Mga Uri ng Tula Ayon sa Pamamaraan
A. Masagisag – gumagamit ang makata ang mga simbolo o pahiwatig sa pagpapakahulugan ng kanyang akda.
Halimbawa ng Tulang Masagisag
ni Ildefonso Santos
Langit ang bubungan at lupa ang sahig.
Dagat at batisan ang siyang salamin.
Tala at bituin ang hiyas na sangkap.
Isdang lumalangoy, ibong kumakanta…
Aywan ba kung sino ang dito’y nagpukol.
Ng parol na buwang pananglaw kung gabi?
Kaybango ng hangin na Kanyang hininga!
Sa bahay na itong ang ngala’y Daigdig!
B. Imahistiko – ipinahahayag ng makata ang kanyang kaisipan at damdamin sa paggamit ng mga imahen at larawang-diwa.
Halimbawa ng Tulang Imahistiko
C. Makatotohanan – tinutukoy ng makata ang kalagayan ng tunay na buhay sa daigdig o ng nakikita ng ating dalawang mata.
Halimbawa ng Tulang Makatotohanan
Isang papel itong ginawa ng lolo
may pula, may asul, may buntot sa dulo;
sa tuwing darating ang masayang Pasko
ang parol na ito’y makikita ninyo.
Sa aming bintana doon nakasabit
kung hipan ng hangi’y tatagi-tagilid,
at parang tao ring bago na ang bihis
at sinasalubong ang Paskong malamig.
Kung kami’y tutungo doon sa simbahan
ang parol ang aming siyang tagatanglaw,
at kung gabi namang malabo ang buwan
sa tapat ng parol doon ang laruan.
Kung aking hudyatin tanang kalaguyo,
mga kapwa bata ng pahat kong kuro,
ang aming hudyatan ay mapaghuhulo:
“Sa tapat ng lolo tayo maglalaro.”
Kaya nang mamatay ang lolo kong yaon,
sa bawat paghihip ng amihang simoy,
iyang nakasabit na naiwang parol
nariyan ang diwa noong aming ingkong.
Nasa kanyang kulay ang magandang nasa,
nasa kanyang ilaw ang dakilang diwa,
parang sinasabi ng isang matanda:
“Kung wala man ako’y tanglawan ang bata.”
D. Makabaghan / Surealistiko – ang makata’y gumagamit ng mga pangitain at galaw ng isang isipang nahihibang at wala sa wastong kamalayan.
Halimbawa ng Tulang Makabaghan/Surealistiko
Nadantayan ng kung anong patak ng dagta o katas ang lamang sinuyod
Nagitla sa bulong ng himlayan
Sa teorya ng pagsisisi anong bisa ng luha sa sinansalang udyok at himok
"sapagkat kami'y tao lamang"
Walang sala ang hangaring hinugot sa matris ng nagkatawang-lupa
Sumingit ang kirot sa pagitan ng dalawang guhit na nagsalikop
Nakiramay sa paghasik ng asin sa sariwang sugat
Dumaluhong magkalingkis di sapol ang praktika sa pagkamulat ng birhen
Salain man ang libog may pagsisisi pa rin
Matutuklasan sa gilid ng hukay ang bakas ng dagta sa himlayang sinuyod
Nakabulagta
Pakiramdaman ang wikang kay hapdi ng walang salang salarin