Monday, January 27, 2025

Tuntunin sa Pag-uulo ng Balita (Guides on Headline Writing)

 Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga tuntunin ukol sa pagsulat ng ulo ng balita o headline:


(Image from https://www.magzter.com)

1. Gumamit ng kuwit sa halip na pangatnig (conjunction) at pantukoy (article/determiner).

    Halimbawa:

    MALI:    Santos at Dela Cruz ang tinanghal na kampeon

    TAMA:    Santos, Dela Cruz, tinanghal na kampeon

2. Ang salita sa dulo ng linya ay hindi dapat putulin.

    Halimbawa:    

    MALI:    Medical mission, gagana-

                      pin sa DMIMES

    TAMA:    Medical mission, gaganapin

                     sa DMIMES


3.  Ang pang-abay na pananggi (negation adverb ) ay hindi dapat gamitin.

    Halimbawa:

    MALI:    Seminar sa Pananalapi, hindi natuloy

    TAMA:    Seminar sa Pananalapi, ipinagpaliban


4. Daglatin lamang ang mga salitang kilala at nakaugaliang daglatin.

    Halimbawa:

    MALI:    University of the Philippines Maroons, kampeon sa University Athletic Association of the Philippines

    TAMA:    UP Maroons, kampeon sa UAAP


5. Huwag gumamit ng paulit-ulit na salita.

    Halimbawa:

    MALI:    Impeachment ni VP Duterte, tatalakayin sa Kongreso

                    at tatalakayin din sa Senado

    TAMA:    Impeachment ni VP Duterte, tatalakayin sa Kongreso, Senado


6. Maaaring gumamit ng pang-uring pamilang kung mahalaga.

    Halimbawa:

    MALI:    Maraming mag-aaral, naaksidente sa sasakyan

    TAMA:    25 mag-aaral, naaksidente sa sasakyan


7.  Gumamit lamang ng pangalan kung kilala o tanyag.

    Halimbawa:

    MALI:    Dela Cruz, nabaril

    TAMA:    Isang mambabatas, nabaril


8. Gumamit ng pandiwang lantad.

    Halimbawa:

    MALI:    BBM, maaaring dumalo sa APEC

    TAMA:    BBM, dadalo sa APEC


9.  Iwasang maglagay ng pantukoy, pang-angkop at pang-ukol sa dulo ng linya.

    Halimbawa:

    MALI:    Barangay Payapa, nagwagi sa

                        taunang timpalak ng

                        street dancing

    TAMA:    Barangay Payapa, nagwagi

                        sa taunang timpalak

                        ng street dancing


10. Iwasang gumamit ng salita na may dalawang kahulugan.

    Halimbawa:

    MALI:    Dahil sa bato, magkapatid, nag-amok

    TAMA:    Dahil sa droga, magkapatid, nag-amok

    



Thursday, May 23, 2024

Ano ang Ulo ng Balita o Headline?

 Ang ulo ng balita o headline ay ang pamagat ng balitang nangunguna ng araw na iyon. Karaniwan itong matatagpuan sa itaas ng balita at nasusulat sa malalaking titik kaysa sa teksto ng artikulo o katawan nito. Ito ay matatagpuan sa pinakaharap ng pahayagan. Sa mga tabloid, kadalasang iba ang kulay ng mga titik ng pinakaulo ng balita kaysa sa iba pang pamagat ng ibang balita. 

(Image from https://www.magzter.com/PH/Manila-Bulletin-Publishing-Company/Balita/Newspaper/424915)

Mga Uri ng Ulo ng Balita Ayon sa Istilo

1. Malaking Titik (All Caps) - Ang pamagat ng headline ay nakasulat sa malalaking titik. Ito ay ginagamit lamang kung sadyang napakaimportante ng balita/

Halimbawa:

BARANGAY LOOB, LUBOG SA BAHA

2. Malaki - Maliit na Titik (Caps and Lower Case or CLC) - Ito ay madalas na ginagamit sa mga pamahayagang pangmababang paaralan dahil ito ay kaakit-akit.

