Monday, March 22, 2021

Wastong Pagbaybay na Pasulat

May pangkalahatang tuntunin sa pagbaybay na pasulat. Ito ay ang: 

"Kung ano ang bigkas, siya ang sulat"

Mga Halimbawa:

Binibigkas na...                       Isinusuulat na...

alimuom                                alimuom

paaralan                                paaralan

bakasyon                                bakasyon

bangko                                    bangko

sastre                                        sastre

        Ang tuntunin sa itaas ay HINDI sa lahat ng pagkakataon dahil may mga salita tayong binibigkas na hindi pareho ang baybay nito kapag isinulat. Ang karamihan sa mga salitang ito ay ang pagbigkas ng mga patinig na e,i,o, at u. Kadalasan ay palitan ang mga ito sa pagbigkas at pagsulat.

Mga Halimbawa:

Binibigkas na...                       Isinusuulat na...

lalake                                          lalaki

baket                                            bakit

duon                                             doon

kumpanya                                    kompanya

kirut                                            kirot

        Anong mga salita pa ang iyong naisip na iba ang bigkas sa pagkakasulat? Ilista sa lomento.




Saturday, March 13, 2021

Gabay sa Paggawa ng Book Review

         Isang proyekto sa Kasanayang Pangkomunikasyon sa Filipino ang paggawa ng isang book review o pagsusuri sa isang aklat na binasa bilang pagpapatunay o ipakita ang kompetensya o araling natutunan. Iba ang  porma ng book review sa isang book report o ulat-aklat/aklat-ulat kahit na may mga nilalaman ito na magkapareho.

(Image from https://www.goodreads.com)

    Tulad ng lahat ng mga likhang sining, walang dalawang pagsusuri sa libro ang magkatulad. Ngunit huwag matakot: mayroong ilang mga alituntunin para sa sinumang naghahangad na magsuri ng libro na kailangang sundin. Karamihan sa mga pagsusuri sa libro, halimbawa, ay mas mababa sa 1,500 salita ang haba, na ang katamihan ay nasa  paligid ng 1,000 salita. (Gayunpaman, maaaring mag-iba ito depende sa plataporma kung saan ka sumusulat o hinihingi ng patnugot o ng taong  humihingi ng pagsusuri.)

        Sa pangkalahatan, ang  mga pagsusuri sa libro ay naglalaman ng ilang mga unibersal na elemento. Kabilang dito ang:

        a) Isang maikling buod ng libro (brief summary)

        b) Isang pagsusuri ng akda (analysis/review of work)

        c) Isang rekomendasyon para sa madla (public recommendation)

        Ang may-akda na si Luisa Plaja ay nagbigay ng kanyang nangungunang mga tip para sa kung paano sumulat ng isang mahusay na pagsusuri ng pinakabagong libro na iyong nabasa - kung gusto mo ito o hindi.

        1) Magsimula sa isang talata na naglalarawan kung ano ang tungkol sa libro

            Tandaan lamang na hindi nagbibigay ng anumang mga spoiler o nagsisiwalat ng mga twists o paglalantad ng mga pasikot-sikot o kapanapanabik na pangyayari. Bilang isang pangkalahatang panuntunan, subukang iwasan ang pagsusulat nang detalyado tungkol sa anumang bagay na nangyayari mula sa gitna ng libro pasulong. Kung ang libro ay bahagi ng isang serye, maaaring maging kapaki-pakinabang na banggitin ito, at kung sa palagay mo ay kakailanganin mong basahin ang iba pang mga libro sa serye upang masiyahan ka sa librong iyong sinusuri. 

        2. Talakayin kung ano ang partikular na nagustuhan mo tungkol sa libro

        Ituon ang iyong saloobin at damdamin tungkol sa kwento at kung paano ito nasabi. Maaari mong subukang sagutin ang  mga sumusunod na katanungan:

        a) Sino ang iyong paboritong tauhan, at bakit?    

        b) Naramdaman bang tunay o totoo ang mga tauhan?

        c) Ang kwento ba ay nagpapanatili sa iyo upang manghula?

        d) Ano ang iyong paboritong bahagi ng libro, at bakit?

         e) Naisulat bang maganda ang ilang eksena - halimbawa, ng mga malulungkot na eksena, kapanapanabik, o kahiwagaan ...?

        f) Napatawa ka ba o napaiyak ng libro?

        g) Naakit ka ba nang husto sa  kwento at nainganyong basahin ang bawa't pahina?

