Saturday, October 8, 2011

ANO ANG PABULA?

Ang pabula o fable sa wikang Ingles ay isa sa pinakamatandang anyo ng panitikan kung saan mga hayop ang gumaganap na tauhang kumikilos at nagsasalita. Ito ay tinatawag ding kathang-isip at kalimitang may nakapaloob na aral sa pagwawakas ng kuwento. Karaniwan na ring maikli lamang ang kabuuan ng isang pabula. Marami sa mga pabulang Filipino ay hango sa akda ni Aesop o Esop, isang Griyegong pinaniniwalaang sumulat ng mga pamosong pabula.

Halimbawa ng Pabula:
Isa ang kuwento nina Pagong at Matsing sa mga pabulang kinahihiligan ng mga Filipino. Maraming bersyon ang pabulang ito subali't iisa lang ang aral na napupulot.


Si Pagong at Si Matsing


(Sinipi mula sa http://brownmonkeys.multiply.com/journal/item/216/Si_Pagong_at_Si_Matsing_Isang_Pabula?&show_interstitial=1&u=%2Fjournal%2Fitem

Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro. Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit” nag-aayang sabi ni Pagong.

“Naku baka panis na yan”sabi ni Matsing

“Ang nabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para masiguro natin na walang lason ang pagkain” dagdag pa nito.

“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman magbibigay ng panis na pagkain si Aling Muning” sabi ni Pagong

“Kahit na, ako muna ang kakain” pagmamatigas ni Matsing

Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at walang natira para kay Pagong.

“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit kaya wala ng natira. Sa susunod ka na lang kumain” paliwanag ng tusong matsing.

Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na siya nakipagtalo sa kaibigan.

Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng isang puno ng saging.

“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito. Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko itong itanim sa aking bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito” masayang sabi ni Pagong

“Gusto ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo na lang sa akin”sabi ni Matsing

“Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito.Kung gusto mo hatiin na lang natin.”

“Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung parte na may mga dahon ha?” nakangising sabi ni Matsing

“Ha? sa akin ang ibabang bahagi?tanong ni Pagong

“Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng saging kaya sa akin na lang ang itaas na parte”sabi ni Matsing

Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno.

Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang lupa. Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing.
Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalaagaan ang tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.

Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa halaman ni Pagong.
“Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang aking tanim ay nalanta at natuyo”sabi ni Matsing.

“Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo ang bahagi ng halaman na pinutol kung ito ay may ugat” paliwanag ni Pagong.

“Hmp kaya pala nalanta ang aking tanim”nanggigil na sambit ni Matsing.
“Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin” anyaya nito.

“Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko kayang akyatin.”sabi ni Pagong.

“Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat, ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Basta’t bigyan mo lang ako ng konti para sa aking meryenda” sabi ni Matsing.

Pumayag si Pagong sa alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno. Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay Pagong.

“Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito para sa akin. Hahaha!” tuwang-tuwang sabi ni Matsing.

Nanatili sa  itaas ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan.

Galit na galit si Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng mga tinik sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang mga tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong. 

“Pagong, tulungan mo ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at mukhang uulan ng malakas”pagmamakaawa ni Matsing.

“Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako. mukhang malakas ang ulan. Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan.” sabi ni Pagong sabay alis papunta sa bahay ni Aling Muning.

Makalipas ang ilang sandali, nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing kundi bumaba sa puno ng saging.

“Arrrraayyy! Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!!” daing ng tusong matsing.

“Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa ginawa mo sa akin”bulong nito sa sarili.

Kinabukasan, kahit mahapdi pa rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya itong naglalakad sa may kakahuyan. 

“Hoy Pagong humanda ka ngayon!” galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong.
“Anong gagawin mo sa akin?” takot na tanong ni Pagong.

“Tatadtarin kita ng pinong pino”sabi ni Matsing

Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang tusong matsing.
“Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagjputol putullin nang sa gayon ako ay dadami at susugurin ka namin ng mga parte ng katawan kong pinutol mo hahaha”sabi ni Pagong.

Nag-isip nang malalin si Matsing.

“Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging abo ka” sabi ni Matsing.

“Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita mo ba ang makapal at matibay kong bahay? Kahit ang pinakamatinding apoy ay walang panama dito” pagyayabang ni Pagong.

Nag-isip na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa maisipan niyang pumunta sa dalampasigan.

“Tignan natin kung saan ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa malunod ka! Hahaha!” sabi ni Matsing.

Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa dalampasigan.

“Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan. Takot ako sa tubig at hindi ako marunong lumangoy. Parang awa mo na…” pagmamakaawa ni Pagong.

Tuwang-tuwa si Matsing sa pagaakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig. Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa tubig.

“Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na gustong-gusto ko ang lumagoy sa dalampasigan at magbabad sa tubig? Salamat kaibigan!!! natutuwang sabi ni Pagong.

Malungkot na umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag naloloko ng isang kaibigan. 

Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi na sila muling nagkita ni Pagong. 


Aral ng Pabula:
Tuso man daw ang matsing, napaglalangan (naiisahan) din.




Ang Lobo at ang Ubas (The Wolf and the Grapes)
(Sinipi mula sa http://pilipinasatbp.wordpress.com/2009/08/06/ang-lobo-at-ang-ubas/)


Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. “Swerte ko naman. Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas,” ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis
palayo sa puno. “Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon,” ang sabi niya sa sarili.

Aral ng Pabula:
Lagi tayong may dahilan sa mga bagay na hindi natin nakakamtan.

Ang Leon at ang Daga (The Lion And The Mouse)


(Sinipi mula sa http://virginiamapalo.blogspot.com/2011/03/halimbawa-ng-pabula.html)

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog naleon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas aynagpapadausdos siya paibaba.Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leonang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo atkainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sapagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang namaglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin” sabi ng daga.Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalainang pagtulog ko,” sabi ng leon.“Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, “sagot ng daga.


Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sakagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahulisa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali salambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasamaang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon nanakawala sa lambat.“Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga.


Mga aral ng pabula: Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang taoay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang 
makabuluhan.



Ang Kabayo At Ang Kalabaw (The Horse And The Carabao)
(Sinipi mula sa http://www.katig.com/pabula_01.html)

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matindingpagod at pang-hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan
kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo
kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin
ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang initng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang
dala at siya ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi
naging ganito kabigat  ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sakanyang sarili.

Mga aral ng pabula:

1. Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi mo siya tutulungan.

2. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na  kaparusahan.

3. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay magtutulungan.