Saturday, October 14, 2017

Mga Pokus ng Pandiwa (Verbal Focus)

Mga Pokus ng Pandiwa
(Verbal Focus)

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
(Focus is the term used to show the semantic relationship of the verb to the subject or doer in a sentence. It is shown by the affixes in the verb.)


I. Aktor-pokus o pokus sa tagaganap  (Actor-focus verb)
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sino?".
(The subject or the doer is the focus of the verb used in the sentence and it answers the question “WHO?”)
Upang madaling matandaan, ang aktor-pokus o pokus sa tagaganap na pandiwa ay kalimitang ginagamitan ng mga unlaping MAG, NAG, MA, NA, UM at gitlaping UM.
(The actor-focus verb is usually begins with the prefix such as MAG, MANG, MA and infix UM.)
Mga Halimbawa:
A. Unlaping MAG, NAG, MA, NA  
1. Maglilinis ng bahay si Anna bukas. (Sino ang maglilinis ng bahay bukas?)
2. Ang Nanay ay naglaba ng mga kurtina noong isang araw. (Sino ang naglaba ...?)
3. Ang aking mga kaibigan ay maliligo sa sapa sa Lunes. (Sino ang maliligo...?)
4. Nanood ng sine si Myla sa SM. (Sino ang nanood...?)
B. Unlapi at Gitlaping UM
1. Bumili ng rosas si Maria. (Sino ang bumili ng rosas?)
2. Si Natoy ay pumunta ng palengke. (Sino ang pumunta...?)
3. Tumakbo ang matandang lalaki. (Sino ang tumakbo...?)
4. Kumain si Juan ng mangga. (Sino ang kumain...?)
5. Umalis ng bahay si Kuya. (Sino ang umalis...?)
6. Si G. Dela Cruz ay umapela sa Korte Suprema. (Sino ang umapela...?)

II. Pokus sa layon    (Object-focus verb)

Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "ano?".
Kalimitang ang pandiwa ay kinapapalooban ng mga panlaping IN, I, AN, NA. Dapat tandaan na ang panlaping IN na makikita sa pandiwa ang nag-iisang HULAPI na pokus sa layon.
 (The direct object is the focus of the verb in the sentence and it answers the question “WHAT?”. The verb is usually affix with IN, I, AN, MA. Please note that the verb with suffix IN is ALWAYS object-focus verb.)
Mga Halimbawa
A. Hulaping IN
1. Kainin mo ang itlog.   (Ano ang kainin?)
2. Lutuin mo ang gulay sa bilao. (Ano ang lutuin?)
3. Akyatin mo ang Bundok Banahaw. (Ano ang akyatin?)
B. Gitlaping IN
1. Binili ni Jose ang sapatos. (Ano ang binili?)
2. Tinali ni Pedro ang kalabaw. (Ano ang tinali?)
3. Kinain ni Kikay ang lumpiya. (Ano ang kinain?)
C. Unlaping I
1. Iluto mo ang alimango. (Ano ang iluto?)
2. Itago mo ang mga sulat. (Ano ang itago?)
3. Isara ninyo ang pinto. (Ano ang isara?)
D. Hulaping AN
1. Buksan mo ang bintana. (Ano ang buksan?)
2. Takpan mo ang pagkain sa mesa. (Ano ang takpan?)
3. Labhan ninyo ang mga pantalon. (Ano ang labhan?)
E. Unlaping NA
1. Nakita ni Rosa ang nawawalang aso.
2. Naamoy ni Ricardo ang masarap na putahe.
3. Napansin ko ang bagong payong ni Leslie.
4. Nalaman niya ang tirahan nina Blanca.
5. Narinig namin ang magandang boses ni Petra.

III. Lokatibong pokus o pokus sa ganapan     (Location/locative - focus)
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "saan?".
Kalimitang ginagamit ang mga panlaping (pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an, pinag/an, in/an) sa salitang-ugat ng pandiwa.
(The emphasis of the verb is on the location/direction in the sentence. It usually answers the question “WHERE?” The affixes (pag-/-an, -an/-han, ma-/-an, pang-/-an, mapag-/-an) is often used in the root word of the verb.)

