Ang mga sumusunod ay mga uri ng tula ayon sa kaanyuan:
A. Tulang pasalaysay o buhay – Ito ay naglalahad ng isang kasaysayan o mga tagpo o pangyayari. Magkakaugnay ang mga pangyayaring mababasa sa mga taludtod nito.
Nahahati ang mga tulang pasalaysay sa mga sumusunod:
1. Epiko – Ito ay tulang salaysay tungkol sa kagitingan ng isang tao, mga tagumpay niya sa digmaan o pakikipagtunggali sa mga kaaway. Maraming tagpo ritong hindi kapani-paniwala sapagkat may taglay na kababalaghan o salamangka at milagrong napapaloob. Mauuri ang epiko bilang sinauna o pambayani, makabago o pampanitikan at pakutya.
Nasa ibaba ang listahan ng halimbawa ng epiko sa Pilipinas:
b. Hudhud (Epiko ng Ifugao)
c. Ibalon (Epiko ng Bicol)
d. Kudaman (Epiko ng Palawan)
e. Manimimbin (Epiko ng Palawan)
f. Ullalim (Epiko ng Kalinga)
g. Hinilawod (Epiko ng Panay)
h. Humadapnon (Epiko ng Panay)
i. Labaw Donggon (Epiko ng Bisayas)
j. Maragtas (Epiko ng Bisayas)
k. Bantugan (Epiko ng Mindanao)
l. Darangan (Epiko ng Maranao)
m. Indarapatra at Sulayman (Epiko ng Maguindanao)
n. Agyu (Epiko ng Mindanao)
o. Bidasari (Epiko ng Mindanao)
p. Olaging (Epiko ng Bukidnon)
q. Sandayo (Epiko ng Zamboanga)
r. Tudbulul (Epiko ng Mindanao)
s. Tuwaang (Epiko ng Mindanao)
t. Ulahingan (Epiko ng Mindanao)
u. Ulod (Epiko ng Mindanao)
2. Awit (song) at korido – Ito ay mga tulang pamana sa atin ng mga Kastila. Ang mga paksa nito ay hinango sa pangyayari na tungkol sa pagkamaginoo (chivalry) o pakikipagsapalaran. Ang mga tauhan ay mga dugong bughaw gaya ng hari’t reyna, prinsipe’t prinsesa.
Awit = May labing dalawa (12)na pantig sa bawat taludtod. Tulang pasalaysay na kung saan makatotohanan ang mga tauhan at maaring maganap sa tunay na buhay ang kanilang pakikipagsapalaran. Inaawit ang himig na mabagal o adante.
Korido = May walong (8) pantig sa bawat taludtod. Tulang pasalaysay na may kasamang kababalaghan; ang mga tauhan ay nagsasagawa ng mga bagay na di maaring magawa sa tunay na buhay.
Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido:
Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:
1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit.
2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”, samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya “allegro”.
3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob dito.
Mga Halimbawa ng Korido:
Ibong Adarna, Don Juan Tiñoso, Don Juan Teñoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas
Mga Halimbawa ng Awit:
Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana
3. Balad o Balada– Ito ay tulang pasalaysay na karaniwang inaawit habang may nagsasayaw. Mayroon itong anim hanggang walong pantig. Naglalaman ito ng madamdaming pagsalaysay. Katang-tanging katangian ng mga sikat na tula at awit noon sa Pulong Briton ang balada simula noong huling bahaging Gitnang Panahon hanggang ika-19 na daantaon at labis na ginagamit sa buong Europa at lumaon ay ginamit din ng mga bansa sa Amerika, Australia at Hilagang Aprika.
Ang isang halimbawa nito ay balitaw. Ang balitaw ay debateng awit at sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang lalaki at babae. Ito ay isang pamimitagang sayaw na laganap sa maraming lugar sa Pilipinas, lalong-lalo na sa Tagalog at Visayas. Ang Balitaw ay galing sa salitang “balita” at “raw”. Balita na nangangahulagang “news” sa Ingles at raw o “it is said”, kaya ito’y “bulung-bulungan ng mga tao”.
Sa mga Visayan, ang mga mananayaw ay kumakanta, samantalang sa Tagaog ay hindi. Ang mga mananayaw ay hindi nagsasalita o walang boses na maririnig at sila’y gumagamit ng bulaklak na nagpapakita ng kanilang emosyon at damdamin. Ang babae ay nagbibigay ng bulaklak sa lalaki na nangangahulugan ng pagtanggap bilang kanyang mangingibig.
Ang katutubong sayaw na ito ay napaka popular sa mga kabataan ng Rehiyong Tagalog.
