Monday, June 19, 2017

WASTONG GAMIT: INUMAN at INUMIN

Pagkaminsan ay nakalilito rin ang wastong gamit ng inuman at inumin. Upang makita ang pagkakaiba, nararapat na suriin kung anong bahagi ng pananalita ang dalawang salita.

Ang inuman ay isang pangngalan (noun) samantalang maaaring pandiwa (verb) o pangngalan ang inumin. Dahil dito, ang inuman ay tumutukoy sa isang bagay o pangyayari samantalang maaring nagpapahayag naman ng kilos o pagkilos ang inumin o pwede rin namang tumutukoy sa isang bagay.

Mga Halimbawa



1. Nauuhaw si Pedro. Bigyan mo siya ng inumin. (tubig, softdrinks, etc.)
2. Inumin (Drink) mo ang tabletang ito nang bumuti ang iyong pakiramdam.
3. Kaarawan ni Luis ngayon. Tiyak na may inuman (drinking spree) at inumin (liquor, alak, beer, serbesa,atbp).

4. Kumuha ka ng inuman (cup, glass, tasa, baso) para pagsalinan nitong malamig na softdrink.
5. Lagyan mo ng inumin ang inuman.

ANO ANG TAYUTAY?

Ang tayutay o "figure of speech" sa wikang Ingles ay ang pag-iwas sa paggamit ng ordinaryong o pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit, malikhain at mabisa ang pagpapahayag ng damdamin ng isang manunulat o nagsasalita.

MGA URI NG TAYUTAY ((Kinds of Figure of Speech)

Maraming uri ang tayutay. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Pagtutulad o Simili (Simile) - Isang uri ng paghahambing o pagkukumpara ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga salitang KATULAD, TULAD, GAYA NG, TILA, PARANG, atbp.

Mga Halimbawa
a. Ang mga mata mo ay tila perlas ng silangan.
b. Ang pag-awit mo ay tulad ng himig ng mga anghel sa langit.

c. Parang bote ng  koka-kola ang hugis ng iyong katawan.

2. Pagwawangis (Metaphor) - paghahambing ng dalawang bagay na hindi ginagamitan ng mga salitang katulad, tulad, gaya ng, tila, parang, atbp.

Mga Halimbawa
a. Ang kanyang ina ang bituing tanglaw sa kanyang buhay.
b. Namumulang makopa ang pisngi ng sanggol.

c. Malasutla ang iyong kutis.

3. Pagmamalabis (Hyberbole) - sadyang pinalalabisan o kinukulangan ang isang kalagayan, pangyayari o bagay.

Mga Halimbawa
a. Bumaha sa buong paligid nang siya ay umiyak.
b. Mala-impyerno ang init ng panahon.
c. Nakakatunaw ang kanyang pagtingin.

d. Buto't balat na lamang nang siya ay matagpuan.

4. Pagbibigay ng Katauhan o Pagsasatao (Personification) - pagbibigay katangian ng tao sa isang bagay na walang buhay.

Mga Halimbawa
a. Humihiyaw ang mga kawayan sa lakas ng hangin.

b. Nag-aawitan ang mga palaka sa gitna ng ulan.
c. Ang mga palay ay sumasayaw sa ihip ng hangin.

5. Pag-uyam (Irony) - paggamit ng mga salitang kapuri-puri subali't kabaliktaran naman ang nais ipagkahulugan.

Mga Halimbawa

a. Kay-ayos ng iyong buhok. Magandang pang-isis ng kawali.
b. Napakaganda ng boses ni Maria. Hinihiwang yero ang kapara.
c. Kaykinis ng mukha ni Pedro. Konting uka pa at buwan na ang kawangis.

6. Pagtawag (Apostrophe) - madamdamin na pagtawag sa isang nilalang o bagay na tutuo o imahinasyon lamang na kalimitan ay nagsisimula sa O, o Oh at madalas na ginagamit sa prosa o tula at drama.

