Monday, April 8, 2019

Tungkulin ng Wika

Tungkulin ng Wika

(Image from http://clipart-library.com/clipart/8iAEyg78T.htm)

Ayon kay Michael A. K. Halliday
1.Regulatori - ang wika ay ginagamit upang kumontrol at gumabay sa kilos at asal ng iba. Halimbawa: kung hindi sinunod ng isang empleyado ang mga nakasulat sa patakaran,  maaaring maging dahilan ito ng kaniyang pagkatanggal sa trabaho; pagbibigay-panuto o babala; resipe, direksyon sa paggawa

2. Interaksyunal - ginagamit ang wika sa pakikipag-interaksyon sa kapwa o kaya#y sa pagtatatag ng mga ugnayan at samahang sosyla. Halimbawa: pagbati, pakikipagkaibigan, liham-pangkaibigan.

3. Personal - ito ang pagpapahayag ng sariling paninindigan at paniniwala hinggil sa mga isyu tulad sa pormal o impormal na pakikipagtalakayan at iba pa. Halimbawa: panliligaw, editoryal, liham sa patnugot

4. Imahinatibo - nakatuon ang gamit ng wika sa paglalahad ng sarili sa maharaya o malikhain at masining na pamamaraan na maaaring kaugnay ng panitikan. Halimbawa: pagsasalaysay, akdang-pampanitikan (kuwento, nobela)

5. Instrumental - ang wika ay ginagamit bilang instrument sa pagkamit ng mga layuning nais isagawa o ipatupad sa pagtugon sa mga pangangailangan ng isang tao. Halimbawa: Sa palengke, layunin ng isang maimili na mabigyan siya ng diskwento kaya makikiusap siya sa mabuting paraan gamit ang wika upang makamit niya ang kaniyang layunin; liham-pangangalakal.

6. Representasyunal (Impormatib) - wika ang nagsisilbi o ginagamit bilang tsanel ng impormasyon, kaalaman at kamalayan. Halimbawa: pagbabalita,  pag-uulat, pananaliksik-papel

7. Heyuristiko- ginagamit ang wika sa paghahatid ng impormasyon. Ang wika sa aspektong ito ay nagsisilbing kagamitan sa pagtuklas ng mga mahahalagang impormasyon o datos.  Halimbawa: pagtatanong, sarbey (survey)

Ayon kay Roman Jakobson
1.Kognitibo- gamit ng wika upang maiparating ang mga mensahe o impormasyon sa kapwa.

2. Konatibo- ginagamit ng tao ang wika upang mangumbinse o kaya’y makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng kaniyang kakayahan sa pag-uutos.

3. Emotibo- ginagamit ang wika upang ipahayag ang damdamin, kaugalian at emosyon.

4. Phatic- gamit ito ng wika upang maitatag ang pakikipag-ugnayan sa iba.

5. Metalinggwal - ginagamit ang wika upang mawala ang hadlang o kahirapan sa intensiyon, salita at kahulugan.

6. Poetiko - tumutukoy ito s gamit ng wika sa malikhaing pamamaraan.

Wednesday, November 14, 2018

CHED Memo 20, s. 2013: Kinatigan ng Supreme Court

Kinatigan ng Korte Suprema ang Memorandum No. 20, series of 2018 CHED (Commission on Higher Education) kung saan inaalis nito ang asignaturang Filipino at Filipino Literature bilang kasama sa CORE subjects ng General Education. Dahil dito ang General Education units na 36 ay magiging 24 na lamang.

Nabulabog ang mga makabayan, Filipino Language Advocay group, mga guro sa Filipino at Panitikang Filipino, ilang estudyante at mamamayan dahil dinisesyunan ng Pinakamataas na Hukuman na hindi lumabag ang CHED sa pagpapalabas ng Memo.

Lalo pang nanggalaiti sa galit ang grupo nang magdesisyon naman ang DepEd (Department of Education) na isama sa elective subjects sa Junior highschool ang pagtuturo ng Koreano. Ipinalalagay nila na pag-alipusta ito sa ating wikang Pambansa.

Wala akong nakikitang dahilan upang salunggatin ang Korte Suprema, CHED at DepEd para sa naging desisyon ng mga ito. Unang-una, hindi naman talaga mawawala ang pagututuro ng Filipino sa elementarya at high school. Mula kinder hanggang Grade 10, ay kabilang ang Filipino sa mga signaturang itinuturo. Hindi kawalan ang 6 units na Filipino sa kolehiyo.