        3. Banggitin ang anumang nagustuhan mo tungkol sa libro

        Pag-usapan kung bakit sa palagay mo hindi ka ginanahan para basahin ito. Halimbawa:

        a) Ninais mo ba na ang pagtatapos o ending  ay hindi naging  isang cliffhanger o bitin dahil  nagdulot ito sa iyo ng pagkabigo at pagkaunsyami?

        b) Nahirapan ka bang magmalasakit o makisimpatiya sa isang pangunahing tauhan, at maaari mo bang ipahayag ito kung bakit?

        c) Nakatuon ba ito sa isang nakatatakot na kwento na gustong-gusto mo, o sa isang tema na hindi ka interesado?

        4. Ibuod ang iyong pagsusuri

        Ibuod ang ilan sa iyong mga saloobin sa libro sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng uri ng mambabasa na inirerekumenda mo ang aklat. Halimbawa: mga mas batang mambabasa, mas matandang mambabasa, mga tagahanga ng drama / mga kwentong misteryo / komedya. Mayroon bang mga libro o serye na maihahambing mo ito?

        5. Maaari mong bigyan ang libro ng isang rating, halimbawa ng isang marka mula sa  lima o sampu, kung nais mo!

References/Pinagbasehan:

1. https://reedsy.com/discovery/blog/book-review-examples

2. https://www.booktrust.org.uk/books-and-reading/tips-and-advice/writing-tips/writing-tips-for-teens/how-to-write-a-book-review/


Thursday, March 11, 2021

Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Pambansa - Pantig at Palapantigan

Mga Tuntunin sa Pantig at Palapantigan

Ang pantig o syllable sa wikang Ingles ay isang yunit ng tunog na binubuo ng isang pantig (vowel) o kambal-patinig at isa o mahigit pang katinig (consonant).


Ang pagpapantig (syllabication) ay isang paraan ng paghati sa isang salita alinsunod sa mga pantig na ipinambuo rito.

Mga Kayarian ng Pantig at Mga Halimbawa

1. Patinig = P 

    Mga Halimbawa:

      aa ; oo

2. Katinig-Patinig = KP 

    Mga Halimbawa:

     kubo; pako; yaya

3. Patinig-Katinig = PK  

    Mga Halimbawa:

    okok; ikik

4. Katinig-Patinig-Katinig = KPK

    Mga Halimbawa:

    pitpit; bakbak; nognog; pakpak

5. Katinig-Katinig-Patining = KKP

    Mga Halimbawa:

    plapla; chacha

6. Patinig-Katinig-Katinig = PKK

    Mga Halimbawa:

    arm; urn; act; ohm; arc; ugh

7. Katinig-Patinig-Katinig-Katinig = KPKK

    Mga Halimbawa:

    germ; dorm; horn; firm

8. Katinig-Katinig-Patinig-Katinig = KKPK

    Mga Halimbawa:

    flan; tram; drum; pram; trak

9. Katinig-Katinig-Patinig-Katinig-Katinig = KKPKK

    Mga Halimbawa:

    tsart; frank; trunk; brush

Mga Tuntunin sa Pagpapantig ng mga Salita

1. Kapag may magkasunod na katinig (consonant)  sa loob ng isang salita, ang una ay isinasama sa sinundang patinig (vowel) at ang ikalawa ay isinasama sa kasunod na pantig.

Mga Halimbawa:

pansit = pansit
tambol = tambol
espesyal = espesyal
pulbos = pulbos
dakma = dakma

Gayunman,  karaniwan, kung hiram mula sa EspaƱol ang mga digrapo (digraph = a combination of two letters representing one sound) gaya ng BR, TR, KR, etc. magkasama ito sa isang pantig at hindi pinaghihiwalay.