Halimbawa:

Mag-aaral ng DMIMES, Nanguna sa Math Olympiad

3. Pababang Istilo (Down Style) - Karaniwan itong ginagamit sa pamahayagang pangmataas na paaralan at kolehiyo.

Halimbawa:

Sarmiento, nagkamit ng medalyang ginto

Wastong Gamit ng Pigilin at Pigilan

 Madalas ay nagpakakasalit-salit natin ang paggamit ng salitang "pigilan" at "pigilin". Normal lang ito dahil napakalapit ng ibig sabihin ng dalawang salitang ito.

(Ang larawan ay hango sa https://twitter.com/KuyaKalyesergio)

PIGILAN  = ipatigil o hadlangan ang anumang kilos, gawain, o pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay ng balakid o pagbibigay ng utos.

Mga Halimbawa:

1. Pigilan mo ang mga mag-aaral sa kanilang gagawing pag-aalsa.

2. Kahit ano ang iyong gawin, hindi mo mapipigilan ang kanyang nabuong desisyon.

3. Huwag mong tangkaing pigilan ang kanyang gagawing pag-alis at baka may mangyaring masama sa iyo.

4. Si Pedro ay pinigilan  na pumasok sa tarangkahan ng kanilang kapitbahay.

5. Pipigilan ko sana siya sa kanyang pagtalon sa burol nguni't ako ay kanyang hinawi.


PIGILIN = hadlangan o kontrolin ang anumang aksyon, kilos, o damdamin, at iwasan ang pagganap ng isang bagay gamit ang puwersa o awtoridad upang hindi ito magpatuloy o lumala.

Mga Halimbawa:

1. Pinigil nila ang sayawan.

2.  Pigilin mo ang iyong damdamin sa kanya dahil kayo ay magkadugo.

3. Ang welga ay hindi natuloy dahil pinigil ito ng mga pulis.

4. Ang kanyang pag-inom ng alak ay kanyang pipigilin alang-alang sa mga anak.



Tuesday, May 21, 2024

Ano ang Pangulong-tudling o Editoryal?

    Ang editoryal o pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng kuru-kuro ng isang pahayagan. Kumakatawan ito hindi ng isang opinyon o kuro-kuro ng isang manunulat lamang kundi pinagsama-samang  paninindigan ng patnugutan ng pahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon. Kadalasan ang pangulong-tudling ay makikita sa likod ng unang pahina o front page ng isang pahayagan. Pagkaminsan, inilalarawan ng isang cartoon ang paksa ng isang editoryal. Ang pangulong-tudling ay isang mapanuring paglalarawan ng napapanahong isyu o kalagayan ng lipunan subali't hindi tuwirang naninira o tumutuligsa sa isang personalidad. Hindi nawawala ang editoryal sa isang pahayagan.

    Nasa ibaba ang halimbawa ng isang pangulong-tudling o editoryal mula sa SINAG, opisyal na pahayagan ng Cesar E. Vergara Memorial High School ng Lagare, Lungsod ng Cabanatuan:


                                                            (Image from http://cevmhsdeped.weebly.com/editorial.html)








Thursday, October 12, 2023

Makabagong Panatang Makabayan (2023)

 


Panatang Makabayan 

(Revised 2023)

 

Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan;
naglilingkod, nag-aaral, at nananalangin
nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.

Sunday, June 5, 2022

Lagumang Pagsusulit sa Filipino 7 (Summative Test with Answer Key)

1. BERBANYA - ang tawag sa kaharian na tahanan ng mga pangunahing tauhan.

2. PIEDRAS PLATAS - ang puno kung saan matatagpuan ang Ibong Adarna. 

Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania

3. TABOR - bundok kung saan matatagpuan ang mahiwagang ibon.

4. Natagpuan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan noong tumakas ito sa BUNDOK ARMENYA.

5. DONYA MARIA - anak ni Haring Salermo at ang nakaisang-dibdib ni Don Juan.

6. HIGANTE - may bihag kay Donya Juana sa palasyo nito sa ilalim ng balon.

7. SERPYENTE - may bihag kay Donya Leonora sa palasyo nito sa ilalim ng balon.

8. ERMITANYO - ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang ibon.

9. Mga ginamit ni Don Juan upang mahuli ang ibon: DAYAP, KUTSILYO, GINTONG LUBID.

10. HARING SALERMO - ang hari ng Reyno de los Cristales.

11. Ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng Ibong Adarna ay NAGIGING BATO.