Narito ang ilang bahagi ng CHED Memo 20, s. 2018 para maunawaan ang nilalaman ng memorandum na ito:


Wednesday, October 24, 2018

Some English to Filipino Translation

English - Filipino Translation
1. Mathematics- Sipnayan
2. Arithmetic - Bilnuran
3. Science - Agham
4. Biology - Haynayan
5. Chemistry - Kapnayan
6. Thermodynamics - Initsigan
7. Statistics - Palautatan
8. Calendar - Talaarawan
9. Dictionary - Talahulugan, Talailigan, Talatinigan
10. Airplane - Salipawpaw
11. Infinity - Awanggan, Habambuhay
12. E-mail - Sulatroniko
13. Hyperlink - Kawingan
14. Browser - Panghinain
15. Charger - Pantablay
16. Website - Pook-sapot
17. Telephone - Hatinig
18. Window - Durungawan
19. Switch - Gaptol
20. Germs - Kagaw
21. Toothbrush - Pangaso
22. Pupil (Part of the eyes) - Balintataw
23. Washroom - Palikuran, Batalan
24. Compass - Paraluman
25. Amplifier - Panghibayo
26. Headset - Pang- ulong hatinig
27. Carpenter - Anluwage
28. Adam's apple - Lalagukan, tatagukan
29. Honeymoon - Pulot gata
30. Eclipse - Duyog

Wednesday, September 19, 2018

Hagdan at Hagdanan: Kung di at Kundi

WASTONG GAMIT

A. HAGDAN at HAGDANAN

Ang HAGDAN o stairs sa wikang Ingles ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. 
Ang HAGDANAN o  stairway sa wikang Ingles ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.

Mga Halimbawa

1. Magdahan-dahan ka sa pag-akyat sa HAGDAN.
2. Gawa sa narra ang kanilang HAGDAN.
3. Huwag kayong maglaro sa HAGDAN dahil ito ay madulas.
4. Naayon lamang na ilagay ang HAGDANAN katapat ng pintuan.

5. Maaari bang lagyan ng paikot na HAGDAN ang inyong ginawang HAGDANAN?



B. KUNG DI at KUNDI

            Nanggaling ang KUNG DI sa salitang “kung hindi” o if not sa Ingles; ang ibig sabihin naman ng KUNDI sa wikang Ingles ay except.

Mga Halimbawa

1. Pupunta sana ang nanay sa palengke KUNG DI umulan.
2. KUNG DI dumating si Alicia ay pupunta na sana kami sa bukid.
3. Aalis na sana si Pedro KUNG DI dumating ang kanyang barkada.
4. Hindi maaaring panoorin ang palabas na ito KUNDI yaong may idad 18 pataas lamang.
5. Walang maaaring pumasok sa sayawan KUNDI yaong may mga tiket lamang


Saturday, January 27, 2018

Mga malalalalim na salitang Filipino - 2

Alamin at unawain ang ilang malalalim ng salitang Filipinong nasa ibaba:

1. Brokil – (pangngalan) = Bukayo, minatamis na laman ng buko o niyog.
          Halimbawa: Walang nalutong ulam ang Nanay kaya brokil ang inulam ng pamilya.

2. Galapok – (pangngalan) = pulbos na lupang higit na pino kaysa gabok.
          Halimbawa: Huwag masyadong lakasan ang pagwawalis at baka mapuwing ng galapok.

3. Halimunmon – (pangngalan) = bango, halimuyak
          Halimbawa: Nakatitiwasay ng kalooban ang halimunmon ng dama de noche.

 4. Kalukabkab – (pangngalan) = bitak o bakbak sa pader.
          Halimbawa: Pinamugaran ng putakte ang kalukabkab.

5. Sagilot – (pangngalan) = buhol na madaling kalasin.
          Halimbawa: Madaling nakakawala ang kanyang hinuling manok dahil sagilot lamang ang nagawa niyang pantali.

6 Sumbo – (pangngalan) = liwanag ng kandila o lampara.
          Halimbawa: Dahil walang linya ng kuryente sa kanilang nayon, gumagawa ng takdang-aralin si Maria sa pamamagitan ng sumbo tuwing gabi.

7. Tungaw – (pangngalan) =  garapatang maliit at pula o maliit na kuto.
          Halimbawa: Namaga ang kagat ng tungaw sa kanyang braso.

8. Bantulot = (pang-uri) = urong-sulong
          Halimbawa: Bantulot si Mario kung itutuloy ang panliligaw kay Urbana.

9. Anagon – (pangngalan) = mais na mura
          Halimbawa: Naggulay ng anagon si Aling Flora dahil paborito ito ng kanyang mga anak.

