Friday, March 11, 2011

SAWIKAIN - IDYOMA - IDIOMS

Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang nagsasaad ng hindi tuwirang paglalarawan sa isang bagay, pangyayari, kaganapan o sitwasyon o sa pormang patalinhaga.

Mga Halimbawa:

1. balat-sibuyas - maramdamin, madaling masaktan
Huwag kayong magbiro kay Rowena dahil siya ay balat-sibuyas.

2. ahas, ulupong - taksil, traidor
Kahit anong ingat mo, hindi talaga maiiwasang mag-alaga ng isang ahas (ulupong).

3. bantay-salakay - traidor, mabait lamang sa harapan
Hindi niya akalaing ang pamangking kanyang inalagaan ay isang bantay-salakay.

4. kabiyak ng dibdib - asawa, maybahay
Si Edna ang kabiyak ng dibdib ni Elmo.

5. ngising-aso  -  nakakaloko, hindi sinserong pagkatuwa
Napansin kong nakangising-aso si Luis nang ipakilala siya sa may-ari ng bahay.

6. naglulubid ng buhangin - nagsisinungaling
Mag-ingat ka at sanay na maglubid ng buhangin ang iyong katrabaho.

7. balimbing - hindi tapat, walang isang paninindigan, maraming mukha
Huwag mo siyang pagkatiwalaang mabuti dahil nababalitang isa siyang balimbing.

8. di-mahulugang karayom - masyadong maraming tao
Pumunta pa rin si Tatay sa pagdiriwang ng EDSA 2 kahit alam niyang di-mahulugang karayom ang lugar na pagdarausan nito.

9.sanga-sanga ang dila - sinungaling
Huwag mo siyang masyadong intindihin dahil sanga-sanga ang kanyang dila.

10. ningas-cogon - panandalian
Tinanggal siya sa trabaho dahil ningas-cogon lamang ang ipinakita niyang kasipagan.


Para sa karagdagan pang halimbawa, bisitahin ang mga webpurok na ito:
1. http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/Tagalog_Default_files/tagalog_idioms.htm
2. http://coconuter.blogspot.com/2007/11/mga-sawikain-o-idioma.html

4 comments:

HAHAHA XD 7-YELLOW said...

MAHAL KO ANG KULTURANG FILIPINO KAHIT ANONG SABIHIN NILA. AT IPAG MAMALAKI KO NA AKO AY PILIPINO KAHIT GALIT ANG AKING KAPWA PILIPINO SA SUBJECT NA FILIPINO MAHAL KO PARIN ANG FILIPINO

Unknown said...

There are more Examples of Sawikain in: http://aboutfilipino.com/example-of-sawikain

Anonymous said...

http://takingwork.com/?work=34040

Unknown said...

Ano ang sawikain sa nagsasabi ng totoo sa salawikain?