Ang IMIK ay tumutukoy sa pagsalita. Sa wikang English, ito ay kahulugan ng “to break the silence, to talk, to answer, to reply.”
Halimbawa
1. Hindi agad nakaimik si Daniel nang
tanungin ni Delia kung saan siya natulog kagabi.
2. Umimik ka naman upang hindi mapanis
ang iyong laway.
3. “Hindi po ako ang kumuha ng pambura
ni Leila,” imik ni Ronald.
4. Huwag kang iimik kung hindi ka
tinatanong.
5. Imik nang imik si Janray habang nagsasalita ang guro kaya siya ay binigyan ng takdang-aralin.
Ang KIBO ay tumutukoy sa pagkilos. Sa wikang English ito ay kahulugan ng “move, motion, movement.”
Halimbawa:
1. Parang tuod kung matulog si Madonna.
Wala siyang kakibu-kibo.
2. Ang bilin ng Nanay ay huwag kibuin
ang ulam ng Tatay sa mesa.
3. Tila kumibo ang ugat sa aking ulo
nang marinig ko ang ibinalita ni Marina.
4. Bahagyang kumibo ang sanggol sa
kanyang sinapupunan.
5. Mamahalin ang pigurin sa estante kaya
huwag ninyong kibuin.