10. Damurak – (pang-uri) = nakalilito; nakagugulo.

          Halimbawa: Masyadong damurak ang kanyang isinulat kung kaya’t marami ang nag-aalinlangan sa kanyang katapatan.

Saturday, October 14, 2017

Mga Pokus ng Pandiwa (Verbal Focus)

Mga Pokus ng Pandiwa
(Verbal Focus)

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
(Focus is the term used to show the semantic relationship of the verb to the subject or doer in a sentence. It is shown by the affixes in the verb.)


I. Aktor-pokus o pokus sa tagaganap  (Actor-focus verb)
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sino?".
(The subject or the doer is the focus of the verb used in the sentence and it answers the question “WHO?”)
Upang madaling matandaan, ang aktor-pokus o pokus sa tagaganap na pandiwa ay kalimitang ginagamitan ng mga unlaping MAG, NAG, MA, NA, UM at gitlaping UM.
(The actor-focus verb is usually begins with the prefix such as MAG, MANG, MA and infix UM.)
Mga Halimbawa:
A. Unlaping MAG, NAG, MA, NA  
1. Maglilinis ng bahay si Anna bukas. (Sino ang maglilinis ng bahay bukas?)
2. Ang Nanay ay naglaba ng mga kurtina noong isang araw. (Sino ang naglaba ...?)
3. Ang aking mga kaibigan ay maliligo sa sapa sa Lunes. (Sino ang maliligo...?)
4. Nanood ng sine si Myla sa SM. (Sino ang nanood...?)
B. Unlapi at Gitlaping UM
1. Bumili ng rosas si Maria. (Sino ang bumili ng rosas?)
2. Si Natoy ay pumunta ng palengke. (Sino ang pumunta...?)
3. Tumakbo ang matandang lalaki. (Sino ang tumakbo...?)
4. Kumain si Juan ng mangga. (Sino ang kumain...?)
5. Umalis ng bahay si Kuya. (Sino ang umalis...?)
6. Si G. Dela Cruz ay umapela sa Korte Suprema. (Sino ang umapela...?)

II. Pokus sa layon    (Object-focus verb)

Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "ano?".
Kalimitang ang pandiwa ay kinapapalooban ng mga panlaping IN, I, AN, NA. Dapat tandaan na ang panlaping IN na makikita sa pandiwa ang nag-iisang HULAPI na pokus sa layon.
 (The direct object is the focus of the verb in the sentence and it answers the question “WHAT?”. The verb is usually affix with IN, I, AN, MA. Please note that the verb with suffix IN is ALWAYS object-focus verb.)
Mga Halimbawa
A. Hulaping IN
1. Kainin mo ang itlog.   (Ano ang kainin?)
2. Lutuin mo ang gulay sa bilao. (Ano ang lutuin?)
3. Akyatin mo ang Bundok Banahaw. (Ano ang akyatin?)
B. Gitlaping IN
1. Binili ni Jose ang sapatos. (Ano ang binili?)
2. Tinali ni Pedro ang kalabaw. (Ano ang tinali?)
3. Kinain ni Kikay ang lumpiya. (Ano ang kinain?)
C. Unlaping I
1. Iluto mo ang alimango. (Ano ang iluto?)
2. Itago mo ang mga sulat. (Ano ang itago?)
3. Isara ninyo ang pinto. (Ano ang isara?)
D. Hulaping AN
1. Buksan mo ang bintana. (Ano ang buksan?)
2. Takpan mo ang pagkain sa mesa. (Ano ang takpan?)
3. Labhan ninyo ang mga pantalon. (Ano ang labhan?)
E. Unlaping NA
1. Nakita ni Rosa ang nawawalang aso.
2. Naamoy ni Ricardo ang masarap na putahe.
3. Napansin ko ang bagong payong ni Leslie.
4. Nalaman niya ang tirahan nina Blanca.
5. Narinig namin ang magandang boses ni Petra.

III. Lokatibong pokus o pokus sa ganapan     (Location/locative - focus)
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "saan?".
Kalimitang ginagamit ang mga panlaping (pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an, pinag/an, in/an) sa salitang-ugat ng pandiwa.
(The emphasis of the verb is on the location/direction in the sentence. It usually answers the question “WHERE?” The affixes (pag-/-an, -an/-han, ma-/-an, pang-/-an, mapag-/-an) is often used in the root word of the verb.)

