Saturday, November 13, 2010

Wastong Gamit: Nang at Ng

Kung pakikinggan lamang, hindi natin agad malalaman kung "Nang" o "Ng" ang ginamit sa isang pangungusap dahil halos magkasingtunog ang dalawang salita. Nguni't sa pormal na pagsusulat, nararapat na malaman ang tamang gamit ng "nang" at "ng".

A. NANG
a. Makikita sa unahan ng pangungusap
Halimbawa:
1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag-aaral.
2. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda.

b. Gamit sa pang-abay na pamaraan (adverb of manner) o pang-abay na panggaano o pampanukat (adverb of quantity).
Halimbawa:
1. Lumakad siya nang dahan-dahan.
2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
 3. Namayat si Anna nang todo simula ng magkasakit.
 4. Nagalit ang mga manonood dahil nahuli nang dalawang oras ang pagtatanghal.

c. Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.
1. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.
2. Kanina pa siya ikot nang ikot.

d. Gamit na kasingkahulugan ng "noong"
 1. May bagyo nang (noong) siya ay isilang.
 2. Tumahimik ang lahat nang (noong) dumating ang mga hindi kilalang tao.

e. Gamit na kasingkahulugan ng "upang" o "para".
 1. Kinailangang patayin ng mga kidnaper ang pulubi nang hindi maging saksi sa krimen. 
 2. Dinala sa pagamutan si Mang Igme nang magamot.

f. Gamit bilang katumbas ng "na" at "ang".
 1. Natutong sumagot ang kasambahay sa kaniyang amo dahil sobra nang (na ang) hirap ang kanyang dinanas.
 2. Dahil labis nang (na ang) lupit na ipinamalas ng mga Kastila kaya nag-aklas ang mga Filipino.

B. NG
a. Nagsasaad ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
1. Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz.
2. Ang palad ng mayayaman ay tila napakanipis.

Sapat nang tandaan ang gamit ng NANG upang hindi malito sa wastong paggamit ng NANG at NG.
Kung ang sumusunod na salita ay isang pandiwa (verb) at pang-uri (adjective), gamitin ang NANG. NANG  din ang gamit sa unahan ng pangungusap.

37 comments:

Anonymous said...

maraming salamat pare! ngayon siguro magiging maayos na 'rin tagalog grammar ko.

M.G. BUENO said...

Keep up the good work!

Anonymous said...

nice

Anonymous said...

Thank you very much for your help because I am currently studying for my exam. :)

Unknown said...

It really help!

Unknown said...

Thanks

NiƱo said...

Nag papaniwala kayo jan, ginagamit ang "NANG" kapag vowel ung sinusundan. K bye

Unknown said...

Ano po ang tama dito?
Unang nasaksihan ng/nang batang andres?

Anonymous said...

Ng

Unknown said...

Wala ka ng/nang gagawin?

Concern Citizen said...

pag may alam share mo, wag nang magsalita ng hindi mabuti sa nagmamagandang loob upang makatulong sa kapwa

Anonymous said...

Salamat.

Unknown said...

nang // kasi pandiwa ang salitang gagawin.

Unknown said...

Sumasagot sa tanong na paano ang NANG

HAL:TUMAKBO SYA NANG MATULIN

PAANO:MATULIN

Unknown said...

Sumasagot sa tanong na paano ang NANG

HAL:TUMAKBO SYA NANG MATULIN

PAANO:MATULIN

Unknown said...

Great help. Thanks.

majin_highness said...

Salamat po

Unknown said...

Yon ay dahil ginagamit nga rin ang NANG para sa adverb. Alamin mo ang meaning ng adverb at makikita mong tugma sa sinasabi mo.

Unknown said...

tama po ba ito? Isa-isa nang nawawala?

Unknown said...

Ano po ang mas tama? Bukas nang hapon o bukas ng hapon? Salamat!

Anonymous said...

Ano po ang tama? "Ang ganda ng/nang mga desisyon?"

Anonymous said...

Tama po, kasi ang nang ay (na ang, na na at na ng)

Unknown said...

Nope

Unknown said...

Ano po ang tama rito? *

Rito dapat at hindi dito.

Ang tama ay "Ng". ☺️

Unknown said...

sobra ___ hirap?

Anonymous said...

Nakakamiss nang pumunta sa paaralan?
tama po ba?

Unknown said...

Tama po ba ito? Ang kanyang pag-ibig ay sinubok nang si Ofelia ay umibig sa kaniya.

Ponciano Santos said...

Tama

jhfn said...

hello

Anonymous said...

matatagal ng/nang manunulat
anong tama po??

Anonymous said...

Ano po tama?
Atin ng tikman o atin nang tikman?

Anonymous said...

nang

Unknown said...

pinagsasabi mo po ahahaha baloa

Anonymous said...

The Radically Invasive Projectile, or RIP bullet, uses machined copper-tipped bullets to make multiple penetrations into a target, including the main body of the bullet, creating up to nine different wound channels. The RIP Ammo RIP Ammois designed to create massive wounding, leading to rapid blood loss and target incapacitation.

Anonymous said...

Minsan ginagamit ko ang nang pag pandiwa ang kasunod na salita. Tama po ba yon?

Anonymous said...

Gg

Anonymous said...

kailangan ba ng apostrophe sa salitang rin?