12. Ang ibinigay ng hari kay Don Juan bago ito ay maglakbay ay isang BENDISYON.

13. Ang ibinigay ni Don Juan sa matandang nakasalubong niya ay isang TINAPAY.

14. Ang ipinahiwatig ng mga prinsipe noong humarap sila sa panganib para sa ama:

    WAGAS NG PAGMAMAHAL NILA SA KANILANG MAGULANG

15. Ang mensaheng taglay noong tumulong si Don Juan sa matanda:

    LIKAS SIYANG MAAWAIN AT MAPAGKAWANGGAWA

16. Nagkasakit si Haring Fernando dahil SIYA AY NANAGINIP.

17. BINUGBOG - ang ginawa nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan para makuha ang ibon.

18. APAT na buwan ang ginugol ni Don Juan sa kanyang paglalakbay.

19. Ang sinabi nina Don Pedro at Don Diego sa hari noong sila ay bumalik:

    HINDI NILA ALAM KUNG NASAAN SI DON JUAN

20. Humihingi si Don Juan ng tulong kapag siya ay nasa pagsubok SA MAHAL NA BIRHEN.

21. Pagkatapos gamutin ng matanda si Don Juan, PINABALIK NIYA ITO SA BERBANYA.

22. Ang inabutan ni Don Juan nang makabalik siya sa Berbanya:

    MAYSAKIT PA RIN ANG HARI AT AYAW UMAWIT NG IBON

23. IBONG ADARNA - ang nagsalaysay ng tunay na nangyari sa Bundok ng Tabor.

24. Pimatunayan ni Don Juan ang pagmamahal sa mga kapatid niya nang HINILING NIYA NA PATAWARIN NG HARI ANG MGA KAPATID.

25. Hinatulan ng hari sina Don Pedro at Don Diego DAHIL SA LAHAT NG NABANGGIT (dahil inangkin ng mga ito ang ibon, pinagtulungan nila si Don Juan,sinabi nila na hindi nila alam kung nasaan si Don Juan.)

26. ANG KANYANG MGA KAPATID - ang ipinalagay ni Don Juan na kaawa-awa kung di sila mapapatawad.

    Suriin ang katangian ng mga tauhan sa mga sumusunod na pahayag.

27. "Sa aki'y ipahintulot ng mahal mong pagkukupkop, na bayaan mong matpos ang panata ko sa Panginoon." (Donya Leonora)

    MAKA-DIYOS

28. "Kaya Haring mapagmahal, di man dapat sa kalakhan, kung ito po'y kasalanan patawad mo'y aking hintay." (Donya Leonora)

    MAPAGKUMBABA

29. "O Panginoong Haring Mataas, Panginoon naming lahat, sa alipin mo'y mahabag na, ituro yaong landas.: (Don Juan)

    MADASALIN

30. "O kasi ng aking buhay, lunas nitong dusa't lumbay, ano't di ka dumaratal? Ikaw kaya'y napasaan?" (Donya Leonora)

    NANGUNGULILA

31. "Huwag Leonorang giliw, ang singsing mo'y dapat kunin, dito ako'y hintayin, ako'y agad babalik din." (Don Juan)

    GAGAWIN LAHAT PARA SA MINAMAHAL

32. "Mga mata'y pinapungay, si Leonora'y dinaingan, Prinsesa kong minamahal, aanhin mo si Don Juan?" (Don Pedro)

    MAPANG-ALIPUSTA

33. "Kapwa kami mayro'ng dangal prinsipe ng aming bayan, pagkat ako ang panganay sa akin ang kaharian." (Don Pedro)

    MAYABANG

34. "Pairugin si Leonorang magpatuloy ng panata, Pedro'y pasasaan bagang di matupad iyang pita?" (Haring Fernando)

    KONSITIDOR NA  AMA

    Tukuyin ang mga isyung may kaugnayan sa mga pahayag sa akda.