Mga Halimbawa:
1. Pinagdausan ng kasal ang bagong simbahan.
2. Pinuntahan ni Tatay ang bagong gawang bahay ni Kuya.
3. Mapagdarausan ng lamay ang kapilya.
4. Pinag-umpukan ang silong ng bahay ni Ate.

IV. Benepaktibong pokus o pokus sa tagatanggap   (Benefactor-focus)

Ang simuno o paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay karaniwang sumasagot sa tanong na "para kanino?". Ang mga panlaping  (i- , -in , ipang- , ipag-) ang kalimitang ginagamit. Ito ay ang indirect object sa wikang Ingles.

Mga Halimbawa:

1. Kami ay ipinagluto ni Ate ng masarap na tsamporado.
2. Ibinili ni Gloria ng tinapay ang Lola.
3. Si Tiyo Poldo ay ipinagsibak ng kahoy ni Kuya Lauro.
4. Tinahi niya ng pantalon si Lolo.

V. instrumentong pokus o pokus sa gamit   (Instrumental-focus)

Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?" Kalimitang ginagamit ang mga panlaping  (ipang- , maipang-)

Mga Halimbawa
1. Ang bagong biling hurno ang ipinagluto ni Mang Manolo ng masarap na tinapay.
2. Ipinampunas ni Marco sa mukha ang ang aking regalong bimpo.
3. Ang mahabang kawit ang ipinanungkit niya ng buko.
4. Ipinanghambalos niya ang hawak na bat sa taong umaakyat ng pader.


VI. Kosatibong pokus o pokus sa sanhi (Causative-focus)

Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Iti ay sumasagot sa tanong na "bakit?" Kalimitang ginagamit ang mga panlaping  (i- , ika- , ikina-)

Mga  Halimbawa
1. Ikinagalak namin ang inyong pagtatanim sa aming paaralan.
2. Ikinainis ni Maribeth ang pambubuska ni Mario sa kanya.
3. Ikinalungkot ng mga mamamayan ang biglaang pagkamatay ng kanilang punong-bayan.
4. Ikinaiyak ng mga manonood ang pagkabaliw ng bidang babae.


VII. Pokus sa direksyon (Direction-focus)

Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?" Kalimitang ginagamit ang mga panlaping (-an , -han , -in , -hin) sa ganitong mga pagkakataon. Pag-aralan ang pagkakaiba nito sa location/locative –focus)

Mga Halimbawa
1. Pinadalhan niya ng mga bulaklak ang kasintahan.
2. Pinuntahan ng mga pulis ang ilog upang mangalap ng ebidensya.
3. Sinulatan niya ang punong-guro.
4. Pinasyalan ni Alpha ang bahay-ampunan.

Thursday, September 28, 2017

Mga Ayos ng Pangungusap

Mga Ayos ng Pangungusap

Ang pangungusap (sentence) ay may dalawang ayos.

1. Karaniwang ayos - ang pangungusap ay nagsisimula sa panaguri (predicate) at nahuhuli ang simuno (subject/paksa).

Mga Halimbawa


a. Nagpunta kami sa Luneta noong Linggo.
b. Bumili ng mga bulaklak si Aniceta.
c. Nag-araro ng bukid si Ama.
d. Kumain tayo nang katamtaman lamang.
e. Maglulunsad nang malawakang protesta ang mga magsasaka.
f. Umalis ka!

2. Di-karaniwang ayos - kapg ang simuno (subject/paksa) ay nauuna kaysa sa panaguri (predicate). Kalimitang nakakabit ang salitang "AY" sa unahan ng pandiwa (verb).

Mga Halimbawa


a. Si Anna ay bumili ng bagong damit.
b. Ang palatuntunan ay naging matagumpay.
c. Ikaw ay tumakbo.
d. Ang mga mag-aaral ay tahimik nang dumating ang mga bisita.
e. Tayo nang pumaroon sa Antipolo.
f. Ikaw ang tutula sa palatuntunan bukas.

