> i●pa●ko●close
traydor ==> mag●ta●tray●dor
plantsa ==> mag●pa●plan●tsa
klase ==> nag●ka●kla●se
Source: Komisyon sa Wikang Filipino (SWF)
No comments:
Post a Comment