Mga Halimbawa:
1. Pinagdausan ng kasal ang bagong simbahan.
2. Pinuntahan ni Tatay ang bagong gawang bahay ni Kuya.
3. Mapagdarausan ng lamay ang kapilya.
4. Pinag-umpukan ang silong ng bahay ni Ate.

IV. Benepaktibong pokus o pokus sa tagatanggap   (Benefactor-focus)

Ang simuno o paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay karaniwang sumasagot sa tanong na "para kanino?". Ang mga panlaping  (i- , -in , ipang- , ipag-) ang kalimitang ginagamit. Ito ay ang indirect object sa wikang Ingles.

Mga Halimbawa:

1. Kami ay ipinagluto ni Ate ng masarap na tsamporado.
2. Ibinili ni Gloria ng tinapay ang Lola.
3. Si Tiyo Poldo ay ipinagsibak ng kahoy ni Kuya Lauro.
4. Tinahi niya ng pantalon si Lolo.

V. instrumentong pokus o pokus sa gamit   (Instrumental-focus)

Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?" Kalimitang ginagamit ang mga panlaping  (ipang- , maipang-)

Mga Halimbawa
1. Ang bagong biling hurno ang ipinagluto ni Mang Manolo ng masarap na tinapay.
2. Ipinampunas ni Marco sa mukha ang ang aking regalong bimpo.
3. Ang mahabang kawit ang ipinanungkit niya ng buko.
4. Ipinanghambalos niya ang hawak na bat sa taong umaakyat ng pader.


VI. Kosatibong pokus o pokus sa sanhi (Causative-focus)

Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Iti ay sumasagot sa tanong na "bakit?" Kalimitang ginagamit ang mga panlaping  (i- , ika- , ikina-)

Mga  Halimbawa
1. Ikinagalak namin ang inyong pagtatanim sa aming paaralan.
2. Ikinainis ni Maribeth ang pambubuska ni Mario sa kanya.
3. Ikinalungkot ng mga mamamayan ang biglaang pagkamatay ng kanilang punong-bayan.
4. Ikinaiyak ng mga manonood ang pagkabaliw ng bidang babae.


VII. Pokus sa direksyon (Direction-focus)

Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?" Kalimitang ginagamit ang mga panlaping (-an , -han , -in , -hin) sa ganitong mga pagkakataon. Pag-aralan ang pagkakaiba nito sa location/locative –focus)

Mga Halimbawa
1. Pinadalhan niya ng mga bulaklak ang kasintahan.
2. Pinuntahan ng mga pulis ang ilog upang mangalap ng ebidensya.
3. Sinulatan niya ang punong-guro.
4. Pinasyalan ni Alpha ang bahay-ampunan.

Thursday, September 28, 2017

Mga Ayos ng Pangungusap

Mga Ayos ng Pangungusap

Ang pangungusap (sentence) ay may dalawang ayos.

1. Karaniwang ayos - ang pangungusap ay nagsisimula sa panaguri (predicate) at nahuhuli ang simuno (subject/paksa).

Mga Halimbawa


a. Nagpunta kami sa Luneta noong Linggo.
b. Bumili ng mga bulaklak si Aniceta.
c. Nag-araro ng bukid si Ama.
d. Kumain tayo nang katamtaman lamang.
e. Maglulunsad nang malawakang protesta ang mga magsasaka.
f. Umalis ka!

2. Di-karaniwang ayos - kapg ang simuno (subject/paksa) ay nauuna kaysa sa panaguri (predicate). Kalimitang nakakabit ang salitang "AY" sa unahan ng pandiwa (verb).

Mga Halimbawa


a. Si Anna ay bumili ng bagong damit.
b. Ang palatuntunan ay naging matagumpay.
c. Ikaw ay tumakbo.
d. Ang mga mag-aaral ay tahimik nang dumating ang mga bisita.
e. Tayo nang pumaroon sa Antipolo.
f. Ikaw ang tutula sa palatuntunan bukas.