Mga Halimbawa
a. O, Bathalang Mahal! Nawa'y siya ay Iyong kupkupin.
b. O, bituing marikit! Tanglawan mo ang gabing pusikit.
c. O, tukso! Layuan mo ako.

7. Pag-uulit (Alliteration) - pag-uulit ng isang salita o parirala sa loob ng isang pangungusap, taludtod o talata.

Mga Halimbawa
a. Masama ang gumamit ng droga. Masama dahil nakakasira ng isip. Masama dahil pamilya ay nasisira.
b. Pag-ibig ang nagbigay pag-asa; pag-ibig ang bumuhay; pag-ibig pa rin ang pumatay.
c. Paborito niya ang mangga; manggang-hinog, manggang-hilaw, at kahit na anong uri ng mangga.

8. Pagtatanong (Rhetorical Question) - pagpapayag sa pamamagitan ng pagtatanong na hindi naghihintay ng kasagutan. Ang tanong ay maaaring may kasagutan o wala. Maaaring ang tanong ay alam na ang sagot subali't inilagay upang bigyang diin ang isang pahayag, damdamin o pangyayari.

Mga Halimbawa
a. Bakit nagkaganito ang bayang ito?
b. Hagupit ng kalikasan o kasakiman ng tao?
c. Ikaw ba ang sinasabing magliligtas sa lahat ng tao?

9. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) - pagbanggit ng isang bahagi upang tukuyin ang kabuuan o pagpapahayag ng kabuuan upang tukuyin ang isang bahagi.

Mga Halimbawa
a. Binili mo na yata ang buong palengke?
b. Malapit na ako. Kita ko na ang aming palupo.
c. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo rito.

10. Paghihimig (Onomatopoeia) - paggamit ng mga salitang kasingtunog ng kahulugan.

Mga Halimbawa
a. Naglalagablab ang init ng panahon.

b.  Tiktilaok!
c. Umarangkada na ang bagong biling sportscar ni Mario.

11. Pagtatambis (Oxymoron) - paglalagay o pagsasama ng dalawang bagay o salita na magkasalungat ang kahulugan.

Mga Halimbawa
a. Masaya siyang umiiyak nang manalo sa timpalak.
b. Ikaw na ang matalinong-bobo!
c. Matamis na maasim ang manibalang na mangga.
d. Nakabibingi ang katahimikan.
e. Minsan, kailangan mong mawala para makita.

12. Kabaliktaran (Antithesis) - pagsasama ng dalawang ideya, damdamin, salita, parirala at pangungusap na kabaliktaran ang kahulugan.

Mga Halimbawa
a. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
b. Isang hakbang ng nilalang, malayong lundag sa sangkatauhan.
c. Umiiyak man ang langit, nagbubunyi naman sa lupa.
d. Marami ang matutuwa sa iyong paglisan.

13. Pagtanggi (Litotes) - pagpapahayag ng pagsalungat o hindi tuwirang pangsang-ayon subali't ito ay pakunwari  o paimbabaw lamang, o paglalagay ng dalawang negatibong pananaw para ipamalas ang positibong ideya.

Mga Halimbawa
a. Hindi maliit na halaga ang isang milyong piso.
b. Ayokong isipin mo na tutol ako sa pag-aasawa mo. Nais ko lamang na magtapos ka muna ng pag-aaral.

c. Hindi naman masikip sa iyo ang iyong bagong damit.


Thursday, June 8, 2017

GABINETE ni Pangulong Rodrigo Duterte

(ABISO: Kumikilala at humihingi ng paumanhin at pahintulot sa nagmamay-ari ng mga larawan sa ibaba. Mag-email lamang sa poncianosantos1959@gmail.com kung nais ipatanggal ang anumang larawan. Ipagbigay-alam sa may-akda kung may pagkakamali man sa pangalan o larawang nakapaskel. Salamat po.)