35. "Iya'y munting bagay lamang, huwag magulumihanan kaydali tang malusutan." (Donya Maria kay Don Juan)

    ANG MGA BABAE AY MAY TAGLAY DING NATATANGING KAKAYAHAN TULAD NG MGA LALAKI




    



    

Thursday, January 20, 2022

Uncommon Fruits of the Philippines / Mga Di-Pangkaraniwang Prutas ng Pilipinas

 Narito ang ilan sa mga di-pangkaraniwang prutas o bungang-kahoy ng Pilipinas:

1. Mabolo (Velvet Apple) 

(Image from https://articleline.wordpress.com)

2. Garamay (Gooseberry)

(Image from https://www.marketmanila.com)

3. Tiesa 

(Image from https://businessdiary.com.ph)

4.  Aratiles

(Image from https://tastylandscape.com)

5. Kamatsile


6. Mangosteen 


7. Marang


Mga Tuntunin sa Ortograpiyang Pambansa: Palitang E/I at O/U: Kailan Di Nagpapalit?

Palitang E/I at O/U

Kailan Di Nagpapalit?

1 - Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag sinundan ng pang-ugnay na (-ng).

Mga Halimbawa

    a. babaeng masipag        hindi babaing masipag

    b. birong masakit             hindi birung masakit


2 - Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag inuulit ang salitang-ugat.

Mga Halimbawa

    a. babáeng-babáe at hindi “babaing-babae”

    b. birò-birò                 at hindi “biru-biro”

    c. anó-anó                 at hindi “anu-ano”

    d. alón-alón                 at hindi “alun-alon”

    e. taón-taón                 at hindi “taun-taon”

    f. píso-píso                 at hindi “pisu-piso”

    g. pitó-pitó                 at hindi “pitu-pito”

    h. pátong-pátong         at hindi “patung-patong”


3 - Huwag baguhin ang dobleng “O”

    Mga Halimbawa

    a. nood panoorin

    b. poot     kapootan

    c. doon paroonan

    d. boto     botohan

    e. goto         gotohan

    f.abono abonohan

    g. loko     lokohin


4 - Huwag baguhin ang UO

    Mga Halimbawa

    a. buo         kabuoan

    b. suot         kasuotan

    c. salimuot kasalimuotan


5 - Mag-ingat dahil may magkaibang kahulugan

    Mga Halimbawa

    a. sálo-sálo—magkakasáma at magkakasabay na kumain 

    b. salusálo—isang piging o handaan para sa maraming tao

    c. bató-bató—paglalarawan sa daan na maraming bato 

    d. batubató—ibon, isang uri ng ilahas na kalapati

    e. halo-halo—pinagsama-sama

    f. haluhalo—pagkaing may yelo at iba pang sangkap




Tuesday, January 4, 2022

Mga Tuntunin sa Ortograpiyang Pambansa: Kambal-Patinig

 Kambal-Patinig

        Sa pangkalahatan, nawawala ang unang patinig sa mga kambal-patinig na I+(A, E, O) at U+(A, E, I) kapag siningitan ng Y at W sa pagsulat.

Mga Halimbawa

    a. benepicio     ==>    benepisyo
    b. indibidual    ==>    indibidwal
    c. teniente        ==>    tenyente
    d.aguador        ==>    agwador
 
Unang Kataliwasan

        Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa katinig sa unang pantig ng salita.

Mga Halimbawa

a. tia ==>     tIYA
b. piano ==>     pIYAno
c. pieza ==>     pIYEsa
d. fuerza ==>     pUWErsa
e. viuda ==>     bIYUda
f. cuento ==>     kUWEnto


Ikalawang Kataliwasan

        Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa dalawa o mahigit pang kumpol-katinig (consonant cluster) sa loob ng salita dahil lumuluwag ang pagbigkas at dumadali ang pagpapantig..
 
Mga Halimbawa

a. ostIYA (hostia)
b. leksIYOn (leccion)
c. biskUWIt (biscuit)
d. impIYErno (infierno)
e. eleksIYOn (eleccion);
f. engkUWEntro (encuentro)
 

Ikatlong Kataliwasan

        Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa tunog na H.

Mga Halimbawa

a. mahIYA (magia)
b. estratehIYA (estrategia),
c. kolehIYO (colegio)
d. rehIYOn (region).


Ikaapat na Kataliwasan

    Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay nása dulo ng salita at may diin ang bigkas sa unang patinig ang orihinal.

