Dalawang Pangkat ng Pang-ukol
A. Ginagamit bilang pangngalang pambalana (common noun) - mga pantukoy na ang layon, gawa, kilos o ari ay para sa lahat o balana.
Mga Halimbawa:
1. Ang tema ng talakayan ay ukol sa kahalagahan ng edukasyon.
2. Ang mga donasyong ibinigay ng mga pulitiko ay para sa mga nasunugan.
3. Ang mga piling guro ay binigyan ng parangal.
4. Laban sa pamahalaan ang kanilang isinusulat.
5. Ang mga aklat na ito ay para sa batang-lansangan.
B. Ginagamit na pantukoy sa ngalan ng tanging tao - mga pantukoy na ang layon, gawa, kilos o ari ay para sa tanging ngalan ng tao.
Mga Halimbawa:
1. Ang librong kanyang binabasa ay ukol kay Imelda Marcos.
2.Para kay Nilo ang asong ito.
3. Ayon kay Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan.
4. Ang kanilang tinatalakay ay tungkol kay Juan.
5. Hinggil kay Willie ang kanilang pinag-uusapan.
Iba Pang Uri ng Pang-ukol
1. sa , sa mga
2. ng, ng mga
3. ni, nina
4. kay, kina
5. sa, kay
5. nang may
6. alinsunod
7. para sa, para kay
8. hinggil sa, hinggil kay
9. ayon sa, ayon kay
10. nang wala
14 comments:
Salamat!
ahh. ganyan pala. haha. :)) thankyou!
Ano ang pagkakaiba ng hinggil sa, ukol sa at tungkol sa
thanks
Alam niyo po ba kung may kaibahan ang paggamit ng ukol at tungkol depende sa sinusundang salita?
Thank you for your help and advice.
putangina nyo
thank you po
Double po ang 5 SKL PO
Thank you po
imong mama
Ano ang kaibahan sa para sa at para kay?
Thanks 😊😊😊
Paano gamitin ang "ng" at "ng mga"?
Post a Comment