Wednesday, September 6, 2017

Pagsasalin : Translation - 1

Nasa ibaba ang ilang salita at pangungusap sa Filipino na isinalin sa wikang Ingles;

1. Ano = What
2. Kailan/Kelan = When
3. Paano/Pa'no = How
4. Saan/Sa'n = Where
5. Ano ang pangalan mo? = What is your name?
6. Saan ka nakatira = Where do you live?
7. Kailan kayo manonood ng sine? = When do you watch a movie?
8. Paano pumunta ng palengke = How to go to the market?
9. Kelan ang kapanganakan mo? = When is your birthday?
10. Saan ka ipinanganak? = Where did you born?
11. Saan ka pupunta? = Where are you going?
12. Kumusta ka? = How are you?
13. Salamat = Thank you
14. Maaari/Puwede/P'wede bang malaman ang pangalan mo? = Can I know your name?
15. Ngayon = Now
16. Bukas = Tomorrow
17. Sa makalawa = The day after tomorrow
18. Sa Lunes = On Monday
19. Galit ako / Ako ay galit. = I am angry.
20. Gutom na ako / Ako ay gutom na .= I am hungry.

Thursday, July 6, 2017

Ano ang Bugtong?

Ang bugtong (riddle in English) ay isang palaisipang-laro. Ito ay kadalasang binubuo ng isang parirala, pangungusap , saknong o talatang matalinhagang tumutukoy sa isang bagay, tao, pangyayari, atbp. Karaniwang nilalaro ang bugtong o bugtungan (pahulaan o patuturan) sa loob ng paaralan, sa mga lamayan o kasiyahan.

Hulaan ang mga bugtong na ito:

1. Kung kailan ko pinatay saka humaba ang buhay.

2. Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako.

3. Buto't balat lumilipad.

4. May mukha walang mata, may kamay walang tenga.

5. Hinila ko ang bigting, nagkakarang ang matsing.

6. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.

7. Isang balong malalim, punompuno ng patalim.

8. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.

9. Walang lapis, walang pluma, sumusulat ng maganda.

10. Mahaba at namamaga, sumusuka ng gata.

11. Dalawang bagay na bibitin-bitin, natitiklop kapag bumahing.

12. Kabit-kabit na uling, tingna't bibitin-bitin.

13. Dalawang magkakapatid, nag-uunahang pumanhik.

14. Nagtago si Pedro, nakalitaw ang ulo.

15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.

Wednesday, July 5, 2017

PAGSASANAY; REVIEWER SA FILIPINO

Nasa ibaba ang isang pagsasanay upang malinang ang mga mag-aaral at yaong nag-aaral ng Filipino sa wastong gamit ng mga salita:

Tuntunin: Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong

1. (Dito, Rito) na kayo kumain.


2. Taga-Dabao (daw, raw) ang mga magulang ni Felix.

3. May darating na bisita ang Nanay bukas. (Wawalisin, wawalisan) ko ang likod at harap ng aming bahay. (Wawalisan, Wawalisin) ko ang mga nagkalat na mga tuyong dahon ng punong-mangga.


4. Huwag mong (pahirin, pahiran) ng alkitran ang dingding ng bahay-baboy.

5. Nagkaroon ng (inuman, inumin) sa bahay ng mga Kuya nang siya ay nagbalikbayan. Nag-uumapaw ang mga (inuman, inumin).

6. Buhay (daw, raw) niya ang kapalit sa kasamaang ginawa.

7. (May, Mayroon) dumating na signos sa bayan nina Perla.


8. Huwag mong (bibitiwan, bibitawan) ang kamay ni Neneng habang tayo ay namamasyal sa SM.

9. (Nabitiwan, Nabitawan) niya ang hawak na lobo.

10.  Wasak-Wasak na (ng, nang) dumating ang mga balikbayan box na padala ni Ate mula Abu Dhabi.


11. Tawa siya (nang, ng) tawa nang kilitiin ni Joaquin.

12. Bigyan mo siya (nang, ng) konting pagtingin.

13. Hindi siya pumayag na (alisin, alisan) ng karapatan sa kanyang mga anak.

14. (Alisan, Alisin) mo ang mga tinik sa iyong pagkatao.


15. Masarap ang isdang ayungin pero dapat (alisan, alisin) ito ng tinik bago kainin.

16. Halika (dito, rito)!

17. Sa Mababang Paaralan ng Paoay (din, rin) siya nag-aral ng elementarya.

18. Naghihinala si Aling Metring sa kanyang asawang si Jose kung kaya't inutusan ang isang kakilalang (subukan, subukin) ito.


19. (Pahirin, Pahiran) mo ng langis ang kawa bago mo itago (nang, ng) hindi kalawangin.

