KAPAG ang ginagamit kung TIYAK ang kalagayan ng isang pahayag. Ito ay katumbas ng WHEN sa English bilang pang-abay (adverb) at pangatnig (conjunction).
1. Si Marilou ay umuuwi ng probinsya
kapag araw ng Pista ng Sto. Rosario ng kanilang bayan.
2. Laging magsuot ng seat belt kapag ikaw
ang nakatokang magmaneho ng kotse.
3. Kapag araw ng Linggo nagsisimba si
Abigail.
4. Tawagan mo ako kapag ikaw ay dumating
na sa inyong bahay.
5. Sa tuwina ay nakatatanggap ng regalo
si Timtam galing sa kanyang ninong kapag siya ay nagdaraos ng kanyang kaarawan.
KUNG naman ang gamit kung DI-TIYAK ang kalagayan ng isang pahayag. Ito ay katumbas ng IF sa English bilang pangatnig (conjunction).
Halimbawa:
1. Hindi matutuloy ang ating excursion
kung uulan bukas.
2. Si Gng. Ramos ay alinlangan kung sa
Martes o Biyernes ang dating ng kanyang anak.
3. Kung ikaw ay magagawi sa palengke ay
ibili mo ako ng isang kilong galunggong.
4. Kung itutuloy niya ang demanda o hindi ay hindi pa napagdedesisyonan ni Maricar.
5. Sumige ka kung sa palagay mo ay
tumpak ang iyong gagawin.