Narito ang listahan ng Gabinete ng Pilipinas  sa wikang Englisgh at Filipino pati na rin ang kanilang daglat o acronym, sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte :

2016

SALVADOR MEDIALDEA, 2016 - Present
Executive Secretary (ES)
Kalihim Tagapagpaganap

ERNESTO ABELLA, 2016 - Oct 26, 2017
Office of the Presidential Spokesman (OPS)
Tanggapan ng Tagapagsalita ng Pangulo

HARRY ROQUE - Oct 27, 2017 - Present
Office of the Presidential Spokesman (OPS)
Tanggapan ng Tagapagsalita ng Pangulo
(Image from Roque's Official FB Page)
RAFAEL MARIANO 2016 - Nov 30, 2017
Department of Agrarian Reform  (DAR)
     Kagawaran ng Repormang Pansakahan 

JOHN CASTRICIONES Dec 1, 2017 - Present
Department of Agrarian Reform  (DAR)
     Kagawaran ng Repormang Pansakahan 

EMMANUEL  PIñOL 2016 - 4  Aug 2019
Department of Agriculture (DA)
Kagawaran ng Pagsasaka
WILLIAM DAR - Aug 5, 2019 - Present
Department of Agriculture (DA)
Kagawaran ng Pagsasaka

BENJAMIN DIOKNO
Department of Budget and Management (DBM)
Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala 


LEONOR BRIONES
Department of Education (DepEd)
Kagawaran ng Edukasyon


ALFONSO CUSI
Department of Energy (DOE)
Kagawaran ng Enerhiya

ROY CIMATU
Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman


CARLOS DOMINGUEZ III
Department of Finance (DOF)
Kagawaran ng Pananalapi


ALAN PETER CAYETANO
Department of Foreign Affairs (DAF)
Kagawaran ng Ugnayang Panlabas


PAULYN JEAN RUSSEL-UBIAL
Department of Health (DOH)
Kagawaran ng Kalusugan


CATALINO CUY (OIC)
Department of Interior and Local Government (DILG)
Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal


VITALIANO AGUIRRE II
Department of Justice (DOJ)
Kagawaran ng Katarungan


SILVESTRE BELLO III
Department of Labor and Employment (DOLE)
Kagawaran ng Paggawa at Empleyo


DELFIN LORENZANA
Department of National Defense (DND)
Kagawaran ng Tanggulang Pambansa


MARK VILLAR
Department of Public Works and Highways (DPWH)
Kagawaran ng Pampublikong Paggawa at Mga Lansangan


FORTUNATO DELA PEÑA
Department of Science and Technology (DOST)
Kagawaran ng Agham at Teknolohiya



JUDY TAGUIWALO
Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad


WANDA CORAZON TEO
Department of Tourism (DOT)
Kagawaran ng Turismo


RAMON LOPEZ
Department of Trade and Industry (DTI)
Kagawaran ng Kalakalan at Industriya


RODOLFO SALALIMA
Department of Information and Communications Technology(DICT)
Kagawaran ng Teknolohiyang Pang-Impormasyon at Komuniasyon

ARTHUR TUGADE
Department of Transportation (DOTr)
Kagawaran ng Transportasyon

Sunday, October 19, 2014

Mga Uri ng Panghalip

A. Ano ang panghalip?
Ang panghalip (o pronoun) ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan (noun) upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan.

Halimbawa:
1. Si Maria (pangngalan)  ay pumunta sa palengke. Si Maria (pangngalan) ay bumili ng bangus. Bumili rin si Maria ng mga gulay.
Si Maria ay pumunta sa palengke. (Maaaring hindi na muna ihalili ang panghalip sa pangngalan sa unang pangungusap dahil hindi mauunawaan ang susunod na mga pangungusap.) Siya ay bumili ng bangus. Bumili rin siya ng mga gulay.
2. Ibigay mo ang mga aklat kay Rosa..
    Ibigay mo ang mga ito sa kanya.
3.Kay Mila ang mga rosas na nasa mesa.
   Sa kanya ang mga iyan.
4. Sina Jose at Pedro ay naliligo sa ilog.
    Sila ay naliligo sa ilog.
5. Ang pag-heheersisyo ay mabuti sa katawan ni Juan.
    Ito ay mabuti sa katawan niya.

