Thursday, June 29, 2017

Wastong Gamit ng Gitling (-)

Sa pagsulat ng isang sanaysay, kuwento, talata, o pangungusap, ang paggamit ng wastong bantas ay mahalaga upang maging malinaw ang nais ipahiwatig ng may-akda. Isa sa mga ito ay ang gitling (-) o hyphen sa wikang Ingles.

Wastong Gamit ng Gitling

A. Kadalasang ginagamit ang gitling (-) kapag inuulit ang buong salitang-ugat (root word) o dalawang pantig (syllable)  ng salitang-ugat.

Mga Halimbawa:

1. Gabi-gabi na lamang siyang umaalis ng bahay.
3. Napakaganda ng isinuot niyang berdeng-berdeng terno.
4. Sino-sino (hindi sinu-sino) sa inyo ang kinumpilan na?
5. Nagbukas si Maria ng isang Ihaw-Ihaw.

Ilan pang halimbawa:

araw-araw          gabi-gabi         
ano-ano (hindi anu-ano)     sira-sira   
iba-iba

Gayunman, kung ang salita ay mahigit sa dalawang pantig, ang unang dalawang pantig lamang ang inuulit.

Halimbawa:

1. palito ==> pali-palito
2. suntukin ==> suntok-suntukin
3. bariles ==> bari-bariles
4. sundutin ==> sundot-sundutin
5. samalin ==> sampal-sampalin

Subali't kung may unlapi (prefix), isinasama ito sa unang bahaging inuulit.

Halimbawa:

1. pabalik ==> pabalik-balik
2. masinto ==> masinto-sinto
3. maamo ==> maamo-amo

TANDAAN:

Ang gitling ay hindi ginagamit sa salita na may mga pantig na inuulit nguni't walang kahulugan kapag hindi inulit.

Halimbawa:

1. paruparo ==> dahil walng "paro"
2. alaala ==> dahil walang "ala"
3. gamugamo ==> dahil walang "gamo"

Dapat gitlingan ang sari-sari at samot-samot dahil may salitang "sari" at "samot".  Dapat ding may gitling ang salitang "samot-sari". Maling anyo ang "samo't-sari".

Ang salitang "iba't-iba" ay mali dahil hindi ito salitang inuulit kundi kontraksiyon lamang ng "iba at iba". 


B. Ginagamit ang gitling sa pagitan ng isang unlapi (prefix) na nagtatapos sa katinig (consonant) at ang salitang nilalapian ay nagsisimula naman sa patinig (vowel). Ang paggamit ng gitling dito ay mahalaga upang maging malinaw ang ibig ipahiwatig at hindi magkaroon ng iba pang kahulugan ang salita.

1. Ayaw ni Mario ng may kasama kaya mag-isa siyang nagtungo sa gubat.
2. Madalas siyang umuwi ng probinsiya lalo na at tag-ani.
3. Ang pag-ayaw ni Petra sa kanilang kasal ay kasalanan ni Pedro.
4. Nakapitas ng dalawang manggang-hinog si Jose. Tig-isa silang magkapatid.
5. Pag-aararo ang ikinabubuhay ng kanilang pamilya.

C. Ang gitling ay ginagamit rin kapag ang isang salita ay hindi na maaring isulat pa ng buo dahil sa kakulangan ng espasyo. Ito ay nangyayari sa pagsusulat, pagmamakinilya o paggamit ng kompyuter sa isang linya sa isang papel. Dapat lamang tandaan na ang pagigitling ay ayon sa tamang pagpapantig ng salita.

Mga Halimbawa

1. Nalulungkot si Amelia dahil ang kanyang matalik na kaibigang si Aniceta ay aalis na pa-
     tungong Amerika sa isang linngo.
2. Masayang nakikipagkuwentuhan si Mang Kanor sa mga kumpare nang biglang duma-
      ting si Aling Dabiana at siya ay hambalusin. 

D. Ang gitling ay ginagamit din kapag pinagsama ang apelyido na isang ginang at ang kanyang naging asawa.

Mga Halimbawa

1. Gng. Debbie dela Cruz-Villavicencio
2. Jocelyn Marquez-Araneta

E. Ginagamit ang gitling sa pagitan ng nawalang kataga o salita ng dalawang salitang pinagsama.

Mga Halimbawa

1. binatang taganayon = binatang-nayon


2. pamatay ng kulisap =  pamatay-kulisap
3. bahay na inuman = bahay-inuman
4. karatig na bayan =  karatig-bayan
5. pugad ng baboy = pugad-baboy

F. Ginigitlingan ang isang salita kung may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, tatak, simbolo, sagisag, brand atbp.

