Wednesday, May 16, 2012

Malalalim na Salitang Filipino - 1

Nasa ibaba ang ilan sa mga malalalim na salitang Filipino:

1. aab - hugpong o paghuhugpong ng dalawang putol o piraso ng kahoy sa pamamagitan ng mitsa at butas na kahugis ng buntot ng kalapati

2. abalabal - maliliit na piraso ng dala-dalahan: abubot, kargada
Hindi siya magkandadala dahil sa samut-saring abalabal.

3.abuab - kamandag o lason na ipinapahid sa talim ng palaso; yungib sa ilalim ng tubigan, lawa, o dagat

4. agiw - maruming sapot ng gagamba (cobweb)


Darating ang mga kaanak ng Nanay kaya siya nag-alis ng mga agiw sa kisame.
5. akukabkab - tinalupan
6. alalaong baga - sa ibang salita; samakatwid
7. alapot - limahid; damit na marumi at sira
May sakit daw sa pag-iisip ang nakita niyang babae sa kalsada na nakasuot ng alapot.

8. alibadbad - pagsusuka dulot ng pagkain, masamang pakiramdam o allergy; liyo; lula
9. alimuom - singaw na galing sa lupa pagkatapos ng ulan o ambon
Para huwag sumakit ang tiyan, uminom ng tubig kapag may alimuom.

10. alimusom - halimuyak; samyo
 Mabango ang alimusom ng cadena de amor kagabi.

(Hango sa UP Diksyonaryong Filipino)

9 comments:

Anonymous said...

Nais ko pa pong makita ang susunod na bahagi nito. Nakatutuwa pong basahin. Salamat po! :D

Anonymous said...

maganda po sana kung A-Z.

Dlanyer Oallesma said...

nice tutorial about sa mga matatalinghangang salitang Tagalog

Anonymous said...

Ano pong ibig sbihin ng gorang bulak?

Anonymous said...

maraming salamat po .......god bless you po

Anonymous said...

Wala na po ba ung iba?

Unknown said...

Ang galing po ng inyong ginawa. Binigyan nyo po kami ng panibagong kaalaman sa mga salitang hindi namin binigyang pansin. Sana po punan nyo po ang aming nalalaman. Maraming salamat po.

Anonymous said...

Mas maganda pag nilagay nyo po kung anong uri ng salita yun kung yun ba ay panggalan,panguri,pangdiwa,pangabay atbp.

Anonymous said...

Ano po yung master of ceremony sa tagalog?