Monday, April 13, 2009

WASTONG GAMIT: MAY, MAYROON

May pulis, may pulis sa ilalim ng tulay.
May bibit na bayong ang pulis sa ilalim ng tulay.

Ang mga salitang may at mayroon ay halos magkasintulad ang kahulugan. Ang pinagkaiba lamang ay ang paggamit nito ng wasto sa pangungusap. Naaayon ang gamit sa sinusundang salita. 

 A. May ang ginagamit kung ang sumusunod na salita ay:

  1. Pangngalan (noun) 

Halimbawa: 

a. May pulis sa ilalim ng tulay.

b. May ipis ang iyong pagkain. 

 2. Pandiwa (verb) 

Halimbawa: 

a. May umaawit sa banyo. 

b. May umaalulong na aso sa tumana. 

 3. Pang-uri (adjective) 

Halimbawa:

a. May isang linggo na siyang hindi pumapasok sa paaralan. 

b. May magarang sasakyan ang iyong kuya. 

 4. Pang-abay (adverb) 

Halimbawa: 

a. May iisa siyang salita. 


 B. Ang mayroon ay ginagamit kung ang sumusunod na salita ay isang kataga, panghalip na panao (personal pronoun) o pamatlig at pang-abay na panlunan (adverb of place). 

Halimbawa: 

1. Mayroon siyang malaking suliranin sa kanyang asawa. 

2. Mayroon kayang pasok bukas? 

3. Mayroon itong mabisang sangkap laban sa pagtatae. 

4. Mayroon na ba siyang gamit sa pananahi? 

 Ginagamit din ang mayroon sa pagsagot sa tanong: 

Halimbawa: 

May asin na kaya ang sinangag? Mayroon na.

20 comments:

Wayne said...

Thanks sa pagturo ng info.. XD

Unknown said...

thanks for this i have now my assignments !!!!!!!!

shyro said...

Yeah., thanks a lot and I can answer now my assignment! :D

Anonymous said...

Salamat sa info....... bukas kasi ang finals namin...... :)

Anonymous said...

Salamat sa kaalaman na ito

Anonymous said...

Salamat po dito. Nakita ko po ito sa isang reviewer at medyo naguluhan ako kung ano nga ba pinagkaiba nila.

Unknown said...

Sira ulo daw po kayo sabi ng teacher ko

Anonymous said...

Bakit naman?

Anonymous said...

Ian Patarata, mali paggamit mo ng daw. Ang tama ay "raw".

Nora said...

This is a bit outdated as published book references (eg. Fiona de Vos (2011)) and Dr. Joi Barrios PhD (2011)) indicate that "may" and "mayroon/meron(colloquial)" are interchangeable in a lot of cases. One notable exception is when one is answering a there is/are question. One must not use "may" in response.

It just shows that Tagalog is a dynamic language that evolves rapidly and grammar books and pages need to catch up.

Anonymous said...

May question sa LET Reviewer app kung saan pipili ka sa "may" at "mayroon" kung alin ang tamang sagot. Salamat sa info na ito, nakakalito kasi yung gamit nila :)

Ken said...

Salamat po sa ano...

Unknown said...

Pwede po ba marami papong examples pero tnx ndin po sa infos

cristel mae said...

paano po mag gawa ng salita na gamit ang (ng)

cristel mae said...

paano po mag gawa ng salita na gamit ang (ng)

Unknown said...

Kung pakikinggan lamang, hindi natin agad malalaman kung "Nang" o "Ng" ang ginamit sa isang pangungusap dahil halos magkasingtunog ang dalawang salita. Nguni't sa pormal na pagsusulat, nararapat na malaman ang tamang gamit ng "nang" at "ng".

A. NANG
a. Makikita sa unahan ng pangungusap

Halimbawa:

1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag-aaral.
2. Nang maluto ang sinaing, agad na ginawa ni Leny ang pagluluto ng isda.

b. Gamit sa pang-abay na pamaraan (adverb of manner).

Halimbawa:

1. Lumakad siya nang dahan-dahan.
2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.

c. Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.

1. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulan.
2. Kanina pa siya ikot nang ikot.

B. NG
a. Nagsasaad ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
1. Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz.
2. Ang palad ng mayayaman ay tila napakanipis.

Sapat nang tandaan ang gamit ng NANG upang hindi malito sa wastong paggamit ng NANG at NG.
Kung ang sumusunod na salita ay isang pandiwa (verb) at pang-uri (adjective), gamitin ang NANG. NANG din ang gamit sa unahan ng pangungusap.

Unknown said...

salamat po

Unknown said...

Thank you for this po malaking tulong po ito sa amin bilang mag aaral sa filipino n nalilito parin po kung ano ang pagkakaiba at kung kailan ginagamit ang ganitong mga salita

Eury said...

SALAMAT PO MAY NA SAGOT NA AKO

Anonymous said...

So the prophecy states: The dirt underneath Her soles hath crumbled to ash, and the snow on Her fluttering eyelashes hath melt into moonblood. When the crooked needle rights itself before the council, and the unbidden are buried in fields of glass, His domain shall fall. Declared is this in the mausoleum of the fates, and the decrepit shall find themselves at the mercy of the Pillar.