Wednesday, September 6, 2017

Pagsasalin : Translation - 1

Nasa ibaba ang ilang salita at pangungusap sa Filipino na isinalin sa wikang Ingles;

1. Ano = What
2. Kailan/Kelan = When
3. Paano/Pa'no = How
4. Saan/Sa'n = Where
5. Ano ang pangalan mo? = What is your name?
6. Saan ka nakatira = Where do you live?
7. Kailan kayo manonood ng sine? = When do you watch a movie?
8. Paano pumunta ng palengke = How to go to the market?
9. Kelan ang kapanganakan mo? = When is your birthday?
10. Saan ka ipinanganak? = Where did you born?
11. Saan ka pupunta? = Where are you going?
12. Kumusta ka? = How are you?
13. Salamat = Thank you
14. Maaari/Puwede/P'wede bang malaman ang pangalan mo? = Can I know your name?
15. Ngayon = Now
16. Bukas = Tomorrow
17. Sa makalawa = The day after tomorrow
18. Sa Lunes = On Monday
19. Galit ako / Ako ay galit. = I am angry.
20. Gutom na ako / Ako ay gutom na .= I am hungry.

Thursday, July 6, 2017

Ano ang Bugtong?

Ang bugtong (riddle in English) ay isang palaisipang-laro. Ito ay kadalasang binubuo ng isang parirala, pangungusap , saknong o talatang matalinhagang tumutukoy sa isang bagay, tao, pangyayari, atbp. Karaniwang nilalaro ang bugtong o bugtungan (pahulaan o patuturan) sa loob ng paaralan, sa mga lamayan o kasiyahan.

Hulaan ang mga bugtong na ito:

1. Kung kailan ko pinatay saka humaba ang buhay.

2. Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako.

3. Buto't balat lumilipad.

4. May mukha walang mata, may kamay walang tenga.

5. Hinila ko ang bigting, nagkakarang ang matsing.

6. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.

7. Isang balong malalim, punompuno ng patalim.

8. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.

9. Walang lapis, walang pluma, sumusulat ng maganda.

10. Mahaba at namamaga, sumusuka ng gata.

11. Dalawang bagay na bibitin-bitin, natitiklop kapag bumahing.

12. Kabit-kabit na uling, tingna't bibitin-bitin.

13. Dalawang magkakapatid, nag-uunahang pumanhik.

14. Nagtago si Pedro, nakalitaw ang ulo.

15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.

Wednesday, July 5, 2017

PAGSASANAY; REVIEWER SA FILIPINO

Nasa ibaba ang isang pagsasanay upang malinang ang mga mag-aaral at yaong nag-aaral ng Filipino sa wastong gamit ng mga salita:

Tuntunin: Piliin ang tamang sagot sa loob ng panaklong

1. (Dito, Rito) na kayo kumain.


2. Taga-Dabao (daw, raw) ang mga magulang ni Felix.

3. May darating na bisita ang Nanay bukas. (Wawalisin, wawalisan) ko ang likod at harap ng aming bahay. (Wawalisan, Wawalisin) ko ang mga nagkalat na mga tuyong dahon ng punong-mangga.


4. Huwag mong (pahirin, pahiran) ng alkitran ang dingding ng bahay-baboy.

5. Nagkaroon ng (inuman, inumin) sa bahay ng mga Kuya nang siya ay nagbalikbayan. Nag-uumapaw ang mga (inuman, inumin).

6. Buhay (daw, raw) niya ang kapalit sa kasamaang ginawa.

7. (May, Mayroon) dumating na signos sa bayan nina Perla.


8. Huwag mong (bibitiwan, bibitawan) ang kamay ni Neneng habang tayo ay namamasyal sa SM.

9. (Nabitiwan, Nabitawan) niya ang hawak na lobo.