Mga Halimbawa

1. Si Adela ay maka-Sharon Cuneta.
3. Uhaw na uhaw sina Cecilio kaya sila ay nag-Pepsi.
4. Hindi na matatawaran ang kanyang pagiging maka-Filipino.
5. Kung nais makatipid sa paglalaba, tayo ay mag-Surf.

Dapat lamang tandaang nalilipat sa pagitan ng inulit na pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan ang gitling kapag ang salita ay nagiging pandiwa sa hinaharap (future tense of the verb).

Mga Halimbawa

1. Mag-Jollibee = Magjo-Jollibee
2. Mag-Coke = Magco-Coke
3. Mag-Yaris = Magya-Yaris

G. Kapag ginamit ang panlaping (affix) ika ay ginamit, ito ay kadalasang ginigitlingan kung ang inunlapian ay isang numero o tambilang (digit).

Mga Halimbawa

1. ika-9 ng gabi
2. ika-23 ng Oktubre
3. ika-10 pahina
4. ika-50 anibersaryo
5. ika-4 na linggo

H. Ginagamit ang gitling kapag ang isang praksyon (fraction) ay isinulat nang patitik.

Mga Halimbawa

1.     2/3 =  dalawang-katlo
2.     6 1/4 = anim at isang-kapat
3.     3/8 =  tatlong-kawalo

I. Ang gitling ay ginagamit din kapalit ng salitang "hanggang"   o  "o kaya ay" sa isang panukat ng rekado, haba ng oras o panahon.

Mga Halimbawa

1.     3 hanggang 5 kutsarita  =  3-5 kutsarita
2.     4 o kaya ay 6 butil = 4-6 butil
3.     2 hanggang 5 oras = 2-5 oras
4.     25 o kaya ay 30 minutos = 25-30 minutos
5.     2 hanggang 3 buwan = 2-3 buwan

J. Ginagamit din ang gitling sa onomatopeikong pagsulat sa mga iisahing pantig na tunog.

Mga Halimbawa:

1. tik-tak
2. ding-dong
3. tsk-tsk
4. plip-plap
5. ra-ta-tat
6. tsug-tsug
7. eng-eng

K. Gamit din ang gitling sa salitang may unlaping "de" mula sa Espanyol na may kahulugang "sa pamamagitan ng" o "ginawa o ginagamit sa paraang".

Mga Halimbawa:

1. de-bote
2. de-lata
3. de-mano
4. de-kahon
5. de-kolor








63 comments:

  1. Maaraming salamat sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa gitling, magagamit ko ito sa lahat ng aking sinusulat. Mabuhay!

    ReplyDelete
  2. Salamat po! Mas nalinawan ako sa paggamit ng gitling :)

    ReplyDelete
  3. paano kung Ingles ang susunod na salita ngunit hindi inuulit (hal. na(-)scam, pag(-)count, atbp.)?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maglalagay rin po ng gitling :) ganoon din po sa iba pang dayuhang linguahe

      Delete
    2. Kapag nabago ang spelling/baybay ng salitang banyaga ay huwag na maglagay ng gitling. Halimbawa: nagboksing,nagdrowing, naskam

      Delete
    3. Paano naman kung vowel sabay future tense, kagaya ng mag-iihaw o magi-ihaw?

      Delete
    4. Mag-iihaw ang tama sapagkat may panlaping mag na nagtatapos aa katinig.

      Delete
  4. Thank you po for sharing us this kind of info.

    ReplyDelete
  5. Thank you. Very helpful. God bless.

    ReplyDelete
  6. Thank you I have a Filipino quiz bee tomorrow and I review this

    ReplyDelete
  7. Replies
    1. Mali po ang magka-akbay. Ang tama po ay magkaakbay.

      Delete
    2. hi, bakit po mali?

      Delete
    3. Tama po. Hindi na kailangang lagyan ng gitling ang magkaakbay dahil pareho namang patinig ang dulo at unahang titik ng mga salitang pinag-uugnay. Magandang halimbawa ang salitang 'pinag-uugnay,' sapagkat katinig ang dulo ng unang salita at patinig naman ang unahan ng ikalawang salita.

      Delete
  8. anong pinagkaiba nito?

