Palitang E/I at O/U
Kailan Di Nagpapalit?
1 - Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag sinundan ng pang-ugnay na (-ng).
Mga Halimbawa
a. babaeng masipag hindi babaing masipag
b. birong masakit hindi birung masakit
2 - Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag inuulit ang salitang-ugat.
Mga Halimbawa
a. babáeng-babáe at hindi “babaing-babae”
b. birò-birò at hindi “biru-biro”
c. anó-anó at hindi “anu-ano”
d. alón-alón at hindi “alun-alon”
e. taón-taón at hindi “taun-taon”
f. píso-píso at hindi “pisu-piso”
g. pitó-pitó at hindi “pitu-pito”
h. pátong-pátong at hindi “patung-patong”
3 - Huwag baguhin ang dobleng “O”
Mga Halimbawa
a. nood panoorin
b. poot kapootan
c. doon paroonan
d. boto botohan
e. goto gotohan
f.abono abonohan
g. loko lokohin
4 - Huwag baguhin ang UO
Mga Halimbawa
a. buo kabuoan
b. suot kasuotan
c. salimuot kasalimuotan
b. salusálo—isang piging o handaan para sa maraming tao
c. bató-bató—paglalarawan sa daan na maraming bato
d. batubató—ibon, isang uri ng ilahas na kalapati
f. haluhalo—pagkaing may yelo at iba pang sangkap