Wednesday, March 9, 2011

WASTONG GAMIT: PINTO, PINTUAN

Sa pagsusulat, pormal man o impormal, o sa pagsasalita, nararapat lamang na gamitin ang wastong salita upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa o tagapakinig ang nais nating sabihin o ilarawan. Tunghayan ang wastong gamit ng mga salitang pinto at pintuan sa mga sumusunod:


Pinto (Door) ang ginagamit kung ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay.

Halimbawa:

1. Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto.
2. Gawa sa narra ang kanilang pinto.
3. Tayo nang pumasok sa bakal na pinto.
4. Masyadong mataas ang pintong kahoy para ating akyatan.
5. Huwag mong sipain ang pinto.

(Ang larawan sa itaas ay mula sa http://www.tripadvisor.com)

Pintuan (Entrance, Doorway) ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o pasukan o  ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man.

Halimbawa:

1. Nangyari ang suntukan sa may pintuan.
2. Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng pintuan.
3. Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas.
4. Huwag ninyong gawing tambayan ang pintuan ko.
5. Si Maria ay hahara-hara sa pintuan kaya nabangga ni Simon.

12 comments:

  1. uu nga no?
    ganon pala yun

    ReplyDelete
  2. Okay. So, that's it. :)

    ReplyDelete
  3. Meron po ba kayo nung wastong gamit ng inumin at inuman? i need help po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Para sa 'kin ho is 'yong inumin ay ang mismong "alak" or whatever na iinumin mo and ang inuman naman ho is kung ano'ng ginagawa niyo? Gaya ng umiinom ng alak so nagiinuman sila

      Delete
  4. ano yung kaibahan ho ng pa rin at parin? please po kailangan ko ang sagot

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala naman talagang salitang parin. pa rin naman.dapat un

      Delete
  5. PA RIN ang wasto at walang PARIN. Gayundin sa, NALANG, NANAMAN at PADIN. Dapat - NA LANG, NA NAMAN, at PA RIN

    Tungkol naman sa inumin at inuman, maaaring ang inumin ay isang pangngalan at pandiwa.
    Hal. Inumin mo ang gatas bukas.
    Ang bagay na ito ay isang inumin.
    Ang inuman naman ay isang pangyayari. Hal. May inuman sa amin kagabi.

    ReplyDelete
  6. Salamat Po.malaking tulong Po ito sa pag gawa Ng aking assignment

    ReplyDelete
  7. pakipaliwanag nga ng linaga at nilaga

    ReplyDelete
  8. Maari bang matawag na pintuan ang lagusang walang pinto??

    ReplyDelete
  9. Ano ang kaibahan ng halakhak, hagikgik at hagakgak

    ReplyDelete
  10. Malalim po sana na kahulugan ng pinto sample

    ReplyDelete