Mga Halimbawa:

okra = okra
sobre = sobre
libro = libro
litro = litro
kulebra = kulebra
letse = letse
libre = libre
pitso = pitso

2. Kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay sumasama sa sinundang patinig at ang ikatlo ay napupunta sa kasunod
na pantig.

Mga Halimbawa:

inspirasyon = inspirasyon
eksperto = eksperto
engkanto = engkanto
transfer = transfer

Subali't, Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay sinusundan ng alinman sa BL, BR, DR, PL, at TR, ang unang katinig ay isinasama sa unang patinig at ang sumunod na dalawang katinig ay napupunta sa kasunod na pantig.

Mga Halimbawa:

timbre = timbre
templo = templo
sentro = sentro
alambre = alambre
ultra = ultra
alpombra =alpombra

3. Pantig na Inuulit

        Kapag nagsisimula ang salita sa kambal-katinig o kumpol-katinig (consonant cluster), ang katinig at patinig lamang ang inuulit.

Mga Halimbawa:

plano ==> magpaplano
trabaho ==> magtatrabaho
close ==> ipakoclose
traydor ==> magtatraydor
plantsa ==> magpaplantsa
klase ==> nagkaklase

Source: Komisyon sa Wikang Filipino (SWF)


    






Wednesday, March 10, 2021

Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Pambansa - Mga Grafema

         Ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ay bumalangkas ng Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Pambansa upang maging gabay ng mga guro, mag-aaral, dalubhasa sa wika at mga mananaliksik. 

Ano ang ortograpiya?

        Ayon sa Wikipedia, ang ortograpiya ay isang hanay ng mga kombensyon para sa pagsulat ng isang wika. Kasama rito ang mga pamantayan ng pagbaybay, hyphenation o paggamit ng gitling, pag-capitalize o pagsulat sa malaking titik, mga word break o paghihiwalay o pagpapantig ng mga salita, diin, at bantas.

Nasa ibaba ang ilan sa mga tuntuning ortograpiya ng wikang Filipino:

Mga Grafema (Grapheme)

        Ang grafema ang pinakamaliit na yunit o bahagi ng sistema sa pagsulat. Sa ortograpiyang Filipino, ito ay binubuo ng:

1. Titik o Letra

        a. May dalawampu't walong (28) titik o letra ang wikang Filipino o Alpabetong/Abakadan Pilipino. Dalawampu (20) sa mga ito ay katutubong titik:

        An       Bb       Kk       Dd       Ee  

        Gg       Hh       Ii         Ll         Mm 

        Nn       Ngng   Oo       Pp        Rr 

        Ss        Tt        Uu       Ww       Yy

        b. Walo (8) naman ang hiram o banyagang titik. Ito ay ang mga sumusunod:

        Cc       Ff        Jj       Ć‘Ʊ

        Qq       Vv      Xx      Zz

        c. Ang mga titik ay binabasa o binibigkas sa tunog Ingles, maliban sa Ć‘Ʊ (enye) na mula sa wikang Espanyol.

(Sinipi mula sa https://samutsamot.com)

2. Di-titik

        Ito ay binubuo ng tuldik (accent) at bantas (punctuation mark).

        a. Tuldik o Asento - gabay  sa paraan ng pagbigkas ng mga salita.

        b. Bantas - kumakatawan sa mga patlang at himig ng pagsasalita sa pagitan ng mga titik at pantig (syllable).

======

Pinagmulan/Source: Komisyon ng Wikang Filipino

https://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/Ortograpiyang_Pambansa_2.pdf

Monday, March 8, 2021

WASTONG GAMIT: Habang at Samantalang

Kung pakikinggan. tila pareho lamang ang nais ipahiwatig ng salitang "habang" at "samantalang." Ang mga ito ay nagpapahayag ng oras o panahon. Gayunman, ang dalawang salita ay may wastong gamit sa Balarilang Pilipino. Ang habang ay katumas ng "while" sa Ingles.

A. HABANG

    Ang  habang ay isang kalagayang nagpapahiwatig ng walang tiyak na katapusan o hangganan o masyado itong "mahaba".

