Gamit ng Walong Bagong Titik
Ang dating 20 titik ng Abakada ay nadagdagan ng walo pang titik: C, F, J, Ñ,
Q, V, X, at Z. Apat sa mga titik na ito (C,Ñ,Q,X) ay mula sa wika ng ibang bansa
samantalang apat naman (F,J,V,Z) ang sa mga wika sa Filipinas.
Vakul
(Image from https://noreivillamater.wordpress.com
Paano gagamitin ang mga ito sa Filipino?
Mga Gamit ng walong bagong titik sa pagbabaybay:
A. Para sa mga kahawig na tunog sa pagsulat ng mga salita mula sa katutubong wika ng Filipinas.
Mga Halimbawa
1. feyu (Kalinga) – pipa na yari sa bukawa o sa tambo
2. jambangan (Tausug) – halaman
3. zigattu (Ibanag) – silangan
4. falendag (Teduray) – plawtang pambibig
5. vakúl (Ivatan) - pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit bílang pananggalang sa ulan at init ng araw
6. kuvát (Ibaloy) - digma
7. vuyú (Ibanag) - bulalakaw
8. zinága (Ibanag) - dinuguan
9. zinanága (Ibanag) - pamana
10. majáw (Butuan) - maganda
11. marajáw (Surigao) - maganda
12. féffed (Gadang, Yogad) - pamaypay
13. futú (Ibanag Yogad) - pusò
14. futág (Yog) - pusod
15. fungán (Yogad) - unan
16. fúfulaót (Ayg) - butiki
17. folóy (Ayg) - kubo
18. fánga (Ayg) - palayok
19. fungál (Gad) - punò
20. fúllit (Gad) - gupit
21. fuút (Gad) - tanong
22. fúwab (Gad) - hapon
23. bádju (Itw) – bagyo
24. ju (Itw) – dito
25. pádjanán (Itw) – tiráhan
26. jásjas (Iby, Î-wak) – hinga
27. jábjab (Iby, Î-wak) – pamaypay
28. jófan (Gad) – hipan
29. fidjáw (Gad) – sipol
30. badjáw (Itw) – bagyo
31. pádjanán (Itw) – tirahan
32. jan (Itw) – saan
33. zipíng (Iba) – kambal
34. zitá (Iba) – timog
35. kazzíng (Iba) – kambing
36. zizzíng (Iba) – dindging na yari sa kawayan
37. zinágan (Iba) – dinuguan
38. ziwanán (Iba) – kanan
39. zigû (Iba) – ligo
B. Para sa mga bagong hiram na salita na babaybayin sa Filipino
Mga Halimbawa
1. selfi
2. projektor
C. Para sa mga bagong hiram na salita na hindi binabago ang baybay
Mga Halimbawa
1. visa
2. zigzag
3. level
4. fern
5. jam
D. Para sa mga pangngalang pantangi
Mga Halimbawa
1. John McDonald
2. Nueva Vizcaya
3. Mexico
4. Nueva Ecija
E. Para sa mga katawagang siyentipiko at teknikal
Mga Halimbawa
1. chlorophyll
2. zeitgeist
3. quorum
4. Albizia falcataria
F. Para sa mga mahirap dagliang ireispel
Mga Halimbawa
a. bouquet
b. jaywalking
c. quiz
d. pizza
Sanggunian:
MGA TUNTUNIN NG ORTOGRAPIYANG PAMBANSA
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)