Tuesday, October 18, 2011

Wastong Gamit ng Bitiw at Bitaw


Palagi nang napagpapalit ang mga salitang bitiw at bitaw sa mga usapan o sa panulat man. Sa ganitong pangyayari, naiisip ng karamihan na magkasingkahulugan lamang ang dalawang salita. Ito ay walang katotohanan. Ang dalawang salita ay magkaiba ang kahulugan.

Ang salitang bitiw ay isang pandiwa (verb) samantalang isang pangngalan (noun) ang bitaw.

Ang bitiw o bitiwan ay ang pagkawala o pag-alis sa pagkakahawak ng isang bagay o pangyayari. Ang bitaw naman ay nauukol sa pagsasanay ng sasabunging manok ng walang tari. Ang bitawan ay tumutukoy naman sa lugar ng pagdarausan ng salpukan ng manok ng walang tari.

Tingnan ang wastong gamit ng bitiw, bitiwan, bitaw at bitawan sa mga pangungusap na nasa ibaba:

1. Kung hindi mo ako bibitiwan ay sisigaw ako.

2. Huwag kang bumitiw sa akin kung ayaw mong mawala.

3. Nagtungo sa gubat si Mang Andres dahil naroon ang  bitawan ng manok.


4. Nag-bitaw siya ng talisain samantalang abuhin naman ang binitaw ni Ariel.
5. Bitiwan mo ang iyong hawak na armas at ikaw ay sumuko.http://www.notbuknilhan.com/2011/01/sugal-pinoy.html

1 comment:

Anonymous said...

hello! i already know this fact, but right now i just need to prove how true is this to some people i knew by providing a reliable and legit source. could you tell me on which book or site did you know this one? i would highly appreciate your response.