20.  Pupunta (dito, rito) ang Kakang Lucio sa makalawa.

21. Luminis ang buong paligid nang kanyang (walisan, walisin).

22. Si Carlito (daw, raw) ang magiging panauhing-pandangal sa pagtatapos ng mga mag-aaral.


23. Huwag kang (bibitaw, bibitiw) at baka ka mahulog.

24. Sa Sariaya (din, rin) ang kanyang punta.

25. Humiyaw ka (nang, ng) malakas (nang, ng) ikaw ay marinig.

Monday, July 3, 2017

Government Officials in Filipino

Narito ang mga opisyales o namamahala sa Pilipinas na isinalin sa wikang Filipino:

President = Presidente o Pangulo

Vice-President = Bise-Presidente o Pangalawang-Pangulo

Senator = Senador

Congressman = Kongresista o Kinatawan

Chief Justice = Punong Mahistrado

Solicitor General = Tagausig Panlahat

Chairperson - Tagapangulo

Administrator = Tagapangasiwa

Chief Executive Officer (CEO) = Punong Opisyal

Lead Convenor = Panginahing Tagapagtipon

Presidential Spokesperson = Tagapagsalita ng Pangulo 

Presidential Adviser = Pampanguluhang Tagapayo

Chief Presidential Leagl Counsel = Punong Abogadong Pampanguluhan

Director-General = Direktor-Heneral

Executive Director = Direktor Tagapagpaganap

Head = Puno

Governor = Gobernador o Puno ng lalawigan

Vice-Governor = Bise-Gobernador o Pangalawang-Puno ng lalawigan

Board Member = Bokal

Mayor = Meyor o Punong-bayan o Punong-lungsod

Vice-Mayor - Bise-Meyor o Pangalawang-Punong bayan o punong-lungsod

Councilor = Konsehal

Barangay Captain = Kapitan ng Barangay

Secretary = Kalihim

Treasurer = Ingat-yaman

Auditor =  Tagasuri

Adviser = Tagapayo

Barangay Police - Barangay Tanod

Sunday, July 2, 2017

Fruits of the Philippines

To all foreigners who want to know the different fruits of the Philippines in the Filipino language, here they are:

Mango = mangga (mang-ga)

Banana = saging (sa-ging)

Black palm = duhat (du-hat)

Monkeypod = kamatsile (ka-ma-tsi-le)

Spanish plum = sinigwelas (si-nig-we-las)

Cashew = kasoy (ka-soy)

Chinese-laurel, Herbert River-cherry, Queensland-cherry, salamander-tree, wild-cherry, currant tree = bignay (big-nay)

Star apple = kaimito /kaymito (ka-i-mi-to) (kay-mi-to)

Star fruit = balimbing (ba-lim-bing)

Sugar-apple, Sweetsop, Custard apple = anonas (a-no-nas)

Sugar-apple, sweetsop, custard apple = atis (a-tis)

Muntingia = aratiles (a-ra-ti-les)

Gooseberry = garamay/karamay (ga-ra-may/ ka-ra-may)

Sapodilla = chico/tsiko (chi-ko/tsi-ko)

Wax apple, Java apple, water apple = makopa (ma-ko-pa)

Guava = bayabas (ba-ya-bas)

Soursop = guyabano (gu-ya-ba-no)

Lanzones = lansones (lan-so-nes)










Saturday, July 1, 2017

Parts of the Face

For foreigners who wish to learn the Filipino language, this is for you.
We begin with the different parts of the head (Iba't ibang bahagi ng ulo).


hair = buhok  (bu-hok)

temple = sentido (sen-ti-do)

ear = tainga; tenga (ta-i-nga) (te-nga)

earlobe = kapingulan  (ka-pi-ngu-lan)

cheek = pisngi (pis-ngi)

mouth = bibig; bunganga (bi-big) (bu-nga-nga)

lip = labi (la-bi)

forehead = noo (no-o)

eyebrow = kilay (ki-lay)

eyelash = pilikmata (pi-lik-ma-ta)

eye = mata; paningin (ma-ta) (pa-ni-ngin)

nose = ilong (i-long)

nostril = butas ng ilong (bu-tas ; ng; i-long)

jaw = panga (pa-nga)

chin = baba (ba-ba)

Ano ang Kuwentong Bayan?

Ang kuwentong bayan o folklore/folktale sa Ingles ay sinaunang kuwentong isinasalaysay ng mga matatanda sa mga kabataan bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Ito ay kalimitang salaysay na sumasalamin sa katangian ng isang mamamayan. Natutungkol din ito sa mga hari, prinsipe, prinsesa, diwata at mga kakatwang mamamayan sa isang lugar o kaharian.

Ilan sa halimbawa ng Kuwentong Bayan ay ang mga sumusunod:

1. Ang Diwata ng Karagatan
2. Si Mariang Kalabasa