Tuesday, March 8, 2011

BAHAGI NG PANANALITA: ANG PANG-URI (ADJECTIVE)

Ano ang pang-uri?


Ang Pang-uri – ay mga salitang naglalarawan o nagbibigay katangian sa isang pangngalan o panghalip.

Halimbawa:
1. Matamis ang inihaing mangga ni Aling Ising.
2. Napakaganda nga ng bistidang iyan!
3. Siya ay higit na matalino kaysa sa kanyang kuya.
4. Ang kotse nila ay puti.
5. Libu-libong tao ang dumalo sa welga.

Uri ng Pang-uri

 Ang pang-uri ay may dalawang uri:

1. Panlarawan - mga salitang naglalarawan.

    Halimbawa:

    a. Matamis ang tinda niyang mangga.
    b. Rosas at itim ang motif ng kanilang kasal.

2. Pamilang = mga salitang nagsasaad ng bilang

    Halimbawa:

    a. Sanlaksa ang mga daga sa tumana.
    b. Si Mang Baste ay nag-iisang lumaban sa asong-ulol.

Kaantasan ng Pang-uri

1. Lantay – nagbibigay ng simple o payak na paglalarawan.
   Halimbawa:
   a. Si Amelia ay maganda.
   b. Mabango ang rosas.

   c. Ang ilong niya ay matangos.

2. Pahambing – naglalarawan sa dalawang pangngalan o  tinutukoy, maaaring pareho o ang isa ay nakahihigit ang katangian.

  Halimbawa:

  a. Si Alma ay higit na maganda kaysa kay Amelia.
  b. Mas mabango ang sampaguita kaysa rosas.
  c. Higit na matangos ng ilong ko kaysa kanya.

3. Pasukdol – pagbibigay ng sukdulang paglalarawan o katangiang nakahihigit sa lahat.Ang panghahambing ay higit sa dalawa. 

 Halimbawa: 

  a. Pinakamaganda si Anna sa kanilang lahat.
  b. Para sa kanya, ang ilang-ilang ang pinakamabango sa tatlong bulaklak na nasa mesa.
  c. Walang pasubali, ang ilong ni Kiray ang pinakamatangos sa buong klase.

2 comments:

Casual Sentiments said...

Nakakatuwa ang refresher na 'to sa parts of speech ng wikang Filipino. Nagkataon na pinag-uusapan namin sa literacy class ko ang kahalagahan ng MTB-MLE sa edukasyon ng mga Pilipino. :)

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirade_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
Contact Number: 09465046302
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/