10.  Wasak-Wasak na (ng, nang) dumating ang mga balikbayan box na padala ni Ate mula Abu Dhabi.


11. Tawa siya (nang, ng) tawa nang kilitiin ni Joaquin.

12. Bigyan mo siya (nang, ng) konting pagtingin.

13. Hindi siya pumayag na (alisin, alisan) ng karapatan sa kanyang mga anak.

14. (Alisan, Alisin) mo ang mga tinik sa iyong pagkatao.


15. Masarap ang isdang ayungin pero dapat (alisan, alisin) ito ng tinik bago kainin.

16. Halika (dito, rito)!

17. Sa Mababang Paaralan ng Paoay (din, rin) siya nag-aral ng elementarya.

18. Naghihinala si Aling Metring sa kanyang asawang si Jose kung kaya't inutusan ang isang kakilalang (subukan, subukin) ito.


19. (Pahirin, Pahiran) mo ng langis ang kawa bago mo itago (nang, ng) hindi kalawangin.

20.  Pupunta (dito, rito) ang Kakang Lucio sa makalawa.

21. Luminis ang buong paligid nang kanyang (walisan, walisin).

22. Si Carlito (daw, raw) ang magiging panauhing-pandangal sa pagtatapos ng mga mag-aaral.


23. Huwag kang (bibitaw, bibitiw) at baka ka mahulog.

24. Sa Sariaya (din, rin) ang kanyang punta.

25. Humiyaw ka (nang, ng) malakas (nang, ng) ikaw ay marinig.

Monday, July 3, 2017

Government Officials in Filipino

Narito ang mga opisyales o namamahala sa Pilipinas na isinalin sa wikang Filipino:

President = Presidente o Pangulo

Vice-President = Bise-Presidente o Pangalawang-Pangulo

Senator = Senador

Congressman = Kongresista o Kinatawan

Chief Justice = Punong Mahistrado

Solicitor General = Tagausig Panlahat

Chairperson - Tagapangulo

Administrator = Tagapangasiwa

Chief Executive Officer (CEO) = Punong Opisyal

Lead Convenor = Panginahing Tagapagtipon

Presidential Spokesperson = Tagapagsalita ng Pangulo 

Presidential Adviser = Pampanguluhang Tagapayo

Chief Presidential Leagl Counsel = Punong Abogadong Pampanguluhan

Director-General = Direktor-Heneral

Executive Director = Direktor Tagapagpaganap

Head = Puno

Governor = Gobernador o Puno ng lalawigan

Vice-Governor = Bise-Gobernador o Pangalawang-Puno ng lalawigan

Board Member = Bokal

Mayor = Meyor o Punong-bayan o Punong-lungsod

Vice-Mayor - Bise-Meyor o Pangalawang-Punong bayan o punong-lungsod

Councilor = Konsehal

Barangay Captain = Kapitan ng Barangay

Secretary = Kalihim

Treasurer = Ingat-yaman

Auditor =  Tagasuri

Adviser = Tagapayo

Barangay Police - Barangay Tanod

Sunday, July 2, 2017

Fruits of the Philippines

To all foreigners who want to know the different fruits of the Philippines in the Filipino language, here they are:

Mango = mangga (mang-ga)

Banana = saging (sa-ging)

Black palm = duhat (du-hat)

Monkeypod = kamatsile (ka-ma-tsi-le)

Spanish plum = sinigwelas (si-nig-we-las)

Cashew = kasoy (ka-soy)

Chinese-laurel, Herbert River-cherry, Queensland-cherry, salamander-tree, wild-cherry, currant tree = bignay (big-nay)

Star apple = kaimito /kaymito (ka-i-mi-to) (kay-mi-to)

Star fruit = balimbing (ba-lim-bing)

Sugar-apple, Sweetsop, Custard apple = anonas (a-no-nas)

Sugar-apple, sweetsop, custard apple = atis (a-tis)

Muntingia = aratiles (a-ra-ti-les)

Gooseberry = garamay/karamay (ga-ra-may/ ka-ra-may)

Sapodilla = chico/tsiko (chi-ko/tsi-ko)

Wax apple, Java apple, water apple = makopa (ma-ko-pa)

