Tuesday, January 4, 2022

Mga Tuntunin sa Ortograpiyang Pambansa: Kambal-Patinig

 Kambal-Patinig

        Sa pangkalahatan, nawawala ang unang patinig sa mga kambal-patinig na I+(A, E, O) at U+(A, E, I) kapag siningitan ng Y at W sa pagsulat.

Mga Halimbawa

    a. benepicio     ==>    benepisyo
    b. indibidual    ==>    indibidwal
    c. teniente        ==>    tenyente
    d.aguador        ==>    agwador
 
Unang Kataliwasan

        Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa katinig sa unang pantig ng salita.

Mga Halimbawa

a. tia ==>     tIYA
b. piano ==>     pIYAno
c. pieza ==>     pIYEsa
d. fuerza ==>     pUWErsa
e. viuda ==>     bIYUda
f. cuento ==>     kUWEnto


Ikalawang Kataliwasan

        Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa dalawa o mahigit pang kumpol-katinig (consonant cluster) sa loob ng salita dahil lumuluwag ang pagbigkas at dumadali ang pagpapantig..
 
Mga Halimbawa

a. ostIYA (hostia)
b. leksIYOn (leccion)
c. biskUWIt (biscuit)
d. impIYErno (infierno)
e. eleksIYOn (eleccion);
f. engkUWEntro (encuentro)
 

Ikatlong Kataliwasan

        Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa tunog na H.

Mga Halimbawa

a. mahIYA (magia)
b. estratehIYA (estrategia),
c. kolehIYO (colegio)
d. rehIYOn (region).


Ikaapat na Kataliwasan

    Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay nása dulo ng salita at may diin ang bigkas sa unang patinig ang orihinal.

Mga Halimbawa
 
a. economía (e-co-no-mi-a)    ==>    ekonomIYA
b. geografía (geo-gra-fi-a)      ==>    heograpIYA
c. filosofía (fi-lo-so-fi-a)        ==>    pilosopIYA
 

Malakas na patinig

        Hindi nagdudulot ng kalituhan ang mga kambal-patinig na may malakas na unang patinig (A,E, O)
 
Mga Halimbawa

a. idea                ==>    hindi ideya
b. leon                ==>    hindi leyon
c. teorya             ==>    hindi teyorya
d. ideolohiya      ==>    hindi ideyolohiya
e. kampeon        ==>    hindi kampiyon