Alamin at unawain ang ilang malalalim ng salitang Filipinong nasa ibaba:
1. Brokil – (pangngalan) = Bukayo, minatamis na laman ng
buko o niyog.
Halimbawa:
Walang nalutong ulam ang Nanay kaya brokil ang inulam ng pamilya.
2. Galapok – (pangngalan) = pulbos na lupang higit na
pino kaysa gabok.
Halimbawa:
Huwag masyadong lakasan ang pagwawalis at
baka mapuwing ng galapok.
3. Halimunmon – (pangngalan) = bango, halimuyak
Halimbawa:
Nakatitiwasay ng kalooban ang halimunmon ng dama de noche.
4. Kalukabkab – (pangngalan)
= bitak o bakbak sa pader.
Halimbawa:
Pinamugaran ng putakte ang kalukabkab.
5. Sagilot – (pangngalan) = buhol na madaling kalasin.
Halimbawa:
Madaling nakakawala ang kanyang hinuling
manok dahil sagilot lamang ang
nagawa niyang pantali.
6 Sumbo – (pangngalan) = liwanag ng kandila o lampara.
Halimbawa:
Dahil walang linya ng kuryente sa kanilang
nayon, gumagawa ng takdang-aralin si Maria sa pamamagitan ng sumbo tuwing gabi.
7. Tungaw – (pangngalan) = garapatang maliit at pula o maliit na kuto.
Halimbawa:
Namaga ang kagat ng tungaw sa kanyang braso.
8. Bantulot = (pang-uri) = urong-sulong
Halimbawa:
Bantulot
si Mario kung itutuloy ang panliligaw kay
Urbana.
9. Anagon – (pangngalan) = mais na mura
Halimbawa:
Naggulay ng anagon si Aling Flora dahil paborito ito ng kanyang mga anak.
10. Damurak – (pang-uri) = nakalilito; nakagugulo.
Halimbawa:
Masyadong damurak ang kanyang isinulat kung kaya’t marami ang nag-aalinlangan
sa kanyang katapatan.