Guava = bayabas (ba-ya-bas)

Soursop = guyabano (gu-ya-ba-no)

Lanzones = lansones (lan-so-nes)










Saturday, July 1, 2017

Parts of the Face

For foreigners who wish to learn the Filipino language, this is for you.
We begin with the different parts of the head (Iba't ibang bahagi ng ulo).


hair = buhok  (bu-hok)

temple = sentido (sen-ti-do)

ear = tainga; tenga (ta-i-nga) (te-nga)

earlobe = kapingulan  (ka-pi-ngu-lan)

cheek = pisngi (pis-ngi)

mouth = bibig; bunganga (bi-big) (bu-nga-nga)

lip = labi (la-bi)

forehead = noo (no-o)

eyebrow = kilay (ki-lay)

eyelash = pilikmata (pi-lik-ma-ta)

eye = mata; paningin (ma-ta) (pa-ni-ngin)

nose = ilong (i-long)

nostril = butas ng ilong (bu-tas ; ng; i-long)

jaw = panga (pa-nga)

chin = baba (ba-ba)

Ano ang Kuwentong Bayan?

Ang kuwentong bayan o folklore/folktale sa Ingles ay sinaunang kuwentong isinasalaysay ng mga matatanda sa mga kabataan bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Ito ay kalimitang salaysay na sumasalamin sa katangian ng isang mamamayan. Natutungkol din ito sa mga hari, prinsipe, prinsesa, diwata at mga kakatwang mamamayan sa isang lugar o kaharian.

Ilan sa halimbawa ng Kuwentong Bayan ay ang mga sumusunod:

1. Ang Diwata ng Karagatan
2. Si Mariang Kalabasa





Thursday, June 29, 2017

Wastong Gamit ng Gitling (-)

Sa pagsulat ng isang sanaysay, kuwento, talata, o pangungusap, ang paggamit ng wastong bantas ay mahalaga upang maging malinaw ang nais ipahiwatig ng may-akda. Isa sa mga ito ay ang gitling (-) o hyphen sa wikang Ingles.

Wastong Gamit ng Gitling

A. Kadalasang ginagamit ang gitling (-) kapag inuulit ang buong salitang-ugat (root word) o dalawang pantig (syllable)  ng salitang-ugat.

Mga Halimbawa:

1. Gabi-gabi na lamang siyang umaalis ng bahay.
3. Napakaganda ng isinuot niyang berdeng-berdeng terno.
4. Sino-sino (hindi sinu-sino) sa inyo ang kinumpilan na?
5. Nagbukas si Maria ng isang Ihaw-Ihaw.

Ilan pang halimbawa:

araw-araw          gabi-gabi         
ano-ano (hindi anu-ano)     sira-sira   
iba-iba

Gayunman, kung ang salita ay mahigit sa dalawang pantig, ang unang dalawang pantig lamang ang inuulit.

Halimbawa:

1. palito ==> pali-palito
2. suntukin ==> suntok-suntukin
3. bariles ==> bari-bariles
4. sundutin ==> sundot-sundutin
5. samalin ==> sampal-sampalin

Subali't kung may unlapi (prefix), isinasama ito sa unang bahaging inuulit.

Halimbawa:

1. pabalik ==> pabalik-balik
2. masinto ==> masinto-sinto
3. maamo ==> maamo-amo

TANDAAN:

Ang gitling ay hindi ginagamit sa salita na may mga pantig na inuulit nguni't walang kahulugan kapag hindi inulit.

Halimbawa:

1. paruparo ==> dahil walng "paro"
2. alaala ==> dahil walang "ala"
3. gamugamo ==> dahil walang "gamo"

Dapat gitlingan ang sari-sari at samot-samot dahil may salitang "sari" at "samot".  Dapat ding may gitling ang salitang "samot-sari". Maling anyo ang "samo't-sari".

Ang salitang "iba't-iba" ay mali dahil hindi ito salitang inuulit kundi kontraksiyon lamang ng "iba at iba". 