Mga Halimbawa:

1. Hindi nawawalan ng pag-asa si Nanay Damiana habang nabubuhay.

2. Patuloy lang sa simpleng mamumuhay si Urbana habang hinihintay ang kanyang prince charming.

3. Habang patuloy ka sa pagkukunsinte, hindi matututo ang iyong anak.

4. Pansamantalang mamaluktot habang maiksi pa ang kumot.

5. Mag-ipon habang bata pa.


B. SAMANTALANG

    Ang samantalang ay isang kalagayan na nagpapahiwatig ng maikling panahon, may taning o "pansamantala" lamang. Ang kasingkahulugan nito sa wikang Ingles ay "meanwhile".

Mga Halimbawa:

1. Samantalang hindi pa dumarating ang Tatay galing sa bukid, magluluto muna ako ng hapunan.

2. Namasukan munang tindera si Aleli samantalang hinihintay ang resulta ng kanyang board exam.

3. Sumilong muna tayo samantalang malakas pa rin ang buhos ng ulan.

4. Nagprito ng itlog si John Paul samantalang hinihintay na mainin ang sinaing. 

5. Nagsusulat sa pisara ang guro,  samantalang nagbabasa ng aklat ang mga mag-aaral.

Gamit din ang samantalang upang ipakilala ang pagtatambis ng dalawang kalagayan. Ang pagtatambis (antithesis) ay pambanggit ng mga bagay na makakasalungat upang mapabisa ang pangingibabaw ng isang natatanging kaisipan.

Mga Halimbawa:

1. Bakit ko sasagutin si Mario samantalang si Ligaya pa rin ang laman ng kanyang isip?

2. Mahirap tayong magkaisa samantalang kanya-kanyang ideya pa rin ang nais nating sundin.

3. Ipinapayo ni Monica na magbati kami ni Rosa samantalang siya man ay galit sa dalaga. 



Friday, March 5, 2021

Wastong Gamit: IMIK at KIBO

Ang IMIK ay tumutukoy sa pagsalita.  Sa wikang English, ito ay kahulugan ng “to break the silence, to talk, to answer, to reply.”

Halimbawa

1. Hindi agad nakaimik si Daniel nang tanungin ni Delia kung saan siya natulog kagabi.

2. Umimik ka naman upang hindi mapanis ang iyong laway.

3. “Hindi po ako ang kumuha ng pambura ni Leila,” imik ni Ronald.

4. Huwag kang iimik kung hindi ka tinatanong.

5. Imik nang imik si Janray habang nagsasalita ang guro kaya siya ay binigyan ng takdang-aralin.

Ang KIBO ay tumutukoy sa pagkilos. Sa wikang English ito ay kahulugan ng “move, motion, movement.”

Halimbawa:

1. Parang tuod kung matulog si Madonna. Wala siyang kakibu-kibo.

2. Ang bilin ng Nanay ay huwag kibuin ang ulam ng Tatay sa mesa.

3. Tila kumibo ang ugat sa aking ulo nang marinig ko ang ibinalita ni Marina.

4. Bahagyang kumibo ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

5. Mamahalin ang pigurin sa estante kaya huwag ninyong kibuin.





Wastong Gamit: Kung at Kapag

KAPAG ang ginagamit kung  TIYAK ang kalagayan ng isang pahayag. Ito ay katumbas ng WHEN sa English bilang pang-abay (adverb)  at pangatnig (conjunction).

 Halimbawa: 

1. Si Marilou ay umuuwi ng probinsya kapag araw ng Pista ng Sto. Rosario ng kanilang bayan.

2. Laging magsuot ng seat belt kapag ikaw ang nakatokang magmaneho ng kotse.

3. Kapag araw ng Linggo nagsisimba si Abigail.

4. Tawagan mo ako kapag ikaw ay dumating na sa inyong bahay.

5. Sa tuwina ay nakatatanggap ng regalo si Timtam galing sa kanyang ninong kapag siya ay nagdaraos ng kanyang kaarawan.

KUNG naman ang gamit kung DI-TIYAK ang kalagayan ng isang pahayag. Ito ay katumbas ng IF sa English bilang pangatnig (conjunction).

