Alamin at unawain ang ilang malalalim ng salitang Filipinong nasa ibaba:
1. Brokil – (pangngalan) = Bukayo, minatamis na laman ng
buko o niyog.
Halimbawa:
Walang nalutong ulam ang Nanay kaya brokil ang inulam ng pamilya.
2. Galapok – (pangngalan) = pulbos na lupang higit na
pino kaysa gabok.
Halimbawa:
Huwag masyadong lakasan ang pagwawalis at
baka mapuwing ng galapok.
3. Halimunmon – (pangngalan) = bango, halimuyak
Halimbawa:
Nakatitiwasay ng kalooban ang halimunmon ng dama de noche.
4. Kalukabkab – (pangngalan)
= bitak o bakbak sa pader.
Halimbawa:
Pinamugaran ng putakte ang kalukabkab.
5. Sagilot – (pangngalan) = buhol na madaling kalasin.
Halimbawa:
Madaling nakakawala ang kanyang hinuling
manok dahil sagilot lamang ang
nagawa niyang pantali.
6 Sumbo – (pangngalan) = liwanag ng kandila o lampara.
Halimbawa:
Dahil walang linya ng kuryente sa kanilang
nayon, gumagawa ng takdang-aralin si Maria sa pamamagitan ng sumbo tuwing gabi.
7. Tungaw – (pangngalan) = garapatang maliit at pula o maliit na kuto.
Halimbawa:
Namaga ang kagat ng tungaw sa kanyang braso.
8. Bantulot = (pang-uri) = urong-sulong
Halimbawa:
Bantulot
si Mario kung itutuloy ang panliligaw kay
Urbana.
9. Anagon – (pangngalan) = mais na mura
Halimbawa:
Naggulay ng anagon si Aling Flora dahil paborito ito ng kanyang mga anak.
10. Damurak – (pang-uri) = nakalilito; nakagugulo.
Halimbawa:
Masyadong damurak ang kanyang isinulat kung kaya’t marami ang nag-aalinlangan
sa kanyang katapatan.
3 comments:
Magandang gabi!
Ano po ba ang tama?
1.libu-libong mga estudyante
o
2. libu-libong estudyante.
Salamat!
salamat dito. ito yung hinahanap ko mga salitang di pangkaraniwan pero maiimagine mo ang ibig sabihin pag ginamit sa pangungusap. salamt
It changed into very beneficial for me. Keep sharing such ideas inside the destiny as well. This was absolutely what I was searching out, and I am glad to came right here! Thanks for sharing the such statistics with us.
Post a Comment