B. Ginagamit ang gitling sa pagitan ng isang unlapi (prefix) na nagtatapos sa katinig (consonant) at ang salitang nilalapian ay nagsisimula naman sa patinig (vowel). Ang paggamit ng gitling dito ay mahalaga upang maging malinaw ang ibig ipahiwatig at hindi magkaroon ng iba pang kahulugan ang salita.

1. Ayaw ni Mario ng may kasama kaya mag-isa siyang nagtungo sa gubat.
2. Madalas siyang umuwi ng probinsiya lalo na at tag-ani.
3. Ang pag-ayaw ni Petra sa kanilang kasal ay kasalanan ni Pedro.
4. Nakapitas ng dalawang manggang-hinog si Jose. Tig-isa silang magkapatid.
5. Pag-aararo ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya.

C. Ang gitling ay ginagamit rin kapag ang isang salita ay hindi na maaring isulat pa ng buo dahil sa kakulangan ng espasyo. Ito ay nangyayari sa pagsusulat, pagmamakinilya o paggamit ng kompyuter sa isang linya sa isang papel. Dapat lamang tandaan na ang pagigitling ay ayon sa tamang pagpapantig ng salita.

Mga Halimbawa

1. Nalulungkot si Amelia dahil ang kanyang matalik na kaibigang si Aniceta ay aalis na pa-
     tungong Amerika sa isang linngo.
2. Masayang nakikipagkuwentuhan si Mang Kanor sa mga kumpare nang biglang duma-
      ting si Aling Dabiana at siya ay hambalusin. 

D. Ang gitling ay ginagamit din kapag pinagsama ang apelyido na isang ginang at ang kanyang naging asawa.

Mga Halimbawa

1. Gng. Debbie dela Cruz-Villavicencio
2. Jocelyn Marquez-Araneta

E. Ginagamit ang gitling sa pagitan ng nawalang kataga o salita ng dalawang salitang pinagsama.

Mga Halimbawa

1. binatang taganayon = binatang-nayon


2. pamatay ng kulisap =  pamatay-kulisap
3. bahay na inuman = bahay-inuman
4. karatig na bayan =  karatig-bayan
5. pugad ng baboy = pugad-baboy

F. Ginigitlingan ang isang salita kung may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, tatak, simbolo, sagisag, brand atbp.

Mga Halimbawa

1. Si Adela ay maka-Sharon Cuneta.
3. Uhaw na uhaw sina Cecilio kaya sila ay nag-Pepsi.
4. Hindi na matatawaran ang kanyang pagiging maka-Filipino.
5. Kung nais makatipid sa paglalaba, tayo ay mag-Surf.

Dapat lamang tandaang nalilipat sa pagitan ng inulit na pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan ang gitling kapag ang salita ay nagiging pandiwa sa hinaharap (future tense of the verb).

Mga Halimbawa

1. Mag-Jollibee = Magjo-Jollibee
2. Mag-Coke = Magco-Coke
3. Mag-Yaris = Magya-Yaris

G. Kapag ginamit ang panlaping (affix) ika ay ginamit, ito ay kadalasang ginigitlingan kung ang inunlapian ay isang numero o tambilang (digit).

Mga Halimbawa

1. ika-9 ng gabi
2. ika-23 ng Oktubre
3. ika-10 pahina
4. ika-50 anibersaryo
5. ika-4 na linggo

H. Ginagamit ang gitling kapag ang isang praksyon (fraction) ay isinulat nang patitik.

Mga Halimbawa

1.     2/3 =  dalawang-katlo
2.     6 1/4 = anim at isang-kapat
3.     3/8 =  tatlong-kawalo

I. Ang gitling ay ginagamit din kapalit ng salitang "hanggang"   o  "o kaya ay" sa isang panukat ng rekado, haba ng oras o panahon.

