Wednesday, September 14, 2011

BAHAGI NG PANANALITA - ANG PANG-ANGKOP (LIGATURES)

ANG PANG-ANGKOP ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang maging kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika. Ito ay  maaaring matagpuan sa pagitan ng pang-uri at pangngalan. Ang pang-angkop ay ang mga katagang na, ng at g.

NA – ginagamit kung ang nauunang salita ay iuugnay sa sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig (consonant) maliban sa titik na n. Ito rin ang ginagamit sa mga salitang English na inuulit.

Halimbawa:

1. malalim – bangin   ===> malalim na bangin
2. mataas – tao ===>mataas na tao
3. feel – feel ===>feel na feel
4. yamot – yamot ===>yamot na yamot
5. tulay – bato ==>tulay na bato

NG – ginagamit kung ang unang salita ng iuugnay ay nagtatapos sa patinig (vowel).

Halimbawa:

1. malaya – isipan ===> malayang isipan
2. malaki – bahay ===>malaking bahay

3. buo – buo ===> buong-buo
4. madamo – hardin ===>madamong hardin
5. sombrero – pandan ===>sumbrerong pandan

G – ginagamit an gang iuugnay na unang salita sa sinusundan nito ay nagtatapos sa katinig na n.

Halimbawa:
1. aliwan – pambata ====> aliwang pambata
2. balon – malalim ===>balong malalim
3. pamayanan – nagkakaisa ===> pamayanang nagkakaisa
4. pamilihan – bayan ===>pamilihang bayan

5. institusyon – pangmental ===>institusyong pangmental 








No comments: