Monday, April 8, 2019

Tungkulin ng Wika

Tungkulin ng Wika

(Image from http://clipart-library.com/clipart/8iAEyg78T.htm)

Ayon kay Michael A. K. Halliday
1.Regulatori - ang wika ay ginagamit upang kumontrol at gumabay sa kilos at asal ng iba. Halimbawa: kung hindi sinunod ng isang empleyado ang mga nakasulat sa patakaran,  maaaring maging dahilan ito ng kaniyang pagkatanggal sa trabaho; pagbibigay-panuto o babala; resipe, direksyon sa paggawa

2. Interaksyunal - ginagamit ang wika sa pakikipag-interaksyon sa kapwa o kaya#y sa pagtatatag ng mga ugnayan at samahang sosyla. Halimbawa: pagbati, pakikipagkaibigan, liham-pangkaibigan.

3. Personal - ito ang pagpapahayag ng sariling paninindigan at paniniwala hinggil sa mga isyu tulad sa pormal o impormal na pakikipagtalakayan at iba pa. Halimbawa: panliligaw, editoryal, liham sa patnugot

4. Imahinatibo - nakatuon ang gamit ng wika sa paglalahad ng sarili sa maharaya o malikhain at masining na pamamaraan na maaaring kaugnay ng panitikan. Halimbawa: pagsasalaysay, akdang-pampanitikan (kuwento, nobela)

5. Instrumental - ang wika ay ginagamit bilang instrument sa pagkamit ng mga layuning nais isagawa o ipatupad sa pagtugon sa mga pangangailangan ng isang tao. Halimbawa: Sa palengke, layunin ng isang maimili na mabigyan siya ng diskwento kaya makikiusap siya sa mabuting paraan gamit ang wika upang makamit niya ang kaniyang layunin; liham-pangangalakal.

6. Representasyunal (Impormatib) - wika ang nagsisilbi o ginagamit bilang tsanel ng impormasyon, kaalaman at kamalayan. Halimbawa: pagbabalita,  pag-uulat, pananaliksik-papel

7. Heyuristiko- ginagamit ang wika sa paghahatid ng impormasyon. Ang wika sa aspektong ito ay nagsisilbing kagamitan sa pagtuklas ng mga mahahalagang impormasyon o datos.  Halimbawa: pagtatanong, sarbey (survey)

Ayon kay Roman Jakobson
1.Kognitibo- gamit ng wika upang maiparating ang mga mensahe o impormasyon sa kapwa.

2. Konatibo- ginagamit ng tao ang wika upang mangumbinse o kaya’y makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng kaniyang kakayahan sa pag-uutos.

3. Emotibo- ginagamit ang wika upang ipahayag ang damdamin, kaugalian at emosyon.

4. Phatic- gamit ito ng wika upang maitatag ang pakikipag-ugnayan sa iba.

5. Metalinggwal - ginagamit ang wika upang mawala ang hadlang o kahirapan sa intensiyon, salita at kahulugan.

6. Poetiko - tumutukoy ito s gamit ng wika sa malikhaing pamamaraan.