Mga Halimbawa

1.     3 hanggang 5 kutsarita  =  3-5 kutsarita
2.     4 o kaya ay 6 butil = 4-6 butil
3.     2 hanggang 5 oras = 2-5 oras
4.     25 o kaya ay 30 minutos = 25-30 minutos
5.     2 hanggang 3 buwan = 2-3 buwan

J. Ginagamit din ang gitling sa onomatopeikong pagsulat sa mga iisahing pantig na tunog.

Mga Halimbawa:

1. tik-tak
2. ding-dong
3. tsk-tsk
4. plip-plap
5. ra-ta-tat
6. tsug-tsug
7. eng-eng

K. Gamit din ang gitling sa salitang may unlaping "de" mula sa Espanyol na may kahulugang "sa pamamagitan ng" o "ginawa o ginagamit sa paraang".

Mga Halimbawa:

1. de-bote
2. de-lata
3. de-mano
4. de-kahon
5. de-kolor








Monday, June 19, 2017

WASTONG GAMIT: INUMAN at INUMIN

Pagkaminsan ay nakalilito rin ang wastong gamit ng inuman at inumin. Upang makita ang pagkakaiba, nararapat na suriin kung anong bahagi ng pananalita ang dalawang salita.

Ang inuman ay isang pangngalan (noun) samantalang maaaring pandiwa (verb) o pangngalan ang inumin. Dahil dito, ang inuman ay tumutukoy sa isang bagay o pangyayari samantalang maaring nagpapahayag naman ng kilos o pagkilos ang inumin o pwede rin namang tumutukoy sa isang bagay.

Mga Halimbawa



1. Nauuhaw si Pedro. Bigyan mo siya ng inumin. (tubig, softdrinks, etc.)
2. Inumin (Drink) mo ang tabletang ito nang bumuti ang iyong pakiramdam.
3. Kaarawan ni Luis ngayon. Tiyak na may inuman (drinking spree) at inumin (liquor, alak, beer, serbesa,atbp).

4. Kumuha ka ng inuman (cup, glass, tasa, baso) para pagsalinan nitong malamig na softdrink.
5. Lagyan mo ng inumin ang inuman.

ANO ANG TAYUTAY?

Ang tayutay o "figure of speech" sa wikang Ingles ay ang pag-iwas sa paggamit ng ordinaryong o pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit, malikhain at mabisa ang pagpapahayag ng damdamin ng isang manunulat o nagsasalita.

MGA URI NG TAYUTAY ((Kinds of Figure of Speech)

Maraming uri ang tayutay. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Pagtutulad o Simili (Simile) - Isang uri ng paghahambing o pagkukumpara ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga salitang KATULAD, TULAD, GAYA NG, TILA, PARANG, atbp.

Mga Halimbawa
a. Ang mga mata mo ay tila perlas ng silangan.
b. Ang pag-awit mo ay tulad ng himig ng mga anghel sa langit.

c. Parang bote ng  koka-kola ang hugis ng iyong katawan.

2. Pagwawangis (Metaphor) - paghahambing ng dalawang bagay na hindi ginagamitan ng mga salitang katulad, tulad, gaya ng, tila, parang, atbp.

Mga Halimbawa
a. Ang kanyang ina ang bituing tanglaw sa kanyang buhay.
b. Namumulang makopa ang pisngi ng sanggol.

c. Malasutla ang iyong kutis.

3. Pagmamalabis (Hyberbole) - sadyang pinalalabisan o kinukulangan ang isang kalagayan, pangyayari o bagay.

Mga Halimbawa
a. Bumaha sa buong paligid nang siya ay umiyak.
b. Mala-impyerno ang init ng panahon.
c. Nakakatunaw ang kanyang pagtingin.

d. Buto't balat na lamang nang siya ay matagpuan.

4. Pagbibigay ng Katauhan o Pagsasatao (Personification) - pagbibigay katangian ng tao sa isang bagay na walang buhay.

Mga Halimbawa
a. Humihiyaw ang mga kawayan sa lakas ng hangin.

b. Nag-aawitan ang mga palaka sa gitna ng ulan.
c. Ang mga palay ay sumasayaw sa ihip ng hangin.