Mga Halimbawa
 
a. economía (e-co-no-mi-a)    ==>    ekonomIYA
b. geografía (geo-gra-fi-a)      ==>    heograpIYA
c. filosofía (fi-lo-so-fi-a)        ==>    pilosopIYA
 

Malakas na patinig

        Hindi nagdudulot ng kalituhan ang mga kambal-patinig na may malakas na unang patinig (A,E, O)
 
Mga Halimbawa

a. idea                ==>    hindi ideya
b. leon                ==>    hindi leyon
c. teorya             ==>    hindi teyorya
d. ideolohiya      ==>    hindi ideyolohiya
e. kampeon        ==>    hindi kampiyon





Thursday, December 16, 2021

ALS A&E REVIEWER: LS 1 - FILIPINO

 ALS A&E Reviewer

LS 1 – Communication Skills:  FILIPINO  (Wastong Gamit)


Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at i-shade ito sa iyong answer sheet. Kung sa palagay mo ay walang tamang sagot, i-shade ang E.


1. Tuwing tag-ulan ________ ng palay ang Tatay.
A. tanim
B. nagtanim
C. nagtatanim
D. magtatanim


2. Palagiang maghugas ng kamay upang makaiwas sa sakit dulot ng mikrobyo.

Alin ang pangatnig sa pangungusap?

A. Palagiang
B. maghugas
C. upang
D. dulot


3. Si Abegail ay may dalawang aso at tatlong pusa. Lahat sila ay inahin subalit baog ang isa. Ang pangalan niya ay Beybz.

Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo?

A. Lima ang bilang ng mga alaga ni Abegail.
B. Isa sa mga alaga ni Abegail ay lalaki.
C. Mas maraming pusa si Abegail kaysa aso.
D. Lahat ng alaga ni Abegail ay babae. 


4. Di mahapayang gatang si Aling Marites kaya kakaunti lang ang kanyang mga tapat na kaibigan.

Ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit ay:

A. Hindi nagpapatalo
B. Ususera
C. Tsismosa
D. Masungit


5. Sa kambal, si Charlie ang __________.

A. may tangkad
B. matangkad
C. mas matangkad
D. pinakamatangkad


6. _________ pista lang ng baryo umuuwi ang Kuya Nilo.

A. Kapag
B. Kung
C. Habang
D. Gayunman


7.  Aling pangungusap ang may tamang bantas at/o baybay?

A. Paborito ni Lukas ang atis, mangga at tsiko.
B. Naku, po!
C. Dumede na ba ang Baby?
D. Dalhin mo ito bukas: ruler, lapis, at papel.


8. Malulusog ang tanim na palay ni Mang Pedro kaya pinangutang na niya ito. Kinabukasan, nasira ng bagyo ang mga pananim.

Anong salawikain ang nababagay sa pahayag?

A. Daig ng maagap ang masipag.
B. Huwag magbilang ng sisiw hanggang di pa napipisa ang mga itlog.
C. Kung may tiyaga, may nilaga.
D. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.


9. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang walang maling baybay?

A. Nakahuli si Jaime ng maraming apahap at dalagambukid. 
B. Masarap kumain ng halo-halo ngayong tag-araw.
C. Maganda ang kanyang imahe sa publiko.
D. Matibay ang inpraistrakturang ipinatayo ni Meyor Toto.


10. Pupunta raw ______ si Presidente Duterte upang pasinayaan ang bubuksang pampublikong pagamutan.

A. rito
B. dito
C. rin
D. din


11. Kagigising lamang ni Rosita ______ dumating ang kanyang mister.

A. ng
B. nang
C. kung
D. samantalang


12. Si Debbie at ako ay magtutungo sa batis. _______ ay maliligo roon.

A. Sila
B. Tayo
C. Kami
D. Ikaw


13. Nais pumasok ng paaralan si Tim subali’t siya ay nilalagnat.

Anong uri ng pangungusap ito?

A. payak
B. tambalan
C. hugnayan
D. tambalan-hugnayan


14. Pumanaog ka at _________ mo ang bakuran.

A. walisan
B. walisin
C. winalis
D. nawalis


15. Kahit sa siyudad lumaki, __________ ng adobong palaka si Rollie sa tuwing nauuwi ng probinsya.

A. nakain
B. kumakain
C. kinain
D. kakain


16. Malasutla ang kutis ng bagong hirang na Binibining Bacolod.
Anong bahagi ng pangungusap ang malasutla?

A. pangngalan
B. pang-abay
C. pang-angkop
D. pang-uri


17. Kinaon ng kuya ang nanay sa daungan.

Anong salita ang maaaring ipalit sa “kinaon”?