B. Mga Uri ng Panghalip
Ang panghalip ay may limang uri. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Panghalip na Panao  (Personal Pronoun)– ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan, dalawahan at maramihan.

Taong Nagsasalita
Isahan: Ako, akin, ko 

   a. Ako ay pupunta sa Maynila.
   b. Akin ang laruang hawak mo.
   c. Ibigay ko ito sa aking ina.


Dalawahan: kita, kata
    a. Kita nang maligo sa ulan. (Maligo tayong dalawa sa ulan.)
Kata ay umawit.

    b. Kata nang manood ng sine.  (Manood tayong dalawa ng sine.)


Maramihan: Tayo, kami, natin, naming, atin, amin
    a. Tayo nang pumunta sa Antipolo.
    b. Kami ay kakain sa JoliMc.
    c. Bisitahin natin si Lola.
    d. Atin ang pulang kotse.
    e. Amin ang bahay na kulay bughaw.

Taong Kausap
Isahan: Ikaw, ka

    a. Ikaw ang iniibig ko.
    b. Pumunta ka sa opisina ng punong-guro.

Dalawahan: kita, kata

    a. Magkikita kita sa tapat ng monumento ni Gat. Jose Rizal.
    b. Maghuhulog kata ng pera sa bangko.

Maramihan: Kayo, inyo, ninyo
    a. Kayo ang kanyang mga magulang.

    b. Sa inyo ang asong nasagasaan.
    c. Nasusunog ang bahay ninyo!

Taong Pinag-uusapan
Isahan: Siya, niya, kanya

    a. Siya ang sumuntok sa akin.
    b. Binigyan niya ako ng kendi.
    c. Ibibigay ko ang damit na ito sa kanya.

Dalawahan: kita, kata

     a. Ayaw nila kata sa atin. (Ayaw nila sa ating dalawa.)
     b. Kita ay pinayagan nilang magpakasal sa huwes.


Maramihan: Sila, kanila, nila
   a. Nagbigay sila ng donasyon sa simbahan.
   b. Kanila ang ospital na iyon.
   c. Bibigyan nila tayo ng mga pasalubong.



2. Panghalip na Pamatlig  (Demonstrative Pronoun)– ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan. Iinihalili rin ito sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o nag-uusap.

Malapit sa Nagsasalita
-ito/ ire   ( Ito ay masarap na prutas. Ire ay ibinigay sa akin ng aking butihing ina.)
-heto ( Heto na ang pasalubong ko sa inyo.)
-dito  ( Dito ka maghiwa ng mga gulay.)

Malapit sa Kausap
-iyan   ( Iyan ang libro ko.)
-hayan/ ayan  (Hayan/Ayan na sa likod mo ang asong ulol!)
-diyan (Diyan mo ilapag ang mga bayong.)

Malayo sa Nag-uusap
-iyon  (Iyon ang bahay nila Paulo.)
-hayun/ ayun  (Hayun/Ayun ang magnanakaw!)
-doon (Doon tayo kumain.)

3. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)- ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan.

Nagsasaad ng Kaisahan
a. Isa  (Isa tayo sa pinagpala ng Diyos.)
b. Isapa  (Isapa ang pagpuputol ng kahoy sa gubat.)
c. Iba   (Iba ang bahay sa tahanan.)
d. bawat isa (Bawa't isa ay mayroon tungkulin sa bayan.)

Nagsasaad ng dami o kalahatan
a. Lahat (Lipunin ang lahat ng peste!)
b. Tanan  (Magandang halimbawa ang ipinakita niya sa tanan.)
c. Pulos (Pulos kalokohan ang pinagsasabi niya.)
d. Balana  ( Iniisip nila na walang ginawa si Pangulong Marcos para sa kabutihan ng balana.)
e. Pawang  (Ang iginanti niya ay pawang kabutihan.)
f. Madla  (Mananagot siya sa madla dahil sa kanyang kabuktutan.)