Halimbawa:

1. Hindi matutuloy ang ating excursion kung uulan bukas.

2. Si Gng. Ramos ay alinlangan kung sa Martes o Biyernes ang dating ng kanyang anak.

3. Kung ikaw ay magagawi sa palengke ay ibili mo ako ng isang kilong galunggong.

4. Kung itutuloy niya ang demanda o hindi ay hindi pa napagdedesisyonan ni Maricar.

5. Sumige ka kung sa palagay mo ay tumpak ang iyong gagawin.





Wednesday, March 3, 2021

PAYAK, TAMBALAN, AT HUGNAYANG PANGUNGUSAP

Payak, Tambalan, at Hugnayang Pangungusap at Mga Halimbawa Nito

Tulad ng simuno at panaguri, may tatlong uri ng pangungusap. Ito ay maaaring payak, tambalan, o hugnayan.

I. Payak na Pangungusap (Simple Sentence)        

            Ang payak na pangungusap ay binubuo lamang na isang sugnay na makapag-iisa. Ang sugnay na makapag-iisa (independent clause) ay grupo ng mga salitang nagtutulung-tulong at naglalaman ng simuno (subject) at panaguri (predicate). Maaari itong makatayong mag-isa o kaya’y maintindihan nang walang kakailanganing tulong.

Halimbawa:

A. Malaki ang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa.

            Sugnay na makapag-iisa: Malaki ang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng bansa.  (Sinasabi ang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya)

            Simuno: COVID-19

            Panaguri: Malaki ang pinsala sa ekonomiya ng bansa

B. Dadalo ka ba ng reunion?

            Sugnay na nakapag-iisa: Dadalo ka ba sa reunion? (Tinatanong kung dadalo o hindi sa reunion)

            Simuno: ka

            Panaguri: Dadalo ba sa reunion

II. Tambalang Pangungusap (Compound Sentence)

Ang tambalang pangungusap ay may dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa. Pinagdurugtong ang mga ito ng mga pangatnig (conjunction)  tulad ng: at , ngunit , datapwat, pero, subalit, kaya, o, ni. Mauunawaan natin ang mga sugnay kahit sila ay paghiwalayin pa dahil buo na ang kanilang diwa o isa ng ganap na pangungusap.

Halimbawa:

A. Nagtungo sa kusina si Marta at siya ay naghugas ng mga pinagkainan.

  Mga Sugnay na Makapag-iisa:

                        1. Nagtungo s a kusina si Marta

                        2. siya ay naghugas ng mga pinagkainan

            Pangatnig na Ginamit: at

B. Gustong pumasok sa trabaho ni Emily, subali’t siya ay nilalagnat.

            Mga Sugnay na Makapag-iisa:

                        1. Gustong pumasok sa trabaho ni Emily

                        2. siya ay nilalagnat

            Pangatnig na Ginamit: subali’t        

III. Hugnayang Pangungusap (Complex Sentence)     

Ang hugnayang pangungusap ay may isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di makapag-iisa. Ang sugnay na di makapag-iisa ay hindi maaaring tumayo nang mag-isa dahil hindi ito mauunawan o walang buong diwa. Kailangang may kakabit itong sugnay na makapag-iisa upang maintindihan. Ito ay kadalasang nagsisimula sa pangatnig na habang, upang, bago, kaysa, dahil, pagkatapos, kahit na, paano, kung, kaysa, na, hanggang, nang, kung saan,  kapag.

Halimbawa:

         A. Upang magtiwala ang mga mamamayan sa bisa ng bakuna laban sa COVID-19, kailangang manguna sa pagbabakuna ang mga lider ng bansa

            Sugnay na Makapag-iisa: kailangang manguna sa pagbabakuna ang mga lider ng bansa. (Mauunawaan kahit mag-isa dahil buo na ang diwa nito o ganap nang isang pangungusap.)

            Sugnay na Di Makapag-iisa: Upang magtiwala ang mga mamamayan sa bisa ng bakuna laban sa COVID-19 (Hindi lubos na mauunawaan kung tatayong mag-isa.