5. Pag-uyam (Irony) - paggamit ng mga salitang kapuri-puri subali't kabaliktaran naman ang nais ipagkahulugan.

Mga Halimbawa

a. Kay-ayos ng iyong buhok. Magandang pang-isis ng kawali.
b. Napakaganda ng boses ni Maria. Hinihiwang yero ang kapara.
c. Kaykinis ng mukha ni Pedro. Konting uka pa at buwan na ang kawangis.

6. Pagtawag (Apostrophe) - madamdamin na pagtawag sa isang nilalang o bagay na tutuo o imahinasyon lamang na kalimitan ay nagsisimula sa O, o Oh at madalas na ginagamit sa prosa o tula at drama.

Mga Halimbawa
a. O, Bathalang Mahal! Nawa'y siya ay Iyong kupkupin.
b. O, bituing marikit! Tanglawan mo ang gabing pusikit.
c. O, tukso! Layuan mo ako.

7. Pag-uulit (Alliteration) - pag-uulit ng isang salita o parirala sa loob ng isang pangungusap, taludtod o talata.

Mga Halimbawa
a. Masama ang gumamit ng droga. Masama dahil nakakasira ng isip. Masama dahil pamilya ay nasisira.
b. Pag-ibig ang nagbigay pag-asa; pag-ibig ang bumuhay; pag-ibig pa rin ang pumatay.
c. Paborito niya ang mangga; manggang-hinog, manggang-hilaw, at kahit na anong uri ng mangga.

8. Pagtatanong (Rhetorical Question) - pagpapayag sa pamamagitan ng pagtatanong na hindi naghihintay ng kasagutan. Ang tanong ay maaaring may kasagutan o wala. Maaaring ang tanong ay alam na ang sagot subali't inilagay upang bigyang diin ang isang pahayag, damdamin o pangyayari.

Mga Halimbawa
a. Bakit nagkaganito ang bayang ito?
b. Hagupit ng kalikasan o kasakiman ng tao?
c. Ikaw ba ang sinasabing magliligtas sa lahat ng tao?

9. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche) - pagbanggit ng isang bahagi upang tukuyin ang kabuuan o pagpapahayag ng kabuuan upang tukuyin ang isang bahagi.

Mga Halimbawa
a. Binili mo na yata ang buong palengke?
b. Malapit na ako. Kita ko na ang aming palupo.
c. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo rito.

10. Paghihimig (Onomatopoeia) - paggamit ng mga salitang kasingtunog ng kahulugan.

Mga Halimbawa
a. Naglalagablab ang init ng panahon.

b.  Tiktilaok!
c. Umarangkada na ang bagong biling sportscar ni Mario.

11. Pagtatambis (Oxymoron) - paglalagay o pagsasama ng dalawang bagay o salita na magkasalungat ang kahulugan.

Mga Halimbawa
a. Masaya siyang umiiyak nang manalo sa timpalak.
b. Ikaw na ang matalinong-bobo!
c. Matamis na maasim ang manibalang na mangga.
d. Nakabibingi ang katahimikan.
e. Minsan, kailangan mong mawala para makita.

12. Kabaliktaran (Antithesis) - pagsasama ng dalawang ideya, damdamin, salita, parirala at pangungusap na kabaliktaran ang kahulugan.

Mga Halimbawa
a. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
b. Isang hakbang ng nilalang, malayong lundag sa sangkatauhan.
c. Umiiyak man ang langit, nagbubunyi naman sa lupa.
d. Marami ang matutuwa sa iyong paglisan.

13. Pagtanggi (Litotes) - pagpapahayag ng pagsalungat o hindi tuwirang pangsang-ayon subali't ito ay pakunwari  o paimbabaw lamang, o paglalagay ng dalawang negatibong pananaw para ipamalas ang positibong ideya.

Mga Halimbawa
a. Hindi maliit na halaga ang isang milyong piso.
b. Ayokong isipin mo na tutol ako sa pag-aasawa mo. Nais ko lamang na magtapos ka muna ng pag-aaral.

c. Hindi naman masikip sa iyo ang iyong bagong damit.