    Magisa
    Mag-isa

    ReplyDelete
  9. Yung magisa po ang salitang ugat ay gisa (sa pagluluto). Yung mag-isa naman po “alone.”

    ReplyDelete
  10. Tinatrack o tina-track?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino, parehong tama ang tinatrack at tina-track.

      Delete
  11. Maraming salamat po sa blog na ito. Malaking tulong sa mga taong naggugustong matutunan pa lalo ang wikang Filipino at balarila nito.

    ReplyDelete
  12. hi tanong lang po ilan salita ang masayang-masaya?

    ReplyDelete
  13. Paano po ito:
    nage-edit o nag-e-edit?
    nagtry o nag-try?
    nag-eexist o nag-e-exist?

    ReplyDelete
    Replies
    1. nag-e-edit (?)
      nag-try
      nag-e-exist (?)

      Hindi ako sure kung ano ang rule sa paggamit ng gitling kapag English verb na vowel ang first letter and naka-present or future tense in Filipino (nag/mag + first syllable of root word + root word). I also came here to find answers.
      What I know is that you have to use gitling before or after the English word kapag nilagyan ng Filipino prefix or suffix. It's like treating the English word as a proper noun in Filipino.
      Also, in Filipino, we use gitling when we add a prefix ending in consonant to a root word that starts with a vowel.
      So if we follow both rules, we'll get the answers I've stated above.

      Delete
  14. Ano po ba ang tama:

    Naka ngiti
    Nakangiti
    O Naka-ngiti?

    ReplyDelete
  15. Replies
    1. nakauubo, sapagkat ang unang pantig ang uulitin.

      Delete
  16. Hello po! Ano po bang ang tama?
    Nagbibigay-diin o nagbibigay diin
    Binigyang-diin o binigyang diin
    Bigyang-pansin o bigyang pansin

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagbibigay-diin; binigyang diin; bigyang pansin.

      Delete
  17. Tama po ba ang nage-enjoy?

    ReplyDelete
  18. Ano po ang tamang paggamit ng gitling dito:
    Timog-silangang Asya o Timog-Silangang Asya?

    ReplyDelete
  19. Ano po ang tamang paggamit ng gitling dito:
    Timog-silangang Asya o Timog-Silangang Asya?

    ReplyDelete
  20. Ano po ang tamang paggamit ng gitling dito:
    Timog-silangang Asya o Timog-Silangang Asya?

    ReplyDelete
  21. Grabe ang laking tulong po nito. Salamat!

    ReplyDelete
  22. Ni-load-an o ni-loadan?
    Nag-e-enjoy o nag-eenjoy?
    S-in-ubmit o Sinubmit? (from the word submit)

    Kapag nagcha-chat po ako, ginagamit ko lagi 'yung mas nauunang uri (ni-load-an, nag-e-enjoy, s-in-ubmit) kapag gamit ko ay English words pero lalagyan ng Filipinong unlapi, gitlapi at hunlapi. Kaya gusto ko po talagang malaman kung tama o mali.

    ReplyDelete
  23. Nagcucutting class o nagcu-cutting class o nagka-cutting class

    ReplyDelete
  24. basta-basta o basta basta?

    ReplyDelete
  25. Hi! Ano po ang tama? Pinakainaabangan o pinaka-inaabangan?

    ReplyDelete
  26. Nakamask or naka-mask?

    ReplyDelete
  27. Kuwentong bayan o kuwentong- bayan?

    ReplyDelete
  28. kwentong bayan yun bobo

    ReplyDelete
  29. tama po ba ang pang-araw-araw?

    ReplyDelete
  30. paano naman kapag may paki? ano po ang tama pakitanngal o paki-tanggal? pakiayos o paki-ayos? salamat po!

    ReplyDelete
  31. Tinake or ti-nake

    ReplyDelete
  32. Tama po ba ang pagkakalagay ng gitling sa mga salitang ito po?

    PINAKA NAKAKANGID-NGID NGID-NGITANG PAGSISINUNGA-SINUNGALINGAN

    At tama po ba na letrang D ang dulo ng salitang NGID-NGID pero napalitan ng letrang T nang dagdagan ng hulapi o naging NGID-NGITANG?

    ReplyDelete
  33. pinag-kukunang yaman, o pinagkukunang yaman??

    ReplyDelete
  34. Paano kapag baliktad, yung vowel yung mauuna tas consonant yung masusunod (hal. Nagpataob)

    ReplyDelete