Wednesday, May 16, 2012

Malalalim na Salitang Filipino - 1

Nasa ibaba ang ilan sa mga malalalim na salitang Filipino:

1. aab - hugpong o paghuhugpong ng dalawang putol o piraso ng kahoy sa pamamagitan ng mitsa at butas na kahugis ng buntot ng kalapati

2. abalabal - maliliit na piraso ng dala-dalahan: abubot, kargada
Hindi siya magkandadala dahil sa samut-saring abalabal.

3.abuab - kamandag o lason na ipinapahid sa talim ng palaso; yungib sa ilalim ng tubigan, lawa, o dagat

4. agiw - maruming sapot ng gagamba (cobweb)


Darating ang mga kaanak ng Nanay kaya siya nag-alis ng mga agiw sa kisame.
5. akukabkab - tinalupan
6. alalaong baga - sa ibang salita; samakatwid
7. alapot - limahid; damit na marumi at sira
May sakit daw sa pag-iisip ang nakita niyang babae sa kalsada na nakasuot ng alapot.

8. alibadbad - pagsusuka dulot ng pagkain, masamang pakiramdam o allergy; liyo; lula
9. alimuom - singaw na galing sa lupa pagkatapos ng ulan o ambon
Para huwag sumakit ang tiyan, uminom ng tubig kapag may alimuom.

10. alimusom - halimuyak; samyo
 Mabango ang alimusom ng cadena de amor kagabi.

(Hango sa UP Diksyonaryong Filipino)