B. Tulang pandamdamin o liriko – Nagpapahayag ang mga tulang ito ng damdaming pansarili ng kumatha o ng kaya ay ng ibang tao. Maaari rin iton likha ng mapangarapin imahinasyon ng makata batay sa isang karanasan. Karaniwan itong maikli at madaling maunawaan.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga uri ng tulang pandamdamin/liriko.
1. Awit o Awiting Bayan – Ito ay madamdamin at ang karaniwang paksa nito ay tungkol sa pag-ibig, kawalang-pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. Ito ay isang tula na may tig-aapat na taludtod bawat saknong. Ang bawat taludtod naman ay binubuo ng labindalawang (12) pantig. Iisa rin ang tugma ng bawat taludtod. Katumbas nito sa kasalukuyan ang awit o mga kantang mayroong liriko.
Halimbawa ng Awit:
Sitsiritsit
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri'y parang tandang
Santo Niño sa Pandacan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam
Mama, mama, namamangka
Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.
Ale, ale, namamayong
Pasukubin yaring sanggol.
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.
2. Soneto – Ito ay tulang may 14 na taludtod. Naglalaman ito ng damdamin at kaisipan at may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao at naghahatid ng aral sa mambabasa sa kabuuan.
Halimbawa ng Soneto:
3. Oda – Nagpapahayag ito ng isang papuri, ng isang panaghoy o iba pang masiglang damdamin. Wala itong tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.
Halimbawa ng Oda:
ni José Corazón de Jesús
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.
Ibon mang may layang lumipad
kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya.
4. Elehiya – Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya ay tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
Halimbawa ng Elehiya:
ni Avon Adarna
Saan paroroon at saan hihimlay?
Ang kaluluwa bang maitim ang kulay
Sa dagat ng apoy ang hantong na tunay?
At ang kaluluwa ng buting nilalang,
Pinto ba ng langit ang bukas na daan?
Sino ang hahatol, magbibigay puwang?
AMA ba o ANAK ang dito'y hihirang?
Nagising akong puno ng pag-asa,
Dumilat ang tingin sa ganda ng umaga,
Napagwari ko ding kaygaan ng umpisa,
Igting ng paligid ang bumulaga
Ngunit ano itong nangyari sa amin?
Magulo ang tao, parang sa may piging,
Aba at nabigla, nagkaduling-duling,
Ako pala itong inyong ililibing!
5. Pastoral – Isang uri ng tulang liriko o ang pinakamatagal na uri ng pagsusulat ng tula. Ang salitang pastoral ay mula sa salitang Latin na “pastor.” Ang tulang pastoral ay hindi lamang tungkol sa buhay ng isang pastol at pagpapastol. Sa tulang ito binibigyang pansin ang pansariling damdamin ng manunulat. Ito ay madalas na tumatalakay ng mga pang araw-araw na pamumuhay ng isang tao tulad ng pangingisda, pagsasaka at iba pa. Maaring tumalakay din ito ng mga emosyon tulad ng pag-ibig at kalungkutan. Ito ay tulang pumapaksa at naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay, pag-ibig, at iba pa. Ang mga sopistikadong alagad ng sining ang sumusulat ng tulang pastoral na nagpapalagay at dinarama ang katauhan ng isang simpleng tao. Maaaring pagaralan ang tulang pastoral bilang:
a. isang alegorya na gumagamit ng simbolismo.
b. panitikang nagbibigay ng pagkakataon sa mga mambabasa na maranasan ang pagtakas sa magulong buhay at madama pansamantala ang malaya at walang kaguluhang buhay.
c. Paglagay ng komplikado sa simple
Mga Halimbawa ng Tulang Pastoral:
i. Bayani ng Bukid ni Alejandrino Q. Perez- tungkol sa pamumuhay ng isang magsasaka
ni Alejandrino Q. Perez
Tinig ng Ligaw na Gansa nagmula sa sinaunang Ehipto- tungkol sa pag-ibig
Ang Tinig ng Ligaw na Gansa
Salin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig,
hindi ako makaalpas.
Lambat ko ay aking itatabi,
subalit kay ina’y anong masasabi?
Sa araw-araw ako’y umuuwi,
karga ang aking mga huli.
Di ko inilagay ang bitag,
ii. Halika sa Bukirin ni Milagros Bagsit Macaraig
iii. Sa Bukid ni Meric Mara
Damang dama ang sariwang hangin
Aking pakiramdam ay nalupig
Sa ganda ng kalikasan ay napa-ibig
Kapaligira’y gipalpal ng kapayapaan
Kasama ng mga palay na nagsasayawan
Sa ilalalim na bughaw ng kalangitan
Kapaguran ay di na masilayan
Sa Bukid.