A. Sinundo
B. Inihatid
C. Sinamahan
D. Kinanlungan


18. ___________ mo ng mantekilya ang mga tinapay na ihahandog sa mga bisita.

A. Pahirin
B. Pahiran
C. Ipahid
D. Mapahid


19. Matapos makapagsaing, nanaog si Adelfa upang sunduin ang anak na si Biboy sa paaralan.

Alin ang simuno sa pangungusap?

A. makapagsaing
B. Adelfa
C. anak
D. Biboy


20. Ang katumbas ng “di maliparang uwak” ay ______.

A. malapad
B. malaki
C. malawak
D. mahaba

--o0o--
MGA SAGOT:

Monday, December 13, 2021

Mga Sangkap ng Tula

 Karaniwan nang may 8 sangkap ang Tulang Pilipino

Francisco "Balagtas" Baltazar 

1. Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may 2 o higit pang taludtod.

2. Sukat - bilang ng pantig sa isang linya o taludtod.

3. Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.

        Dalawang Uri ng Tugma

        a. Hindi buong rima (Assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog kung saan                 ang salita ay nagtatapos sa patinig (vowel)

        b. Kaanyuan (Consonance) - paraan ng pagtutugma kung saan ang salita ay                     nagtatapos sa katinig (consonant)

4. Sining o Karikyan - paggamit ng piling angkop at maririkit na salitang nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa.

5. Talinhaga - tumutukoy sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay

6. Anyo - porma ng tula

7. Tono/Indayog - diwa ng tula

8. Persona - tumutukoy sa ngasasalita sa tula; una, ikalawa, o ikatlong katauhan

Mga Tuntunin sa Ortograpiyang Pambansa: Pagrereispel

May mga tuntuning sinusunod sa pagrereispel ng wikang banyaga - Ingles man,  Español, o iba pa - sa Filipino.

(Image from https://www.wonderopolis.org)

1. Huwag magreispel kapag:

    a. Kakatwa o kakatawa ang anyo
    b. Higit na mahirap basahin kaysa orihinal
    c. Nasisira ang kabuluhang kultural
    d. Higit nang popular ang anyo sa orihinal

    Mga Halimbawa

        carbon dioxide vs karbon day-oksayd
        baguette                 vs baget
        feng shui                 vs fung soy
        habeas corpus vs habyas korpus
        bouquet                 vs bukey
        pizza                 vs pitsa
        wifi                         vs wayfay

    Makabubuting isulat na lamang ang ispeling nito sa wikang banyaga kaysa isulat sa Filipino.

2. Sa panghihiram ng salita, Español muna bago Ingles

    Higit na umaalinsunod ang wikang Español sa bigkas at baybay na Filipino kaysa Ingles.

    Mga Halimbawa

    bagahe    (bagaje)               vs        bageyds    (baggage)
    birtud      (virtud)               vs       virtyu        (virtue)
    isla          (isla)                    vs        ayland       (island)
    imahen    (imagen)             vs        imeyd        (image)                             
    sopistikado (sofisticado)    vs       sofistikeyted (sophisticated)

3. Mag-ingat sa mga salitang hindi Español at hindi rin Ingles at hindi matukoy ang pinagmulan

    Mga Halimbawa

    aspekto                    at hindi aspeto
    imahen                    at hindi imahe
    kontemporaneo      at hindi kontemporaryo
    endoso                     at hindi endorse

4. Pasók ang SK at ST kapag nasa dulo ng salita

    Mga Halimbawa

    desk             disk
    test             kóntest
    pest             post
    cost                 kiosk

5. Kapag ang SK o ST ay nasa unahan o gitna ng salita, madalas itong nahahati.

    Mga Halimbawa

    schedule    ==>    is-ked-yul (iskedyul)
    scholar      ==>    is-ko-lar (iskolar)
    style       ==>    is-tayl (istayl)
    stop           ==>    is-tap (istap)

