Karaniwan nang may 8 sangkap ang Tulang Pilipino
1. Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may 2 o higit pang taludtod.
2. Sukat - bilang ng pantig sa isang linya o taludtod.
3. Tugma - pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.
Dalawang Uri ng Tugma
a. Hindi buong rima (Assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig (vowel)
b. Kaanyuan (Consonance) - paraan ng pagtutugma kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig (consonant)
4. Sining o Karikyan - paggamit ng piling angkop at maririkit na salitang nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa.
5. Talinhaga - tumutukoy sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay
6. Anyo - porma ng tula
7. Tono/Indayog - diwa ng tula
8. Persona - tumutukoy sa ngasasalita sa tula; una, ikalawa, o ikatlong katauhan