Wednesday, November 14, 2018

CHED Memo 20, s. 2013: Kinatigan ng Supreme Court

Kinatigan ng Korte Suprema ang Memorandum No. 20, series of 2018 CHED (Commission on Higher Education) kung saan inaalis nito ang asignaturang Filipino at Filipino Literature bilang kasama sa CORE subjects ng General Education. Dahil dito ang General Education units na 36 ay magiging 24 na lamang.

Nabulabog ang mga makabayan, Filipino Language Advocay group, mga guro sa Filipino at Panitikang Filipino, ilang estudyante at mamamayan dahil dinisesyunan ng Pinakamataas na Hukuman na hindi lumabag ang CHED sa pagpapalabas ng Memo.

Lalo pang nanggalaiti sa galit ang grupo nang magdesisyon naman ang DepEd (Department of Education) na isama sa elective subjects sa Junior highschool ang pagtuturo ng Koreano. Ipinalalagay nila na pag-alipusta ito sa ating wikang Pambansa.

Wala akong nakikitang dahilan upang salunggatin ang Korte Suprema, CHED at DepEd para sa naging desisyon ng mga ito. Unang-una, hindi naman talaga mawawala ang pagututuro ng Filipino sa elementarya at high school. Mula kinder hanggang Grade 10, ay kabilang ang Filipino sa mga signaturang itinuturo. Hindi kawalan ang 6 units na Filipino sa kolehiyo.

Narito ang ilang bahagi ng CHED Memo 20, s. 2018 para maunawaan ang nilalaman ng memorandum na ito:


Wednesday, October 24, 2018

Some English to Filipino Translation

English - Filipino Translation
1. Mathematics- Sipnayan
2. Arithmetic - Bilnuran
3. Science - Agham
4. Biology - Haynayan
5. Chemistry - Kapnayan
6. Thermodynamics - Initsigan
7. Statistics - Palautatan
8. Calendar - Talaarawan
9. Dictionary - Talahulugan, Talailigan, Talatinigan
10. Airplane - Salipawpaw
11. Infinity - Awanggan, Habambuhay
12. E-mail - Sulatroniko
13. Hyperlink - Kawingan
14. Browser - Panghinain
15. Charger - Pantablay
16. Website - Pook-sapot
17. Telephone - Hatinig
18. Window - Durungawan
19. Switch - Gaptol
20. Germs - Kagaw
21. Toothbrush - Pangaso
22. Pupil (Part of the eyes) - Balintataw
23. Washroom - Palikuran, Batalan
24. Compass - Paraluman
25. Amplifier - Panghibayo
26. Headset - Pang- ulong hatinig
27. Carpenter - Anluwage
28. Adam's apple - Lalagukan, tatagukan
29. Honeymoon - Pulot gata
30. Eclipse - Duyog

Wednesday, September 19, 2018

Hagdan at Hagdanan: Kung di at Kundi

WASTONG GAMIT

A. HAGDAN at HAGDANAN

Ang HAGDAN o stairs sa wikang Ingles ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. 
Ang HAGDANAN o  stairway sa wikang Ingles ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.

Mga Halimbawa

1. Magdahan-dahan ka sa pag-akyat sa HAGDAN.
2. Gawa sa narra ang kanilang HAGDAN.
3. Huwag kayong maglaro sa HAGDAN dahil ito ay madulas.
4. Naayon lamang na ilagay ang HAGDANAN katapat ng pintuan.

5. Maaari bang lagyan ng paikot na HAGDAN ang inyong ginawang HAGDANAN?



B. KUNG DI at KUNDI

            Nanggaling ang KUNG DI sa salitang “kung hindi” o if not sa Ingles; ang ibig sabihin naman ng KUNDI sa wikang Ingles ay except.

Mga Halimbawa

1. Pupunta sana ang nanay sa palengke KUNG DI umulan.
2. KUNG DI dumating si Alicia ay pupunta na sana kami sa bukid.
3. Aalis na sana si Pedro KUNG DI dumating ang kanyang barkada.
4. Hindi maaaring panoorin ang palabas na ito KUNDI yaong may idad 18 pataas lamang.
5. Walang maaaring pumasok sa sayawan KUNDI yaong may mga tiket lamang


Saturday, January 27, 2018

Mga malalalalim na salitang Filipino - 2

Alamin at unawain ang ilang malalalim ng salitang Filipinong nasa ibaba:

1. Brokil – (pangngalan) = Bukayo, minatamis na laman ng buko o niyog.
          Halimbawa: Walang nalutong ulam ang Nanay kaya brokil ang inulam ng pamilya.

2. Galapok – (pangngalan) = pulbos na lupang higit na pino kaysa gabok.
          Halimbawa: Huwag masyadong lakasan ang pagwawalis at baka mapuwing ng galapok.

3. Halimunmon – (pangngalan) = bango, halimuyak
          Halimbawa: Nakatitiwasay ng kalooban ang halimunmon ng dama de noche.

 4. Kalukabkab – (pangngalan) = bitak o bakbak sa pader.
          Halimbawa: Pinamugaran ng putakte ang kalukabkab.

5. Sagilot – (pangngalan) = buhol na madaling kalasin.
          Halimbawa: Madaling nakakawala ang kanyang hinuling manok dahil sagilot lamang ang nagawa niyang pantali.

6 Sumbo – (pangngalan) = liwanag ng kandila o lampara.
          Halimbawa: Dahil walang linya ng kuryente sa kanilang nayon, gumagawa ng takdang-aralin si Maria sa pamamagitan ng sumbo tuwing gabi.

7. Tungaw – (pangngalan) =  garapatang maliit at pula o maliit na kuto.
          Halimbawa: Namaga ang kagat ng tungaw sa kanyang braso.

8. Bantulot = (pang-uri) = urong-sulong
          Halimbawa: Bantulot si Mario kung itutuloy ang panliligaw kay Urbana.

9. Anagon – (pangngalan) = mais na mura
          Halimbawa: Naggulay ng anagon si Aling Flora dahil paborito ito ng kanyang mga anak.

10. Damurak – (pang-uri) = nakalilito; nakagugulo.

          Halimbawa: Masyadong damurak ang kanyang isinulat kung kaya’t marami ang nag-aalinlangan sa kanyang katapatan.