Ang ulo ng balita o headline ay ang pamagat ng balitang nangunguna ng araw na iyon. Karaniwan itong matatagpuan sa itaas ng balita at nasusulat sa malalaking titik kaysa sa teksto ng artikulo o katawan nito. Ito ay matatagpuan sa pinakaharap ng pahayagan. Sa mga tabloid, kadalasang iba ang kulay ng mga titik ng pinakaulo ng balita kaysa sa iba pang pamagat ng ibang balita.
(Image from https://www.magzter.com/PH/Manila-Bulletin-Publishing-Company/Balita/Newspaper/424915)
Mga Uri ng Ulo ng Balita Ayon sa Istilo
1. Malaking Titik (All Caps) - Ang pamagat ng headline ay nakasulat sa malalaking titik. Ito ay ginagamit lamang kung sadyang nakaimportante ng balita/
Halimbawa:
BARANGAY LOOB, LUBOG SA BAHA
2. Malaki - Maliit na Titik (Caps and Lower Case or CLC) - Ito ay madalas na ginagamit sa mga pamahayagang pangmababang paaralan dahil ito ay kaakit-akit.
Halimbawa:
Mag-aaral ng DMIMES, Nanguna sa Math Olympiad
3. Pababang Istilo (Down Style) - Karaniwan itong ginagamit sa pamahayagang pangmataas na paaralan at kolehiyo.
Halimbawa:
Sarmiento, nagkamit ng medalyang ginto
No comments:
Post a Comment