Ano ang idyoma o sawikain?
Ayon sa Wikipedia, ang isang idyoma o sawikain ay “isang
pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal” o literal. Ito ay
nangangahulugan na “hindi binubuo ng
tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo”. “Ito ay di-tuwirang
pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar”.
Mga Halimbawa ng Idyoma
1. namamangka sa dalawang ilog = sabay na
nanliligaw sa
dalawang babae
Dahil sa pamamangka sa dalawang ilog kung
kaya’t nabasted si Mario.
2. kutis-porselana = makinis ang balat
Laging nakukuhang modelo ng mga sikat na sabon sa
mukha si Anna dahil sa taglay niyang kutis-porselana.
3. balat-sibuyas = maramdamin
Masyadong balat-sibuyas si
Marife kaya hindi siya binibiro ng kanyang mga kaibigan.
4. anak-dalita = mahirap
Ang kanyang pagiging anak-dalita ang
naging hamon ni Arnulfo na mag-aral na
mabuti upang matupad ang kanyang mga pangarap sa buhay.
5. alilang-kanin = utusang walang suweldo, pagkain lang
Napilitang pumasok na alilang-kanin si
Maricel noong siya ay bagong salta sa Maynila.
6. balik-harap = mabuti sa harap, taksil sa likuran; balimbing
Marami sa mga pulitiko ang balik-harap kaya
hindi umuunlad ang isang lugar.
7. bungang-tulog = panaginip
Gayon na lamang ang pasasalamat ni
Arnold dahil ang kanyang naranasang dalamhati ay bungang-tulog
lamang.
8. dalawa ang bibig = mabunganga; madaldal
Kaya laging napapaaway si Aling
Barang sa kanilang barangay ay dahil dalawa ang kanyang bibig.
9. mahapdi ang bituka = nagugutom
Dalawang araw nang mahapdi
ang bituka ni Mang Nardo subali’t hindi niya naisip ang kumuha ng
hindi kanya kailanman.
10. halang ang bituka (kaluluwa) = salbahe;
desperado o hindi nangingiming
pumatay ng tao
May mga nalungkot din nang pumanaw
si Boyong kahit halang ang bituka niya.
11. makapal ang bulsa = maraming
pera
Dahil makapal
ang bulsa, hindi
batid ni Don Ponciano kung sinu-sino ang kanyang mga tunay na kaibigan.
12. butas ang bulsa = walang pera
Hindi maibig ng kadalagahan si
Kulas dahil madalas kaysa hindi ay butas ang kanyang bulsa.
13. kusang palo = sariling sipag; nagkukusang gumawa
Masuwerte si Mang Delfin dahil ang
bago niyang manggagawa na galing Antique ay may kusang palo.
14. tengang kawali = nagbibingi-bingihan
Kaya laging napagsasabihan si
Maricris ng kanyang ina ay dahil nagtetengang kawali siya
kapag tinatawag.
15. tulog-manok = matagal makagawa ng tulog / mabilis
magising
Walang sigla at laging mahina ang
pakiramdam ng katawan ni Jonas sa umaga dahil sa kanyang pagiging tulog
manok sa gabi.
16. buwayang lubog = taksil sa kapwa
Itinuring na kapamilya ng
mag-asawang Dela Cruz si Minerva subali’t ang kasambahay pala ay isang buwayang
tulog.
17.
magaan ang kamay = madaling manuntok (manampal), manapok o manakit
Kaya walang tumagal na utusan sa
kanilang bahay ay dahil magaan ang kamay ng kanyang madrasta.
18. di-makabasag pinggan = mahinhin
Hindi akalain ni Hernan na sasama
sa kanilang tsuper ang kanyang kabiyak dahil nakilala niya itong di- makabasag
pinggan.
19. pagpaging alimasag =
walang laman
Hindi siniseryoso ng mga nakikinig
ang mga sinasabi ni Intoy dahil kadalasan ito ay pagpaging
alimasag lamang.
20. tagong bayawak = madaling makita sa pangungubli
Laging taya si Bornok sa taguan
dahil tagong bayawak ang kanyang ginagawa.
21. putok sa buho = ampon; anak sa labas
Laging tinutukso ng mga kalaro si
Intoy dahil siya ay putok sa buho.
22. nagbibilang ng poste = walang
trabaho; tambay
Tutol si Aling Elena sa manliligaw
ng anak dahil bukod sa tamad, ito ay nagbibilang ng poste.
23. nagbibilang ng poste = naghahanap
ng trabaho
Magmula nang nawalan ng pagkakakitaan,
walang araw na hindi nagbibibilang ng poste si Mang
Gusting.
24. usad pagong = mabagal kumilos
Naiinis kay Adelfa ang kanyang mga
kapatid dahil madalas ay nahuhuli sila sa pagpasok sa paaralan dahil siya ay usad pagong.
25. makati ang paa = mahilig sa gala o lakad
Bihira mong maaabutan si Nickolo sa
kanilang bahay dahil makati ang paa ng binatilyo.
26. may bulsa sa balat
= kuripot i
Kung minsan, hindi naman kapintasan
ang may bulsa sa balat.
27. alog na ang baba = matanda na
Hindi maiwasan ni Abigail ang
mangiti habang pinagmamasdan ang pagtatanim ng mga gulay ng kanyang ina kahit alog na
ang baba nito.
28. alimuom = baho
Nagsampa ng kaso sa barangay si Aling Lucy
laban kay Aling Nita dahil ipinamamalita ng huli ang alimuom ng una
sa ibang tao.
29. pantay ang mga paa = patay na i
Labis ang pighati ni Gng. Ramos
dahil kahit pantay ang mga paa ng kanyang kapatid ay hindi niya
mapuntahan ito dahil sa umiiral na Enhanced Community Quarantine.
30. pagkagat ng dilim = pagsapit ng gabi; paglubog ng araw
Sanay nang makita ng taga-Ilaya ang
anino ni Celia sa burol tuwing pagkagat ng dilim habang
hinihintay niya ang pagdating ni Delfin gayong limang taon nang patay ang
kasintahan.
Iba pang Halimbawa ng Sawikain at Kahulugan
1. nagmumurang kamatis(kamyas)=
matandang nag-aayos binata o dalaga
2. naniningalang pugad = nanliligaw
3. ningas-kugon = panandalian lamang
4. makapal ang mukha = hindi marunong mahiya
5. panis ang laway = hindi palakibo; masyadong
tahimik
6. bahag ang buntot = duwag
7. ikurus sa kamay = tandaan
8. bukas ang palad = matulungin
9. kapilas ng buhay = asawa
10. basag ang pula = luko-luko
11. ibaon sa hukay = kalimutan
12. mapurol ang utak = mahina
sa larangan ng
pag-iisip o mabagal mag-isip
13. maitim ang budhi = tuso
14. pusong bakal = di marunong magpatawad, matigas na kalooban
15. may gintong kutsara sa bibig =
mula ipinanganak ay mayaman
16. nakalutang sa ulap = masaya
17. malaki ang ulo =
mayabang
18. itaga sa bato = ilagay sa isip
19. ginintuang puso = mabuting kalooban
20. takip-silim =
malapit nang gumabi