Mga Halimbawa:
1. balat-sibuyas - maramdamin, madaling masaktan
Huwag kayong magbiro kay Rowena dahil siya ay balat-sibuyas.
2. ahas, ulupong - taksil, traidor
Kahit anong ingat mo, hindi talaga maiiwasang mag-alaga ng isang ahas (ulupong).
3. bantay-salakay - traidor, mabait lamang sa harapan
Hindi niya akalaing ang pamangking kanyang inalagaan ay isang bantay-salakay.
4. kabiyak ng dibdib - asawa, maybahay
Si Edna ang kabiyak ng dibdib ni Elmo.
5. ngising-aso - nakakaloko, hindi sinserong pagkatuwa
Napansin kong nakangising-aso si Luis nang ipakilala siya sa may-ari ng bahay.
6. naglulubid ng buhangin - nagsisinungaling
Mag-ingat ka at sanay na maglubid ng buhangin ang iyong katrabaho.
7. balimbing - hindi tapat, walang isang paninindigan, maraming mukha
Huwag mo siyang pagkatiwalaang mabuti dahil nababalitang isa siyang balimbing.
8. di-mahulugang karayom - masyadong maraming tao
Pumunta pa rin si Tatay sa pagdiriwang ng EDSA 2 kahit alam niyang di-mahulugang karayom ang lugar na pagdarausan nito.
9.sanga-sanga ang dila - sinungaling
Huwag mo siyang masyadong intindihin dahil sanga-sanga ang kanyang dila.
10. ningas-cogon - panandalian
Tinanggal siya sa trabaho dahil ningas-cogon lamang ang ipinakita niyang kasipagan.
Para sa karagdagan pang halimbawa, bisitahin ang mga webpurok na ito:
1. http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Tagalog_Default_files/tagalog_idioms.htm
2. http://coconuter.blogspot.com/2007/11/mga-sawikain-o-idioma.html