            B.  Pagkatapos ng junior high school, nag-aral sa TESDA si Nilo kaysa pumasok sa kolehiyo.

            Sugnay na Makapag-iisa: nag-aral sa TESDA si Nilo

            Sugnay na Di Makapag-iisa: (1) Pagkatapos ng junior high school; (2) kaysa pumasok sa kolehiyo.

Paano matutukoy kung ang isang pangungusap ay tambalan o hugnayan?

            Tandaan lamang na ang tambalang pangungusap ay may 2 buong diwa o dalawang pangungusap na kinabitan lamang ng isang pangatnig. Nauunawaan ang 2 sugnay kahit wala ang pangatnig. Ibig sabihin, ang bawa’t sugnay ay buo ang diwa at nauunawaan nang lubusan.  Sa hugnayang pangungusap, hindi kumpleto ang diwa o hindi lubos na mauunawan ang sugnay na nagsisimula sa pangatnig o iyong sugnay na di makapag-iisa.

Monday, March 1, 2021

WASTONG GAMIT ng TULDOK

Ang tuldok o period sa Ingles ay bantas na una nating natutunang gamitin noong tayo ay nag-aaral pa. Kumpara sa gilting (hypen), tutuldok (colon), at tuldok-kuwit (semi-colon), simple ang panuntunan sa paggamit ng tuldok.

A. Ang tuldok ay ginagamit sa hulihan ng isang pangungusap na pasalaysay (narrative sentence) o pangngusap na paturol (declarative sentence).

Halimbawa:

a. Si Nena ay nagtungo sa palengke upang bumili ng ihahanda sa kaarawan ng Nanay.

b. Ito ang bahay na ipinagawa ni Mang Ponso.

c. Huwag mo akong sasalingin dahil ayo ay pag-aari na ng iba.

B. Ang tuldok ay ginagamit sa hulihan ng mga salitang dinaglat.

Halimbawa:

a. Ginoo = G.

b. Kagalang-galang = Kgg.

c. Binibini = Bb.

Tandaan: Ang mga dinaglat na salita na naksulat sa malalaking titik ay hindi nilalagyan ng tuldok.

Halimbawa:

a. ATM

B. KKK

c. EDSA

C. Kapag ang isang kumpleto at nag-iisang pangungusap ay ganap na nakapaloob ng panaklong, ang tuldok ay pumapasok sa loob ng pagsasara ng panaklong (closing parenthesis).

Halimbawa:

a. Ilang beses ko na siyang tinawag. (Nanatili siyang walang imik.) Hindi ba niya ako naririnig o siya ay nagbibingi-bingihan lang?

b. Kinain ni Spot ang nahulog na sitsirya. (Hindi ako naging maagap upang siya ay sawayin.) Mabuti nga at hindi na ako magwawalis ng sahig.

D. Ngunit, kung ang panaklong ay nakapaloob ng isa pang pangungusap, ang tuldok ay dapat isulat sa labas.

Halimbawa:

a. Tahol nang tahol si Tagpi habang nagluluto ako ng ham (ang kanyang paborito).

b. Siya ang pinakamagandang kandidata (kuno) sa pagka-Binibining Palengke.

E. Kung ang huling salita sa pangungusap ay isang daglat na nagtatapos sa tuldok, huwag nang sundan ito ng isa pang tuldok.

Halimbawa:

a. Ito ang nabasa niyang nakasulat sa tarhetang ibinigay sa kanya ni Paulo - Paulo Santos, M.D.

b. Ang balikbayan box na kanyang natanggap ay naglalaman ng tsokolate, mga damit, de-lata, atbp.

F. Kung ang isang pangungusap na pasalaysay o paturol ay nakapaloob sa mga panipi (quotation marks), ang tuldok ay isinusulat bago ang huling panipi.

Halimbawa:

a. Sabi ni Mario, "Mayroon akong napanaginipan kagabi."

b. "Hindi ko nakita ang asuwang na sinasabi nila," panimula ni Rosa, "pero sana ay nakita ko nga para ako ay tuluyang maniwala."