4. Panghalip na Patulad  – ay inihalili sa itinutulad na bagay.

Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita
    Ganito/Ganire ang paggawa niyan.
    Ganito/Ganire kung umarte si Nora Aunor.
Ganito ang tamang pagngiti.

Ganyan - Malapit sa kausap

    Ganyan nga kung umiyak si Momay.

Ganoon -  Malayo sa nag-uusap
     Ganoon ang tamang pagtatapas ng niyog

5. Panghalip na Pananong  -  inihahalili sa pangngalan kung nagtatanong.

  a. pangtao (sino, kanino)
        Sino ang umutot?
        Sino ang kumuha ng bolpen ko?
        Kanino ang kalamay na ito?
        Kanino kaya ang mapupunta ang gantimpala?

  b.bagay, hayop, lugar (ano, alin)

        Ano ang laman ng kahon?
        Alin dito ang sa iyo?
        
  c. bagay, hayop, lugar, tao (ilan)
        Ilan sa inyo ang sasali sa paligsahan?
        Ilang halaman ang ating dadalhin?




C. Kaukulan ng Panghalip 

1. Kaukulang palagyo-  kung ang panghalip ay ginagamit bilang simuno(subject) ng pangungusap. 

Halimbawa:
1. Siya ay tutungo sa kapitolyo upang ilatag sa gobernador ang ating mga kahilingan. 
2. Tayo ay magtitipid upang mabili natin ang gusto nating mga laruan.
3. Sila ay mga kinatawang nangungurakot sa kaban ng bayan.

2. Kaukulang Paari  - Ito ay nagsasaad ng pang-aangkin nag isang bagay sa loob ng pangungusap. 

Halimbawa:
1. Ang bhay nila ay malapit sa paaralang iyong papasukan.

2. Ang aking lolo ay isang sastre.

3. Kaukulang Palayon  -  ginagamit na layon ng pang-ukol (preposition) o pandiwa (verb). 
Halimbawa:

1. Ang batas na ito ay makasasama para sa madla. 
2. Ang kamalig ay sinunog nila. 

 Ang kamalig ay sinunog nila.

Wednesday, May 16, 2012

Malalalim na Salitang Filipino - 1

Nasa ibaba ang ilan sa mga malalalim na salitang Filipino:

1. aab - hugpong o paghuhugpong ng dalawang putol o piraso ng kahoy sa pamamagitan ng mitsa at butas na kahugis ng buntot ng kalapati

2. abalabal - maliliit na piraso ng dala-dalahan: abubot, kargada
Hindi siya magkandadala dahil sa samut-saring abalabal.

3.abuab - kamandag o lason na ipinapahid sa talim ng palaso; yungib sa ilalim ng tubigan, lawa, o dagat

4. agiw - maruming sapot ng gagamba (cobweb)


Darating ang mga kaanak ng Nanay kaya siya nag-alis ng mga agiw sa kisame.
5. akukabkab - tinalupan
6. alalaong baga - sa ibang salita; samakatwid
7. alapot - limahid; damit na marumi at sira
May sakit daw sa pag-iisip ang nakita niyang babae sa kalsada na nakasuot ng alapot.

8. alibadbad - pagsusuka dulot ng pagkain, masamang pakiramdam o allergy; liyo; lula
9. alimuom - singaw na galing sa lupa pagkatapos ng ulan o ambon
Para huwag sumakit ang tiyan, uminom ng tubig kapag may alimuom.

10. alimusom - halimuyak; samyo
 Mabango ang alimusom ng cadena de amor kagabi.

(Hango sa UP Diksyonaryong Filipino)

Wednesday, November 9, 2011

Familiar Filipino Words to English

Here  are some Filipino words and phrases and their English translation/meaning.

1. Sige - Okay
2. I miss you - Hinahanap-hanap kita.

3. taong- grasa - Psychotic vagrant
4. salumpuwit - underwear
5. bilas - the wife/husband of your wife/husband's siblings

6. bulalo - kneecap

7. bakol - basket

8. balag (noun) - trellis, arbor, latticework


9. bulig or dalag - medium-sized murrel or mudfish

10. guya - calf or carabao's baby