Tuesday, March 31, 2009

WASTONG GAMIT: SUBUKIN at SUBUKAN

Subukin, Subukan

Sa aking pagsasaliksik sa iba't ibat webpurok (website) sa internet, nagkandahilu-hilo ako kung ano talaga ang wastong gamit ng mga salitang "subukin at subukan". Magkakabaliktad ang paliwanag ng bawa't isa kaya hindi ko masuri kung ano talaga ang tamang gamit ng mga ito. Sa pagsasalita natin, nababaligtad din natin ang paggamit ng mga ito subali't nauunawaan pa rin tayo ng ating kausap. Sa aking palagay, ito ay sapat na. Nguni't kung ang isusulat mo ay isang pormal na sanaysay at tesis, nararapat lamang na gamitin ang wastong gamit ng mga salitang ito.
Sa aking pagsusuri at palagay, ito ang wastong gamit ng subukin at subukan.

Subukin ang ginagamit kung ang ating nais ipahayag ay ang paggawa ng isang bagay (to DO something).

Mga halimbawa:

1) Subukin natin ang sumayaw ng cha-cha.



2) Susubukin kong mag-aral lumangoy ngayong bakasyon.



3) Subukin mong gumawa ng magandang bagay sa iyong kapuwa.

Subukin  din ang ginagamit kung ang nais nating ipagpalagay ay ang pagtikim, pagkilatis at pagsubok ng isang bagay (to TASTE, ASSESS, EXAMINE or TRY something).






Mga halimbawa:

1) Ating subukin kung masarap nga ang mantikilyang ito.
2) Subukin mo kung matibay nga ang binili kong sinulid.
3) Tayo nang subukin kung matamis ang mga lanzones na dala ng Tatay.

Ang salitang subukan naman ay ginagamit kung ang nais ipagkahulugan ay ang paniniktik (spying) sa isang tao.


Mga halimbawa:

1) Subukan mo kung ano ang ginagawa ng iyong kuya sa kanyang kuwarto.

2) Susundan ko si Mister bukas. Susubukan ko kung siya nga ay may kulasisi.

3) Tayo nang subukan ang ginagawa ng mga mag-aaral sa palaruan.

Inaanyayahan ang mga pantas sa wikang Filipino na magbigay ng kanilang komento at pahayag sa usaping ito.

15 comments:

Anonymous said...

Ako mismo, hindi sigurado. at hindi naman ako maituturing pantas kung wikang Filipino ang batayan. Ngunit, bilang komentaryo sa iyong lathala, mukhang may tama ka. Este, mukhang tama ka. Muli, hindi ako pantas, ngunit mabuti't mayroong mapagkumbabang guro sa internet na may layuning magturo ng wastong Filipino. [maraming salamat, ginoo!]
-kim quilicot, hamak na surfer sa internet

Bemmygail said...

Wow, maraming salamat sa pag post mo nito! Talagang nakatulong toh!

At, hindi ko maiwasang mamangha sa blog na to, na pinayabong mo pa talaga ang ating pambansang wika! Salamat at mabuhay!

Unknown said...

I believe that the definition here is wrong.

When you say SUBUKIN, that is to test, challenge or inspect whether something really works, whether one can do it.

SUBUKAN is to try.

Anonymous said...

subukan po pwede rin po to spy sabi ng prof ko hahaha

Unknown said...

tama po yung sabi ng nag blog, ang subukan (to spy) ang subukin (to try,to test)

Unknown said...

Thanks sa info po.!

Anonymous said...

In my years of teaching as well as writing, this is the correct usage ng mga Tagalog words "subukin" at "subukan" Although, nasama na sa day to day language natin ang "subukan" to refer to the English word na "to try", it is proper in formal na writing lalo na sa paggawa ng libro etc na use the correct terminology not only for aesthetic purposes.

jimmyjaeps said...

akoy baguhan lamang kaya salamat sa iyo, ginoo
di ka nagdamot, at ang kaalaman mo'y ibinahagi rito
akoy nagpapasalamat at sapagkat tapos na ang problema ko,
nawa'y marami ka pang post at sana pagpalain kayo.

Unknown said...

subukin is to try..and subukan is to spy

Unknown said...

subukin is to try or attempt to do something
subukan is to spy on someone

I always thought it was the other way around!
Thanks!

Unknown said...

subukin is to try or attempt to do something
subukan is to spy on someone

I always thought it was the other way around!
Thanks!

Unknown said...

Ingay mo unknown

Unknown said...

Tama ang paliwanag dito. Kahit ako nung nalaman ko to sa FILIPINO subject natin nagulat din ako hehehehe .. All this time mali pala ang paggamit ko.

Tumbasang salito ang tawag sa Topic na to.

Unknown said...

Thanks

Anonymous said...

So the prophecy states: The dirt underneath Her soles hath crumbled to ash, and the snow on Her fluttering eyelashes hath melt into moonblood. When the crooked needle rights itself before the council,and the unbidden are buried infields of glass, His dominion shall fall. Declared is this in the mausoleum of the fates, and the decrepit shall find themselves at the mercy of the Pillar.