6. Dalit – Ito ay awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. Nagtataglay ito ng kaunting pilosopiya sa buhay. Tumutukoy ito sa isang uri ng tulang damdamin na nagpapakita ng luwalhati, kaligayahan, o pagpapasalamat. Karaniwang para ito sa mga diyos o pinaniniwalaang panginoon upang magpakita ng pagsamba. Karaniwan din itong isang saknong lamang na may apat na taludtod at may sukat nawawaluhin.
Mga halimbawa ng Dalit:
Walang tumbagang kahalo,
Makaitlo mang ibubo
Di gumitang nang pagpalò.
Ipinagtatanong ko nga,
Kung sino’ng kahalimbawa,
Nása kati nagiginâ.
C. Tulang Dula/Pandulaan o Tulang Pantanghalan– Naglalarawan ito ng madudulang pangyayari na halos katulad ng nagaganap sa tunay na buhay at ang layunin nito ay upang itanghal.
Mga Uri ng Tulang Dula
1. Komedya – ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang panonood sa pamamagitan ng mga ginagawa ng pangunahing tauhan. Ang wakas nito ay masaya. Ang kaguluhan sa bandang simula ay naaayos. Ang pagkakasundo-sundo ng mga tauhan ang nakapagpapasaya sa mga nanonood.
Isang halimbawa ng komedya na isinulat ni Juan Crisostomo Soto (o Crissot), na tinaguriang “Ama ng Panitikang Kapampangan” ay ang komedyang Kiki-Riki, isang komedyang nakasulat sa Kapampangan at may isang yugto.
2. Melodrama – ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musikal. Isang halimbawa nito ang Sarimanok na isinulat ni Steven Prince “Patrick” C. Fernandez.
3. Trahedya – nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot na wakas ng pangunahing tauhan. Ang mga halimbawa ng trahedya ay Ang Trahedya sa Balay ni Kadil na isinulat ni Don Pagusara; Hiblang Abo at Sigwa ni Rene O. Villanueva; Madawag na Lupa ni Pedro L. Ricarte; at Moses, Moses ni Rogelio R. Sikat.
4. Parsa – ang parsa (farce sa wikang Ingles) ay nakapagpapasiya sa mga nanonood dahil sa mga dugtong-dugtong na mga pangyayaring nakatatawa. Ito ay gumagamit ng eksahiradong pantomina, pagbobo (clowning), mga nakatatawa, nakatutuwa, komikong pagsasalita na karaniwang isinasagawa sa mabilisan at di-akmang layunin at di-pagkakaunawaan.
Isang halimbawa ng parsa sa Filipino ay ang La India Elegante Y El Negrito Amante ni Francisco "Balagtas" Baltazar.
5. Saynete – ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o kaugalian ng isang lahi o katutubo, hinggil sa kanyang pamumuhay, pangingibig, at pakikipagkapwa. Tulad ng parsa, ito ay may layunin ding magpatawa.
Isang halimbawa ng saynete sa Filipino ay ang La India Elegante Y El Negrito Amante ni Francisco "Balagtas" Baltazar.
Narito ang istorya ng saynete, na ibinatay ni Baltazar sa tunay na mga pangyayari sa kanyang pamamahay...
Nagwawalis si Uban, isang kaminero, sa plasa ng komedyante bagama't wala daw namang napapanood doon"kundi mga giri at salta/kunday, at tadyak ng paa/pampalubid ng bituka." Darating si Tomeng, ang itang kasamahan ni Uban, na nakasuot Kastila. Nililigawan ni Tomeng si Menangge, isang Tagalang "mababa ang lipad", ngunit ayaw siyang pansinin nito dahil sa itsura niyang Ita. Kaya naman parang sampayang nagbihis si Tomeng ng damit Intsik, damit mestisong Tagalog, damit Morong Balangingi, ngunit di pa rin siya sinagot. Sa damit niyang kastilang yaon, tiyak na niyang siya'y mapapansin. Darating naman si Menangge, ngunit minata pa rin nito si Tomeng na sa ganang kanya'y "taga-bundok" na hindi nababagay sa tulad niyang "taga-bayan".
Nagtalo ang dalawa hinggil sa pagsinta. Pinulaan ni Tomeng ang pagsinta ng mga tagabayan na pinaghalu-halong "sumpa, daya at biro", at sinabing higit na mabuti ang pag-ibig niyang taga-bundok, na tumitingin "hindi sa balat kundi sa laman." Sa wakas, tinanggap na rin ni Menangge ang pag-ibig na alay ng Ita.
D. Tulang sagutan / patnigan – Ito ay mga tulang pampagtatalo at pangangatwiran. Ang mga halimbawa nito ay duplo, karagatan, balagtasan at batutian.