"IBA'T IBANG PINAGMULAN NG WIKA (TEORYA)"
1. TEORYANG BOW -WOW:
Ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon. Ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid gaya ng ihip ng hangin, patak ng ulan at langitngit ng kawayan.
2. TEORYANG DING DONG:
Lahat ng bagay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabago-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
May sariling tunog na kumakatawan sa lahat ng bagay sa kapaligiran. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog. q Halimbawa: tsug- tsug ng tren, tik- tak ng orasan
3. TEORYANG POOH -POOH:
Nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.
Ang wika ng tao ay nag –ugat sa mga tunog na kanilang nilikha sa mga ritwal na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Halimbawa: pagsayaw, pagsigaw at incantation o mga bulong na ginagawa tuwing makikidigma, pagtatanim at iba pa.
4.TEORYANG TA-RA-RA- BOOM DE AY:
Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas- emosyunal.
5. TEORYANG SING-SONG:
Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
6.TORE NG BABEL:
Teoryang nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Nagkaroon ng panahon kungsaan ang wika ay iisa lamang. Napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon.
Nang malaman ito ng Panginoon, bumababa Siya at sinira ng tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.
7. TEORYANG YOO HE YO:
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S Diamond (2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang puwersang pisikal.
8. TEORYANG TA -TA:
Ayon sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita.
Tinatawag itong ta-tana sa wikang Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
9.TEORYANG MAMA:
Nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay.
Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa salitang mother.
10.TEORYANG HEY YOU:
Iminungkahi ng linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang wika.
Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.
11.TEORYANG COO COO:
Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol.
Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay- bagay sa paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
12. TEORYANG BABBLE LUCKY:
Ang wika raw ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga bagay-bagay sa paligid na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.
13. TEORYANG HOCUS POCUS:
Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
Maaari raw kasing noo’y tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat hayop.
14.TEORYANG EUREKA:
Sadyang inimbento/nilikha ang wika ayon sa teoryang ito ayon kay (Boeree, 2003). Maaari raw na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.
Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.