6. Walâng KT

    Mga Halimbawa

    Ã¡bstrak (abstract)
    Ã¡dik         (addict)
    konék         (connect)
    korék         (correct )
    sabjek         (subject)

Mga Halimbawa ng Ispeling sa Filipino ng mga salitang dayuhan:

chart         tsart
taxi                 taksi
stand by         istámbay
schedule         iskédyul
police         pulís
boxing         bóksing
recess         risés
grocery         gróserí
underpass ánderpás
highway         háywey
traffic         trápik
graduate         grádweyt
corny         kórni
armalite         Ã¡rmaláyt


--o0o--

Sanggunian: 
Komisyon Sa Wikang Filipino (KWF)

Wednesday, December 1, 2021

Gamit ng Walong Bagong Titik sa Abakadang Filipino

 Gamit ng Walong Bagong Titik

         Ang dating 20 titik ng Abakada ay nadagdagan ng walo pang titik: C, F, J, Ñ,


 Q, V, X, at Z. Apat sa mga titik na ito (C,Ñ,Q,X) ay mula sa wika ng ibang bansa

 samantalang apat naman (F,J,V,Z) ang sa mga wika sa Filipinas.


Vakul


Paano gagamitin ang mga ito sa Filipino?

    Mga Gamit ng walong bagong titik sa pagbabaybay:

        A. Para sa mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa katutubong wika ng Filipinas.

    Mga Halimbawa

    1. feyu (Kalinga) – pipa na yari sa bukawa o sa tambo 
    2. jambangan (Tausug) – halaman
    3. zigattu (Ibanag) – silangan
    4. falendag (Teduray) – plawtang pambibig
    5. vakúl (Ivatan) - pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bílang pananggalang sa ulan at init ng araw
    6. kuvát (Ibaloy) - digma
    7. vuyú (Ibanag) - bulalakaw
    8. zinága (Ibanag) - dinuguan
    9. zinanága (Ibanag) - pamana
    10. majáw (Butuan) - maganda
    11. marajáw (Surigao) - maganda
    12. féffed (Gadang, Yogad) - pamaypay
    13. futú (Ibanag Yogad) - pusò
    14. futág (Yog) - pusod
    15. fungán (Yogad) - unan
    16. fúfulaót (Ayg) - butiki
    17. folóy (Ayg) - kubo
    18. fánga (Ayg) - palayok
    19. fungál (Gad) - punò
    20. fúllit (Gad) - gupit
    21. fuút (Gad) - tanong
    22. fúwab (Gad) - hapon
    23. bádju (Itw) – bagyo
    24. ju (Itw) – dito
    25. pádjanán (Itw) – tiráhan
    26. jásjas (Iby, ÃŽ-wak) – hinga
    27. jábjab (Iby, ÃŽ-wak) – pamaypay
    28. jófan (Gad) – hipan
    29. fidjáw (Gad) – sipol
    30. badjáw (Itw) – bagyo
    31. pádjanán (Itw) – tirahan
    32. jan (Itw) – saan
    33. zipíng (Iba) – kambal
    34. zitá (Iba) – timog
    35. kazzíng (Iba) – kambing
    36. zizzíng (Iba) – dindging na yari sa kawayan
    37. zinágan (Iba) – dinuguan
    38. ziwanán (Iba) – kanan
    39. zigû (Iba) – ligo

    B. Para sa mga bagong hiram na salita na babaybayin sa Filipino

    Mga Halimbawa

    1. selfi
    2. projektor

    C. Para sa mga bagong hiram na salita na hindi binabago ang baybay

    Mga Halimbawa

    1. visa
    2. zigzag
    3. level
    4. fern
    5. jam

    D. Para sa mga pangngalang pantangi

    Mga Halimbawa

    1. John  McDonald
    2. Nueva Vizcaya
    3. Mexico
    4. Nueva Ecija

    E. Para sa mga katawagang siyentipiko at teknikal

    Mga Halimbawa

    1. chlorophyll  
    2. zeitgeist
    3. quorum 
    4. Albizia falcataria

    F. Para sa mga mahirap dagliang ireispel

    Mga Halimbawa

    a. bouquet
    b. jaywalking
    c. quiz
    d. pizza


Sanggunian: 

MGA TUNTUNIN NG ORTOGRAPIYANG PAMBANSA
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)